Chapter 3

0 0 0
                                    

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako noong hapon. Nagising nalang ako na maliwanag na at umaga na pala. Wala man lang may nag gising sa akin para kumain.

Pagkatapos ko maligo ay nag bihis ako ng aking uniform. Nag lagay ng make up na light sa mukha pagkatapos ay dinampot ang bag at lumabas sa kwarto. Pagkalabas sa kwarto ay nakasalubong ko si kuya Brion. As usual pantay ang kilay nito.

Nginitian ko si kuya pero tinapunan lang ako nito ng tingin bago lumabas sa pintuan ng bahay. Napairap naman ako sa inasal niya atsaka pumunta ako sa kusina. Nadatnan ko si mama at papa na naga-almusal. Tiningnan lang ako ng mga ito at hindi man lang inaya kumain.


Wala akong nagawa dahil ganito sa bahay. Mga pusong batong ang lahat, maliban sa kuya kong babaero dahil pusong mamon iyon sa mga babae niya. Mapagmahal iyon hindi katulad nila mama na hindi.

Lumapit ako sa refrigerator at binuksan ito. Kumuha ako ng bottle water at nilapag sa lababo. Magkatabi kasi ang lababo namin at ref. Maya-maya pa ay dumating ang kuya kong babaero at lumapit malapit sa akin. Amoy na amoy ko ang cologne niyang panglalake. Ang sakit sa ilong. Pinaligo ba niya ang cologne niya sa kanyang katawan!?

"Oh?" Ani nito pagkatapos buksan ang refrigerator namin. "Asan ang chocolate cake ko?" tanong nito sa amin.

Muntik akong ma ubo dahil naalala ko ang slice ng chocolate cake na nilagay ko sa aking study table. Shit! Sana hindi nilanggam. Patay ako. Kinuha ko lang naman iyon. Hindi ko naman talaga namalayan kanina ang chocolate cake sa study table ko eh noe.

"Malay namin" malamig na sagot ni papa habang ngumunguya.

Kinuha ko ang bottle water at dahan dahang lumabas sa kusina.

"Oh? Belinda? Kinain mo noe!?" may inis na sa boses ni kuya.

Lumingon ako sakanya at pinagtaasan siya ng kilay.

"Hala ka! Baka kinain ng babae mo!" sabat ko sakanya at tinalikuran siya. Bumalik ako sa kwarto at ni lock ka agad ang pinto. Mabilis na lumapit ako sa study table at nagulat ng wala na ang pinggan na may slice ng chocolate cake.

Tiningnan ko ang ilalim ng aking study table pati na rin ang ilalim ng aking kama. Pero wala akong nakita.

"Bel, alis na tayo" boses ng pogi kong kuya sa may pinto.

Tumingin ako sa relo na nasa aking wrist at napilitang tumayo. Tinakbo ko ang pintuan at binuksan. Ngumiti ako kay kuya na seryoso ang mukha.

"K-Kuya.."

"Kinain ko kagabi" sabi nito tsaka tinalikuran ako. Naglakad siya palabas ng pintuan at sumunod ako. Pati ang kuya kong babaero na hindi maipinta ang mukha ay sumunod din. Matalim ang mga mata nito sa akin at kung kami lang dalawa ay baka kinurot na ako nito sa tenga.

Sinuot ko ang aking sapatos at lumabas sa gate. Pinagbuksan ako ni kuya ng pintuan ng sasakyan at sumakay ako sa front seat, ulit. Habang si kuya Briel naman ay sa likod. Sumakay na rin siya at padabog pang sinira ang pinto.

"Kamusta ka sa school?" tanong ni kuya.

Pinaandar na nito ang sasakyan at lumiko para maka alis na kami. Tumingin ako sa salamin kung nasaan kita ang kuya ko sa likod, nakatingin din pala sa akin. Ngumiti ako sakanya nang nakakaloko.

"Ahm.. nice kuya, pag-uwi ko nga kahapon—"

"Oh!" kinuha ng kuya Briel ang kamay ko at nilapagan ng one hundred pesos. "Pang recess mo" seryosong sabi nito.

"Aw so sweet" lumingon ako rito at hinimas ang makinis niyang pisnge. Dahil malapit siya ay kita ko ang maliliit na freckles niya. "Ang sweet talaga ni kuya Briel—"

Habulan Sa DamuhanWhere stories live. Discover now