Chapter 12

4 2 0
                                    

"So, bale mau-una si miss stem, next humms, abm, tvl and last si gas," pag instruction sa amin ng teacher.

Ang bilis, bukas na agad. Isang araw lang preparation ko not like the others na one week. Busy din tuloy ang officers sa classroom namin sa pag tulong sa akin. Naghahanap sila ng marerentahan ng susuotin ko at gagawin ko sa talent portion. Technically senior high school lang ay may pa segment na 'MISS SENIOR HIGH 2024'. Alangan naman kasama ang mga junior high, e miss senior high nga. Pasiklaban naman sa sayawan ang mga junior high at sa amin, na senior high, eto.

Nahihirapan pa si miss tvl, dahil first time niya na mag suot ng takong na matagalan. Habang kami ata ni Queenie ay chill lang, sanay na. Paano ba naman kahit school shoes nga nitong ni Queenie na suot niya ngayon ang taas na. Ang tangkad tangkad niya tingnan. Makinis din siya at maputi. Chinita na mahaba ang buhok. Dagdag pa ang ganda ng hubog ng kanyang katawan. Beauty and Brain na siya.

Napa-irap ako sa aking iniisip. Bakit tunog insecure ako. Inayos ko nalang ang pagka-pony tail ko sa aking buhok at tumayo ng maayos. Kakatapos lang ng lunch kaya wala na masyadong estudyante ngayon kung naasan kami. Ang init init pa, kaya panay ang paypay ko sa aking sarili. Feel ko ay hagard na hagard na ako. Tapos sunod pa ako kay Queenie rumampa.

"Oh, tagal mo"

Inaayos ko ang aking suot na takong ng mag salita ang aming teacher. Hindi ako lumingon sa taong dumating dahil wala naman akong pake. Hindi ko rin naman narinig ang kanyang boses dahil hindi naman ito nagsalita. Hinilot ko ang aking paa at sinuot uli ang takong ko.

"Nag lunch pa kasi ako, sir"

Agad na tumaas ang ulo ko at tumingin sa taong nakatingin din pala sa akin. Ngumiti ito sa akin pero inirapan ko lang siya. Ano ang ginagawa niya rito? Nandito ba siya para i-support ang kandidata niya. Eh, bukas pa naman. Gusto niya talagang mamikon.

"Osige na, para matapos na at makapaghanda pa kayo bukas. Last practice para sa long gown kasama si White," saad ni sir.

Umayos na ako at tumayo ng tuwid. Inayos ko nanaman ang ulit buhok ko at t-shirt kong naka tuck in sa skinny jeans na aking suot. Lumapit sa akin so Queenie at may ibinigay na water bottle sa akin. Hindi ko iyon tinaggap kaya nilapag niya nalang ito sa malapit sa akin. Tumalikod din naman agad siya at pakendeng-kendeng na naglakad. Ano yon? Nakita niyang hagard na hagard ako kaya binigyan niya ako ng tubig? WOW! edi THANKYOU!

Pumunta na ako sa pwesto kung saan ako. Pangatlo akong lalabas, sa unahan ko si Queenie. Nakatingin lang ako sa maputing leeg niya habang inaayos niya ang kanyang buhok at damit. Bawat galaw niya ang hinhin at ang perpekto. Kahit hindi kami masyado magkalapit ay amoy na amoy ko ang mabangong pabango niya. Mas tumingkad pa nga ang maputing kutis niya sa suot niyang itim na t-shirt na may tatak na 'PRES' sa likod.

Nagsimula ng tumugtog sa labas at kaya dahan dahan nang naglakad si Stem. Na una siya at hindi na ako nakasilip sa labas ng matigil ako sa boses na aking narinig. Malamig at maganda pakinggan.

"Ooh it's somethin' about
Just somethin' about the way she move
I can't figure it out
It's somethin' about her"

Binanggit ang pangalan ng kandidata ng Stem habang kumakanta pa rin ang lalaking hindi ko akalain maganda pala ang boses. Kaya pala nandito siya, siya pala ang magha-harana. Napangiti tuloy ako at napalungo-lungo.

Sumunod na lumabas si Queenie na bumaling pa sa akin, ngumiti siya at yumuko ng ka onti atsaka rumampa na. Sa likod niya palang kita ko nang confident na confident siya. Parang alam niya nang ang korona ay para sakanya.

Pero sorry siya. Hindi ako papayag na hindi ako mananalo. Biglang pumasok ang boses ni mama sa akin. Kaya humigpit ang hawak ko sa aking damit at bumuntong hininga. Hindi ko dapat bigu-in si mama. Sinuportahan niya ako, dapat manalo ako.

Sinenyasan na ako ng isang teacher na lumabas na ako. Binigay ko ang aking lahat sa paglakad. Hindi pa ako nakalabas sa backstage ay ngumiti na ako. Iyong ngiti kong alam kong makukuha ko ang lahat. Bumungad sa akin ang liwanag ng labas. Hinanap agad ng mata ko ang boses, pero nagulat nalang ako sa humawak sa kamay ko.

"She got her own thing
That's why I love her
Miss Independent
Won't you come and spend a little time?"

Nagulat man ako sa magaspang niyang kamay. Mas lalo namang lumakas ang loob ko ng kinindatan niya ako at nginitian. Parang gusto ko nalang tumingin sakanya the whole time na naglakad kami pero napukaw lang ang atensyon ko sa biglaang mga sigaw sa ibaba ng stage. Bumaling ako roon at nakita ang ibang kaklase ko. Nakita ko pa ang lalaking kaklase ko na nagtanong one time kung girlfriend ako ng mokong na kasama ko ngayon.

Practice pa lang naman pero todo support na sila. Natuwa ang puso ko kaya mas rumampa ako ng bongga habang binitawan naman ni White ang kamay ko para magpakitang gilas ako. Na una akong maglakad at tumingin sa crowd. Tumigil ako at nag pose, dahang dahang tumalikod at tumingin ulit sakanila nang dahan dahang nag fierce at ngumiti.

Naglakad din naman ulit ako pabalik. Kaso ay nabigla ako ng hinatid pa ako ni White hanggang sa dulo na kung saan ay pasukan na ng backstage. Nagkatinginan pa kami ni sir at kahit siya ay nabigla. Lumungo-lungo nalang siya at tumawa sa ginawa ni White. Dinalian ko nalang ang pagpasok sa Backstage pero ang gago ay kinalabit pa ako at nag thumbs up pa sa akin. Inirapan ko nalang siya at lumabas na rin naman ang next na kandidata.

Natapos kaming lahat mag solo at sama samang, sunod sunod na naglabasan. Hindi na kami inalalayan isa isa ni White dahil rumampa na kami. Pumunta ako sa pwesto kung saan ako nilagay ni sir.

NATAPOS ang practice namin at may practice nanaman ako sa talent portion. Nasa classroom ako namin kasama ang kaklase kong kasama ko magsasayaw bukas sa talent portion. Hindi ako magaling kumanta, pero sa pagsasayaw, masasabi kong kota ko talaga ito. Mahilig ako sumayaw lalo pa iyong may pa giling giling.

Medyo sexy man ang gagawin kong talent portion pero sa palagay ko ay okay naman. Hindi naman masyadong revealing ang susuotin ko bukas. Okay na para sa concept ng sayaw ko. Magta-takong din ako bukas kaya feel ko ay kawang-kawa ang paa ko pagkatapos ng pagent.

"Galing mo kanina"

Iminulat ko ang aking mata sa pagkakapikit ng may narinig akong magsalita sa pintuan ng classroom. Tumingin siya sa paligid ng classroom at ng makitang ang kasama ko lang sumayaw ang narito ay pumasok agad siya at umupo sa katabi kong upuan.

"What are you doing here?" malditang tanong ko at umayos ng upo. Hinablot ko ang towel na nasa desk malapit sa akin. Pinahiran ko ang pawis na nasa aking leeg. Nakatingin lang siya sa akin pero nang makitang nakatingin din ako sakanya ay umiwas siya.

"Dapat don ka sa kandidata mo," saad ko at tumayo.

"Okay naman na siya," sagot niya na nagpalingon sa akin sakanya.

"Then, ako hindi? that's why you're here" ramdam ang irita sa ang aking boses.

Tumawa siya at kinapa ang kanyang bulsa. May nilabas siyang isang biscuit at nilahad sa akin. Tiningnan ko lang ito at tinaasan ng kilay. Ano nanaman ang trip ng lalaking ito?

"Hindi pa kasi kita nakitang lumabas man lang. Baka gutom ka," saad niya atsaka tumayo. Wala siyang lingon lingon na lumabas sa classroom na sumisipol sipol na naglakad.










Habulan Sa DamuhanWhere stories live. Discover now