Chapter 8

7 0 0
                                    


Piningot nanaman ng ningnay ni White ang tenga nito. Narinig kasi niya ang sinabing kagaguhan ng pamangkin niya.

"Akala ko talaga boyfriend mo itong gago, neng"

Umupo ito sa katabing sofa ni White. Habang si White naman ay nilapag na ulit sa mesa ang electric guitar niya at kumuha ng tinapay na nilapag ng ningnay niya sa mesa.

"Kain ka.." ngumiti ito sa akin at tinulak palapit sa akin ang tinapay na may palamang mayonnaise. Ngumiti lang din ako at nag-alinlangan kumuha.

"Kaklase kaba ni White?"

Kumuha ako ng isa at pinagsalinan ako ni White ng softdrinks sa baso. Kinuha ko naman ito at unang ininom. Parang nauhaw kasi talaga ako bigla sa mga nangyayare.

"Uhm.."tumingin ako kay White na ngayon ay ngumunguya ng naka-pikit . "Hindi" sagot ko.

"Siguro, si Nik-Nik ang kaklase mo"

"Hindi rin"

Napakamot sa pisnge niya ang auntie ni White at tumingin sa pamangkin niya. Iniisip niya sigurong gago talaga ang pamangkin niya at kung sino sino nalang ang taong hinila sa labas.

"Pero friends naman kayo?"

"Hindi e" ako naman ang napakamot sa ilong ko.

Bumangon si White sa pagkakasandal sa sofa at imunalat ang mga mata. Inigaw niya ang baso ko at nilagyan ng softdrinks atsaka siya uminom. Napaawang naman ang labi ko dahil parang nag indirect kiss naman kami.

NO! hindi... I mean hindi kami nag indirect kiss dahil sa ibang part naman siya ng baso uminom. Hindi ba siya laway conscious?

Tiningnan lang siya ng Auntie niya na may pag kadismaya sa mukha. Kahit ako naman, madidismaya talaga ako kapag si White ang pamangkin ko.

"Anong hindi tayo friends... hinatid-hatid nga kita sainyo tuwing gabi na" may inis sa boses niya.

Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi niya.

"ONE TIME mo lang ako hinatid" may diin ang unang mga salita ko.

Tumingin siya sa kawalan at tumawa mag-isa. Ganito ba talaga ang mga tao malasing, nababaliw. Agh! Hinding hindi ako malalasing sa buhay kong to! Like never! Nakakahiya kaya!

"Oo nga pala" tumingin siya balik sa akin. "Hindi kami friends, ningnay..." tumayo siya at lumapit sa auntie niya. Tumabi siya rito at sinandal ang ulo sa balikat ng auntie niya. Tinulak tulak pa siya ni auntie niya pero mapilit talaga to at yumakap pa.

Umirap ako kasi inamin niya rin na hindi talaga kami mag kaibigan. Pero may konting pumihit sa tiyan ko na hindi ko maipaliwanag dahil di man lang niya itinulak na friends kami. Okay lang, it's better kung hindi naman kami friends. Lalo na at magka-away ang pamilya namin.

"Kasi flingy kami, ningnay..."



NAKA-UWI ako sa amin na hindi naglakad. Binigyan kasi ako ng auntie ni White ng pera pamasahe, tapos nang nawala ang auntie ni White ay naglabas naman si White  ng wallet niya at nag lapag sa mesa ng one hundred pesos. Ako, na walang pera at may parcel pa na dadating. Aba! Kinuha ko kaagad.

"Kunin mo na yan o hindi ka makaka-uwi"

Binuksan ko ang phone ko at tiningnan kung anong oras na. Alas singko na ng hapon at baka mamaya ay nandyan na ang parents ko. Pumasok ako sa kwarto ko at nilapag sa sahig ang aking bag. Nilapag ko na rin ang pinaba-on sakin na pag kain ng auntie ni White. Tiningnan ko pa ito bago buklatin.

Sabi niya kanina sa akin kainin ko raw sa bahay namin, pwede ko rin daw ishare sa mga tao sa bahay. Kaso hindi ko naman gagawin yon, baka pag-shinare ko pa ay kwe-kwestyunin pa ako ng mga magulang ko kung saan galing at kung malinis ba ang dala ko.

Nagbihis ako ng pang-bahay na damit at lumabas sa kwarto para kumuha ng kutsara at kanin. Walang tao sa kusina kaya nakabalik din agad ako sa kwarto pagkatapos ko makuha ang kailangan ko.

Umupo ako sa sahig ng aking kwarto at sumandal sa paanan ng aking kama. Wala masyadong ilaw at lampshade lang ang nagbibigay liwanag sa aking silid kaya medyo madilim. Binuksan ko ang tupperware na may lamang dinuguan at inamoy muna kung mabaho or not.

Dahil hindi naman at mukhang wala namang poison na nilagay ay nagsimula akong kumain. Sa totoo lang, ay first time ko kumain ng ganito. Hindi kasi kami naglu-luto sa bahay ng mga ganitong klaseng ulam. Busy kasi sila mama simula bata pa kami. Kaya simula ng gumanyan si Lola ay puro nalang kami mga lutong madaling lutu-in. Noong si Lola kasi ay nakaka-kain pa kami ng adobo, tinola at afritada. Ngayon wala na, friend chicken o dalang ulam na binili sa labas nalang ang ulam namin tuwing gabi. Hindi naman kasi kami nagkikita tuwing pananghali-an. Si lola lang ang nasa bahay at sa umaga may ulam na siya na ulam namin ng agahan. Tapos tuwing saturday or sunday na nasa bahay kaming magkakapatid, kung anong nasa kusina yon nalang ang inu-ulam namin. Sardinas man yan o dait.

Unang subo ko palang ay nasarapan na agad ako. Kaya naka ilang labas ako sa kwarto ko para kumuha ng kanin. Hindi ko muna inisip na nagdi-diet ako para sa saturday. Ang sarap kasi ng dinuguan na bigay ng auntie niya.

Sarap na sarap akong kumakain ng may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Uminom ako ng tubig na dala ko kanina nang pumunta ako sa kusina at tinago ang kinakain ko. Tumayo ako at inayos ang aking sarili. Pumunta ako sa pinto at dahan dahang binuksan ito. Baka kasi si mama o kaya ang panget kong kuya.

Pero none of the above dahil si papa ito. Ngumiti ako sa ama ko at niliitan ang pag bukas ng kwarto ko. Mahirap na at baka makita niya na kumakain ako ng pagkain na hindi galing dito sa loob ng bahay.

"How much your mom gave you?" monotone ang pagkakasabi niya.

"300" sagot ko.

Totoo naman, 300 per week ang bigay ni mama sa akin. May pera lang talaga ako dahil noong mga nakaraang linggo hindi ako gumagastos. Hindi ako nagre-recess.

Inilabas ni papa ang wallet niyang leather at binuksan ito. Sumilip naman ako at nakakita ng mga papel na pera. Nakita ko pa ang 2 × 2 kong pic sa wallet niya. Bumunot si papa ng isang libo at binigay sa akin.

"Don't tell your mom about this"

Nagliwanag ang mga mata ko at niyakap si papa. Kahit parang robot si papa mahal ko pa rin naman siya. Akala ko ay yayakapin niya rin ako pabalik pero mahinang tinulak niya ako.

"I gave you that para hindi ka sumama samin sa saturday"

Nawala ang ngiti sa labi ko at napalitan ng katarayan.

"And why?" tinaasan ko siya ng kilay at  pinagkrusan ng mga braso.

"None of your business. Kung gusto mo sumama then akin na ang—"

"Hindi ako sasama. Pero add another money"

Naalala ko kasing may parcel ako. Edi wag ako sumama. Mas gusto ko nalang din sa bahay kaysa kasama sila na wala akong pera. Hindi naman ako makakabili ng gusto ko ron kung wala akong pera.

"How much?"

"Another one thousand—"

"Talaga lang ha"

Ngumiti ako at binigyan naman niya ako. Tinago ko agad sa likod ko ang dalawang libo at tinarayan na siya.

"Hindi na ako sasama. Go now" ani ko at sinaraduhan siya ng pinto. Ni-lock ko pa at bumalik ako sa pagkakaupo sa sahig at nilabas ang kinakain ko kanina.

Nakakainis na minsan maging parte ng pamilyang to. Ewan ko ba at sa rami ng pwedeng pamilya bakit dito pa talaga ako binigay.

How I wish na may isang family member ako na katulad ng Auntie ni White. O kaya sana ang pamilya ko ay kasing saya ng pamilya ni White.

Habulan Sa DamuhanWhere stories live. Discover now