Chapter 16

1 0 0
                                    

Naka itim na hoodie at itim din na leggings. Yan ang suot ko habang naka upo sa gutter ng kalsada. Nasa medyo madilim ako at malayo sa poste. Ilang minuto na akong nasa lumabas ng bahay at hanggang ngayon ay wala pa rin ang aking hinihintay.

Para pa akong maglalayas kanina sa sobrang dahan dahan kong maglakad sa loob ng bahay at lumabas dahil baka mahuli pa ako. Pag  nahuli ako. Kwe-kwestyunin pa ako saan ako pupunta at sino ang kasama ko.

Ayoko muna sa bahay.

Gustong kong lumabas at makasama si White. Walang dahilan kung bakit siya. Gusto ko lang na may kasama. Wala naman kasi akong ibang kakilalang may motor katulad nito. At si White lang ata ang kakilala ko sa school na alam ang bahay namin.

In-open ko ang aking cellphone at nag data. Pumunta ako sa messenger at tiningnan na hindi namana online ang gago. Pero bakit wala pa siya? Asan naba siya? May nangyare ba sakanya? Hindi niya ba ako susunduin? Ayaw niya ba ako makasama?

Napapadyak ako sa batong malapit sa akin. Bwisit. Kung ano anong pumapasok sa isip ko. Tumayo nalang ako at pupunta nalang ako kung saan saan. Wala na akong pake kung may bumangga sa akin mamaya at holdapin ako. Bahala na! Ayoko lang sa bahay. Gusto kong maka alis don.

Dapat ang bahay comfort zone yon. Pahingahan. Pero sa nararamdaman ko, ang bahay pa namin ang pumapagod sa akin. Ang sisira sa buhay ko at sa ulo ko. Mababaliw lang ako kung nasa bahay ako. Iisipin ko nanaman ang mga pagkakamali ko. I-Isipin ko n-naman kung mahal ba nila talaga ako...

Shit.

Napapunas ako sa aking mga mata dahil tumulo na pala ang luha ko. Tumingin ako sa taas at pinigilan na umiyak pero hindi pa rin talaga ako matigil. May sumasaksak kasi sa puso ko, at hindi ko mapigilang ilabas lahat ng emosyon na nakatago. Siguro dahil ngayon nalang ulit ako umiyak. Naipon na lahat ng sakit at ngayon hindi ko na mapigilan na ilabas lahat.

Tumahol ang aso ng kapitbahay namin ng dumaan ako sa harap ng gate nila. Mabilis na naglakad lang ako papuntang kabilang kalye na parang tanga ng may motor palang dadaan. Mabuti nalang at naka preno ito. Natumba lang ako sa daan sa gulat.

"Fuck.." mahinang bulong ko habang ang maliwanag na ilaw ng motorsiklo ay nasa sakin.

"Belinda.."

Lumapit sa akin ang isang taong amoy pa lang niya ay alam ko na kung sino. Kinuha nito ang buhok kong napunta sa aking pisnge at tiningnan ang pagmumukha ko. Nakatingin lang ako sakanya dahil para siyang tanga. Puno kasi ng pag-alala ang mga mata niya. Ang ilaw ng motor ang nag bigay daan para masilayan ko ang buong mukha niya.

"Okay kalang ba? Sorry talaga. Gagi? Di ko sadya"

Tiningnan niya ang pwesto ko at hinawakan ang kamay ko. Nag salita siya ng kung ano ano pero wala naman akong maintindihan. Nasa mukha niya lang ako nakatingin at sa labi niyang parang inimbita akong lapitan.

Pinitik pa nito nang mahina ang ilong ko dahil nakatingin lang ako sakanya. Sa huli ay natawa pa siya. Pero nag iba naman ka agad ang emosyon at hinawakan ang ulo ko. May hinahanap na kung ano na hindi niya naman mahanap. Bumuntong hininga siya pagkatapos at hinawakan ang pisnge ko. Pinisil pisil niya ito habang ang mga mata niya'y inaalam kung ano ang nararamdaman ko.

"Hoy! Belinda? Na-untog kaba? Parang wala naman. Hoy!"

Tahimik ang paligid at boses niya lang ang naririnig ko. Ang bawat galaw niya ay bigla nalang bumagal kahit ang pagsasalita niya ay bumagal. Basta ba ang kaniyang mga labi ay kumikinang. Nanga-akit.

Wala sa sariling na akit nga ako ng labi niya. Hinawakan ko ang pisnge niya na kanyang ikinatigil. Nakatingin kami sa isa't isa. Parang kami lang dalawa ang nasa mundo at amin ang lahat ng oras. Lumakad ang mga kamay ko papunta sakanyang leeg at inilapit nang dahan dahan ang aking mukha sakanya.

Habulan Sa DamuhanWhere stories live. Discover now