Chapter 9

2 0 0
                                    

Saturday, hell day.

Mag-isa lang ako sa bahay dahil umalis silang lahat at sinama pa nila si lola. Ang dalawang kapatid ko ay nalaman kong hindi sumama sakanila para pumunta sa beach, kaya si mama, papa atsaka lola lang ang nag pahangin at naligo sa isang resort. Hula ko nga ay nilapagan din nga pera ang dalawa kong kapati kaya hindi sila sumama. Napaisip tuloy ako ano ang plano ni papa bakit ayaw niya kaming mga anak niya pasamahin. Maybe, gagawa sila ng bunso namin? Napasuka ako sa aking inisip.

Akala mo talaga sa araw ng sabado makakapaghinga ka, eh! Pero nandito ako, naglalaba. Nasira pa ang washing machine namin kaya mano-mano ang paglalaba ko. Mga damit ko lang naman pero napapagod ako. Dagdag pa na ang init init.

Biglang nag ring ang aking cellphone at alam ko na agad kung sino ang tumatawag. Hindi ito naka registered sa phone ko pero syempre sinagot ko. Tumayo ako sa kakaupo sa paglalaba at nag unat-unat ng balakang.

[Goodmorning. Delivery, ma'am]

"How much?," tanong ko dahil dalawa ang parcel na paparating sa akin. Naglakad ako papasok sa bahay at pumunta sa aking kwarto. Kinuha ko ang aking pera sa loob ng drawer at nag martsa papuntang pinto ng bahay namin. Nagsuot ako ng tsinelas at nag martsa papuntang gate. Binuksan ko ang gate at tumaas ang kilay sa delivery rider. "Oh, long time no see"

Tiningnan ko ang aking phone at kanina pa pala ito naka end. Nilagay ko nalang ang phone ko sa aking bulsa at pinagkrusan siya ng braso. "Delivery boy kana ngayon?"

"Hindi," maikling sagot nito at nabigla pa ako ng bigla nalang niyang ipukol sa akin ang aking parcel. Mabuti nalang at damit lang ang laman baka kasi kung mga matitigas na bagay ay nabukol na ako. "175, ma'am"

Pinangsingkitan ko siya ng mata at namewang. Nasa kaliwang kamay ko na ngayon ang aking parcel na naka well package naman. Naalala ko hindi lang kalayuan samin ang inorderan ko dahil sa live selling ko lang ito binili. Pero hindi ko akalain na ang lalaking to ang magde-deliver sa akin. At ang lakas niya, ah. Nag deliver siya sa teritoryo namin, NAKIN!

"150 lang to," tinaas ko ang aking parcel at winagayway sa pagmumukha niya, natamaan ko pa nga ang ilong niya. Hindi naman kasi siya naka helmet, naka jersey lang siya na pang basketball at kulay black na hanggang tuod na short. Tumingin ako sa motor niyang dala at hindi ito ang pinang hatid niya sa akin noong nakaraan.

"175 kasi gwapo ang nag deliver "

"Aba!" hinayaan ko nalang siya sakanyang kayabangan at humugot ng two hundred pesos sa aking wallet. Akala ko ay kukunin niya ito ng nilahad ko sakanya ang pera, pero tiningnan lang niya ito. " Sukli-an mo!"

"Wala akong dalang panukli. Sabi sakin ni-" natigil siya ng kinuha ko ang kanyang palad at nilapag doon ang pera. Ka imberna naglalaba pa naman ako, walang kwentang delivery guy pala siya kung wala siyang panukli. Kahit kailan talaga! "Meron kaba? Bakit ang sama mo!" may inis na ang kanyang boses.

"Anong masama? Ayaw mo kasi ako sukli-an!"

"Eh sa wala nga akong panukli!"

Para kaming mag-asawa na naga-away-WAIT!? sinabi ko bang mag-asawa? as in M A G A S A W A!? yuck. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa, at hindi talaga siya nagpatalo dahil tiningnan niya rin ako nang ganon. Kaso ngalang siya ay nag iwas bigla ng tingin.

"Bahala ka!" tinalikuran ako nito at sumampa siya sa kanyang motor. Nanlaki naman ang aking mga mata dahil hindi pa niya ako sinuklian, agad niya na lang pinaharurot ang kanyang motor. Hinabol ko pa ito hanggang sa kabilang bahay pero ang gago ay hindi talaga tumigil. Lumiko agad siya at walang lingon lingon.

Bakit ba siya ang nag deliver? Close na sila ng inorderan ko? What a small world. Napa irap nalang ako sa gitna ng kalsada at tumingin sa paligid. Tinaasan ko pa ng gitnang daliri ang batang nagbi-bisekleta, nakatingin kasi ito sakin na parang hinusgahan ako. Nagulat ang bata kaya pumasok ito sa gate nila.

Habulan Sa DamuhanWhere stories live. Discover now