Prologue

15 0 0
                                    


I have this problem in life that I easily forget the faces of people na parte ng buhay ko. That's why i like to stare at them, para marehistro ko sa utak ko ang mga pagmumukha nila. Ang mga features nila sa mukha ay aking tinatandaan para maalala sila.

Naging parte rin naman ng buhay ko itong lalaking to. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi na hindi ko makalimutan ang buong mukha niya. Hindi ko makalimutan ang buong pagkatao niya.

Kung lage ay taas noo akong mag lakad. Ngayon naman parang sira ang aking likod sa kakayuko. Namamasa rin ang aking mga kamay. Kinakabahan ako at gusto nang umurong sa aking gagawin. Natatakot ako. Gusto kong lumabas sa backstage kung nasaan ako ngayon.

Matagal ko na siyang nakikita kahit saan. Pero kahit kailan hindi nagkasalubong ang aming landas, siguro dahil iniiwasan ko siya. Katulad ng pag iwas ko rin sakanya noon nang hindi ko pa siya kilala ng lubos. Pero kasi, iba ngayon. May mga nag bago.

"Belinda?"

May tumapik sa likod ko at lumingon ako dito. Gulat itong napatingin sa akin. Alam ko na kahit sino ay magugulat kung makikita mo ang isang tao sa hindi mo akalain makikita mo sa isang lugar. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Ngumiti siya sa akin ng tipid at lumingon lingon sa paligid niya.

"Siya ba ang sadya mo?"

Tumango agad ako at nawala nang unti-unti ang tipid niyang ngiti. Naging seryosong seryoso siya at hinawakan ang kamay ko. Hinatak niya ako sa may madilim na parte na wala masyadong dumaraan. Na hindi ko siya makikitang dadaan.

"Akala ko ba matalino ka?, alam mong biggest event to para sakanya. And you're here?" may ka-asiman sakanyang tono. Parang gusto ako nitong itaboy at ipalunod sa pinakamalalim na parte ng dagat. Kahit madilim kita ko ang iritasyon sa mukha niya. "Ang dami namang ora—"

Hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita ng magsalita ako at hinawakan ang kanyang kamay.

"Kailangan ko siya makausap ngayon din—"

Kinuha niya ang kanyang kamay sa akin. "Ewan ko sainyo!" lumabas na ang irita sakanya. Tinalikuran niya ako at naglakad pero hinabol ko siya dahil alam ko na alam niya kung nasaan ngayon ang taong tinutukoy ko. Hinarap niya ulit ako at napabuntong hininga siya. "Talaga lang, huh!?" ginulo niya ang kanyang buhok. "Ano nalang ang iisipin niya kung makita ka niya rito. Dahil nga sa mga nakalipas na taon nagi-iwasan nga kayo diba."

"Sino ang kausap mo?"

Mas lalong namasa ang aking kamay. Napahawak ako sa laylayan ng aking t-shirt at hindi makalingon sa taong pinanggalingan ng boses na narinig namin. Nasa likod ko siya, hindi ko man makita kung ano ang reaksyon niya ngayon. Pero base sa mukha ng nasa harapan ko. Takang taka ito.

"Bahala ka.." iyon na lamang ang iniwan ni Dominique bago niya ako talikuran na at naiwan sa taong hindi ko pa rin maharap.

Rinig na rinig ko ang bawat pag hakbang niya papunta sa harapan ko. Dahan dahan na akong napayuko at sinaulo ang kanina ko pang sinasaulo na sasabihin sakanya kapag nakaharap siya. Nang makapunta na sa harapan ko ang taong hinahanap ko. Bumungad sa akin ang kulay itim niyang sapatos hanggang sa dahan dahan akong tumingin sa mukha niya.

Wala akong makitang kahit anong emosyon sa mga mata niya, pwera na lamang sa inis. Pantay ang kanyang kilay, gumalaw lang ang kanyang mga mata na nakatingin sa akin ng makipagtitigan ako sakanya. Pekeng tumawa siya at tumango tango ng walang dahilan.

"Miss. Philippines, hindi po kami rito magpe-perform sa backstage. Doon po dapat kayo—"

"White, please stop it!" pinigilan ko ang magkahalong emosyon na nararamdaman ko sa pakikitungo niya sa akin. Para na lamang akong isang taong kakilala niya sa industriya, isang taong kilala siya bilang isang myembro ng sikat na banda.

"We.."

Gustong gusto ko sabihin sakanya. Noon pa man, gusto nang lumabas sa mga labi ko at ipaalam sakanya ang taong nagbigay buhay sa akin noong wala na akong hangin at pag-asa sa mundo. Kaso sa takot, sa takot na hindi niya matatanggap. Na hindi niya ay papaniwalaan dahil sa huling pagu-usap pa namin noon. Tinikom ko ang aking mga labi sa pagsabi sakanya ng katotohan.

"H-have a c-child," pumiyok pa ako. Hindi ako bumitaw sa pagtingin sa mga mata niyang biglang nagka-emoyson. Pero ang akala kong emosyon sa mata niya, ay emosyon pala na kanina niya pa tinitiis. Ang galit niya sa akin.

Tumawa siya ng pakla at pinasok sa bulsa niya ang kanyang mga kamay.
"Gusto mo talaga masira ako," matigas na pagkakasabi niya. Pagkatapos non ay akmang tatalikuran niya ako pero hindi ko siya pinagayan. Hinawakan ko ang kanyang kamay at napaluhod sa harap niya.

"P-please s-she needs you. Hindi ko na kayang makita siyang nahihirapan araw araw.. " humagulhol na ako habang nakatingin sa itim na carpet.

Wala na akong pake kung may dumaan mang tao kung naasan kami. Kailangan ko lang mapaniwala si White na totoo ang sinasabi ko. Na hindi ako nagsisinungaling at may anak talaga kami. Na naghihirap ito.

"Tumayo ka"

Hindi ako sumunod at mas lalong lumuhod sa harapan niya. Kung gusto niyang halikan ko ang kanyang mga paa para maniwala siya sa akin. Gagawin ko, gagawin ko para sa anak ko. Sa anak namin na nanangangailangan ng kanyang kalinga.

"Magsisimula na kami. Let's talk next time, sabihan mo lang ang PA ko. I'm kind of busy."huling sabi nito bago ako nilisan at naiwang nakaluhod na tumutulo ang luha. Ang bawat pag layo niya sa akin ay siyang pag labo ng aking mga mata.

Kung noon siya ang humahabol sa akin. Ngayon ba, ako naman ang mag hahabol sakanya? But, how? Mahirap siya habulin. Lalo na at nasa damuhan kami. Sa mataas na damo na hindi ko alam kung kaya ko takbuhin. Ang mga damo na akala ko ay after all this years, mawawala na. Pero eto ngayon. Hahabulin ko siya sa damuhan. Magha-habulan kami sa damuhan.










This is work of fiction.
Names, characters, places, events and incidents are all product of my imagination. Any resemblance to actual person, living or dead, are purely coincidental.

Charut!

Iyong ibang lugar pala na mababanggit is not FICTIONAL. Gusto ko mailagay ang mga lugar na napuntahan ko or mga magagandang places dito sa amin.

PLEASE PLEASE.

Im still learning every day kaya may mga mali-mali pa rin ako talaga. Pero im trying... so i hope na maintindihan.

PLAGIARISM IS A CRIME.









PLAGIARISM IS A CRIME

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Queenie





Queenie

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

White



Note: la lang.. gusto ko lang lagyan. from pinterest, ctto. no portrayer.

Habulan Sa DamuhanWhere stories live. Discover now