Chapter 10

0 0 0
                                    


Nagmamadaling lumabas ako sa bahay ni BFF nang walang paalam. Hinabol pa ako ni White dahil bakit ko raw hindi nilagay sa basurahan ang hindi ko na ubos na cake. Hinayaan ko lang siya hanggang sa makapunta na ako sa gate. Nakarinig pa ako ng mga pag tawag sa pangalan ko pero nagma-madali na talaga ako. Kinakabahan ako.

"Hoy!" may humigit sa aking kamay kaya napaharap ako rito. Kahit sa konting ilaw lang na dumadampi sa mukha niya. Masasabi ko talagang gwapo siya. "Ang isang daan ko pala!" kahit na kumukunot ang kanyang noo sa akin ay hindi maiiwasan ang perpekto ng kanyang mukha. "Hoy!" kinaway niya ang kanyang palad sa aking harapan kaya na itulak ko siya. Natauhan ako.

"Babayaran ko!" tinalikuran ko lang siya at naglakad kung saan ako kanina  bumaba ng tricycle. Madilim ang daan kaya ginamit ko ang flashlight ng aking phone. Habang naglalakad ay panay pa ang text sa akin ng kuya kong gwapo kung saan daw ba ako pumunta at susunduin niya ako. "Bwisit naman," reklamo ko dahil sa ang bato bato ng daan. Kanina hindi naman ganito, hindi ko naman halatang madaming bato. Dagdag pa talagang hindi sementado ang daan ay napapagilid ang paa ko. Tapos naka takong pa ako.

"Uuwi ka? Wala kang kasama?" sunod sunod niyang tanong. " Gabi na, dapat may kasama ka" hinayaan ko lang siya. May sinabi pa siyang kung ano ano pero natatang-ina lang ako sakanya.

"Ako kasi may kapatid akong babae, tapos pinalaki ako ng isang babae, atsaka pinanganak ako ng isang babae. Kaya concern lang ako sayo"

At sa wakas, sementadong daan na. Tumingin tumingin ako sa paligid kung may tricycle bang nakaparada o dumadaan. Pero wala, kahit anino ng tao nga wala. Madilim at puno lang ng  matataas na tubo ang paligid. Maliban sa poste, ang malaking buwan sa itaas din ang nagbibigay ng ilaw kung nasaan ako ngayon.

Sa totoo ay first time ko itong pumunta sa birthday party. Iyong ako lang at ginabi. Kaya kanina talaga habang naghahanda ako excite na excite ako dahil ako ang pipili ng aking susuotin at malaya ako sa aking mga gagawin. Walang susuway sa akin na huwag gumanon at huwag gumanito. Kaya nga sa sobrang excited ko ay nakalimutan ko magdala ng jacket. Ang lamig tuloy.

"Walang nang motorsiklong dumadaan dito ng ganitong oras," ani nito atsaka tumabi sa akin. Tinanaw ko naman siyang kahit may suot na akong takong ay mas mataas pa rin siya sa akin. "Pinagpustahan kapa nila kanina kung darating ka o hindi. Nanalo si birthday girl," tumawa siya ng mahina at lumungo-lungo. Tumingin siya sa akin habang naka suksok ang dalawang kamay niya sa kanyang loose fit na maong na pantalon. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa at sinuri ang kanyang outfit. Naka  tshirt siyang itim, maong na pantalon at leather na sandals.

"Oh? Napaka-gwapo ko ba?"

"Mukha kang grade 7 manamit," mataray na aking sabi at tinalikuran siya.

"Babalik ka ron?" tanong nito dahil naglakad ako pabalik kung saan kami galing kanina. "Akala ko ba uuwi kana?" tanong nanaman niya. "Hindi kaba papagalitan sa inyo?" another question. "Tatambay ka ulit don?"

Hinarap ko siya at natigil siya sa pag sunod sakin. Tumayo siya ng tuwid habang nakatingin sakin. Mata sa mata. Bumuntong hininga ako at namewang sa harap niya. Nag inhale ako ng sobra sobra at nag exhale ako nang bongga.

"Mag hiram ka ng motor. Ihatid mo ako," pa utos na sabi ko sakanya. Nagpalinga-linga ako sa tahimik na paligid. Wala talagang kahit anong pampasaherong dumaraan. Napaisip tuloy ako kung bakit ako pumunta ng mag isa. Paano nalang pala kung wala rin dito si White. Edi nga-nga ako. Binalik ko ang tingin sakanya at pinandilatan siya ng mata. "Dali na!"



HALOS yumakap na ako kay White sa takot ko na mahulog sakanya— sa motor I mean. Hindi naman siya mabilis magpatakbo pero natatakot ako kasi nadaan kami ngayon sa sementeryo. Paano pag nalaglag ako? Gosh! Ayokos. Please no! Ang dilim ang layo layo pa ng pagitna ng bawat poste. Tapos patay sindi pa ang mga ito. Dahan dahan ko namang imunulat ang aking mga mata at tumingin sa mga bahay na nadaan namin dahil nakalagpas na kami sa sementeryo. Dahan dahan ko rin nilawagan ang pag yakap ko sakanya pero ang gago bigla nalang binilisan kaya napa subsob ako sa likod niya.

Ang sabi niya ay ihahatid niya ako sa mismong harap ng bahay namin. Pero hindi naman ako pumayag kaya andito kami ngayon sa harap ng drugstore. Nakatayo ako sa harap niya habang kinukuha niya sa aking ulo ang helmet na kanyang hiniram din. Kanina nga ayaw pa siya pa hiramin ng motor ng isang kakilala niya dahil baka ibangga niya raw. Pero well, dahil gago siya ay inirason niya pa ako.

"Alis kana. Shoo!" pagtaboy ko sakanya habang inayos niya ang buhok na nasa pagmumukha ko. Tinapik ko naman ang kanyang kamay para tumigil siya. Inayos ko nalang mismo ang ilang buhok na nasa mukha ko. "Ang baho ng helmet," reklamo ko at umirap. "Okay lang naman kasi sakin na huwag gumamit."

"Madam, safety lang po. Ayoko na may mangyaring masama sayo." Nakatukod ang kanyang mga siko sa helmet na nasa kanyang harapan, na nakalapag sa unahan ng motor.

"Edi huwag mo nalang dapat bilisan ang pagmo-motor. "dagdag ko.

Umayos siya ng upo habang nakatingin sa akin. Bumuntong hininga siya at inabot sa akin ang bag kong siya kanina ang nagdala. "Ang sa akin, maingat akong nag motor kanina. Pero ang mga taong kasama natin sa daan. Hindi natin sure" tumingin siya sa aking likod bago bumalik tingin akin. "Alam ko kung paano mag ingat kung ikaw ang sakay."

Bumilis ang tibok ng aking puso sakanyang sinabi. Wala akong masagot sa kanyang sinabi kaya nanatiling nakatingin lang ako sakanya. Ayoko na makita niya na, na apektuhan ako sa binitawan niyang salita. Tumango lang ako at yumuko. Bigla akong nakaramdam ng tuwa sa loob loob na may taong alam kung paano mag ingat para sa akin.

"Belinda" isang boses ang nagpalingon sa akin. Nakatayo ito at nakahawak sa kanyang phone. Mukhang hindi pa siya nakakauwi sa bahay dahil naka uniform pa ito. Lumapit siya sa akin pero ang mga mata ay sa kasama ko. "Who are you?"

Tumingin ako kay White na ngayon ay nakangiti at kumaway pa sa kuya ko. Alam kong bagong bago ito ngayon kay kuya na may kasama akong lalaki bukod sakanila. At isa pa, kahit noon ay wala pa akong nadalang kaibigan sa bahay. At sa nakikita niya ngayon, itong nasa harapan ko ay kasama ko pa kung saang lupalop ako ng mundo galing.

"White Enoch Bau—"

"S-Si White, m-my friend" inagaw ko ang pagpapakilala nito dahil baka malaman ni Kuya na ka apelyido niya ang mga taong lageng minumura ni mama. At malaman pa ni kuya na sumama ako sa lalaking ayaw na ayaw ng pamilya.

Tinaasan ako ng kilay ni White pero sa huli ay ngumiti lang din siya at nilahad ang kanyang kamay sa harap ni kuya. Tiningnan lang ito ni kuya at hindi pinansin. Bagkus ay masamang tumingin ito sa akin at binigyan ako ng ipaliwanag mo kung sino ang lalaking ito look. Pekeng nginitian ko lang ito at nilahad sakanyang harap ang aking bag.

"Galing kami sa birthday party. Busy kasi ang iba kaya sakanya ako nagpahatid. Besides we're friends!" pagsisinungaling ko. Anong busy ang iba, eh wala ngang pumansin sakin don. Akala ko pa naman maagaw ko ang spotlight don. At hindi kami magkaibagan ni White. LIKE NEVER!

"Let's go home," huling salita ni kuya bago ito tumalikod sa amin. Napa irap nalang ako dahil hindi nito kinuha ang bag ko. Naunang lang itong maglakad habang nasa likod niya ang kanyang itim na backpack.

"Uuwi kana?"

Tumango ako at umirap nanaman. Tinalikuran ko nalang siya at aalis na sana ng nag bitaw pa ito ng kaputanginahan na nagpalingon kay kuya at sa akin. Kahit ang ibang taong nasa paligid naman ay napatingin. May ibang ka edad ata namin ang napangisi at nanukso. Ang iba namang matatanda ay napakunot ang noo.


"Walang kiss, baby?"

Habulan Sa DamuhanWhere stories live. Discover now