Chapter 13

5 1 0
                                    

Ngayong araw na.

Nasa loob ako ng classroom namin habang pinapalibutan ako ng tatlong kaklase ko. Isa na rito ang class president namin, tapos ang nag-ma-make up sa akin, ang huli itong hindi ko kilala masyado basta kaklase kong babae.

"Well, ang sabi nila ginawa nalang daw itong program para kay Queenie," may katarayang sabi ng babae kong kaklase.

"Diba.. may something daw sakanila ni ano.. landi eh" nagtinginan silang dalawa at nag-usap sa mga mata.

Tumaas ang kilay ko sa nagsalita. Napatingin pa ito sa akin at nagulat sa ginawa ko kaya ngumiti siya ng awkward. Mukhang naramdam din iyon ng nagma-make up sakin.

"Pwede ba, bantayan niyo ang sarili niyo at huwag ang sa iba," ani ko. "Mag security guard kayo kung hindi niyo kaya," dagdag ko pa at kinuha ang phone ko sa mess habang natapos nanaman ang pagko-kolorete sa mukha ko.

"Duh. Totoo naman, sipsip nga raw yan sa mga teachers simula junior high school palang siya. Hindi raw malamangan kaya jinow— ouch! "

Bigla akong tumayo kaya nag bunggo ang mga noo namin. Napatingin tuloy ang ibang taong kasama namin sa classroom, pero I think ang mga malapit lang naman. Not totally. Tapos itong security guard acting acting naman na parang sobrang nasaktan. Duh siya! Kasi hindi ko nga nilakasan. Dapat nga ay mag pasalamat siya sa akin na hindi ko ibinigay ang full force ko.

"Okay ka lang Chloe?" tanong nang nag make up sa akin sa security guard na gaga.

Tiningnan ko si girl na Chloe pala ang pangalan. Mula ulo hanggang paa, sinuri ko kung ano ang kalamang-lamang at ka espesyal spesyal sakanya na wala sa sinisiraan niya. Sa kasamaang palad ay wala kaya napairap nalang ako.

"Akala mo naman, ka level niya ang sinisiraan niya," sarkastiko kong sabi.
"Take my advice, babe." Lumapit ako sakanya at nag krus ng kamay. Tiningnan ko ng mabuti ang kanyang mukha, yumuko pa ako dahil maliit siya sa akin. "Mag skin care ka kaya. I can recommend some products for you," ngumisi ako sakanya habang siya naman itong natameme sa akin. Tinuro ko ang noo niya at lumayo. "Atsaka hair na rin. Sabi kasi nila kapag maraming pimples sa noo, nasa buhok din yan.." sinuklay ko ang buhok kong hindi naka tali.

"Belinda, si White nasa labas" may kumalabit sa akin at mabilis akong lumingon sa pangalan na binanggit nito.

Bakit naman nandito ang gagong yon. Manga-asar ba siya na ang kandidata nila ang mananalo? Pwes, wala akong pake. Buo ang tiwala ko sa aking sarili na maipapanalo ko ito. Like duh, ako na to. Sorry nalang sa mga kalaban ko pero ako ang ko-koronahan ngayong araw. At bakit pala ako nagso-sorry? wala naman pala akong kasalanan na ako ang kalaban nila.

Tiningnan ko pa ulit itong si Chloe na maraming tigyawat bago lumabas sa classroom na puno ng ingay. Feel ko nga ay wala namang nakarinig na sinabi ko sa babaeng yon. Edi maging thankful siya. Hindi ko naman siya pinahiya, naging mabuting tao pa nga ako. Atsaka pala, binabaan ko talaga ang boses ko. I'm not like her na ipapahiya ang kapwa babae.

Paglabas ko sa classroom ay nakita ko agad si White na nakasandal sa pader sa gilid ng pintuan. Nakatingin siya sa sahig at mukhang malalim ang iniisip. He's wearing a white long sleeve polo pair with dark blue skinny jeans. Napairap nalang ako dahil naka pang basketball na sapatos pa ito. Wala talagang alam sa pag porma.

"So, what now?" mataray kong pag pukaw ng pansin niya. Lumingon naman agad siya at mukhang wala sa mood.

"Ang talim naman ng dila mo," panimula niya.

Ano raw? Pumunta ba siya rito para ibully ako? Anong matalim ang dila? Bakit may naputol ba ang dila ko na pagmamay-ari niya at ganitong ganito ang mukha niya ngayon sa harap ko. Really huh...

Habulan Sa DamuhanWhere stories live. Discover now