Chapter 2

2 0 0
                                    


Natawa ako sa sinabi niya kaya natawa rin siya. Mga lalaki talaga ang galing mag joke. Sabagay, their existence is a JOKE rin naman. Hoy! Hahaha..

Naalala ko ang narinig ko kanina ng naga-away pa si Liam at White. May gusto si White sa babaeng nag nga-ngalang Miley. At ngayon sinabihan niya ako na hulaan ko kung kelan niya ako magiging girlfriend.

"Never" matigas na sabi ko at sineryoso ang mukha. Tumigil naman siya sa pag ngiti-ngiti at napakamot sa batok niya. "May gusto ka sa babaeng nasa gitna niyo kanina, and now you're joking about kung kelan mo ako magiging girlfriend!?" may annoyance sa aking boses. "kahit na joke lang iyon, it's not good. you're pathetic"

Nga-nga siya sa sinabi ko. Pero dahan dahan ay ngumiti siya at napalungo lungo. Nakatingin lang ako sa mukha niyang may ngiti sa labi. He have this thick eyebrows and eyelashes. Manipis ang kanyang labi at pointed ang ilong. Kung titingnan mo siya ay good boy na good boy siya. Pero kapag nagsimula nang bumuka ang kanyang mga bibig ay magi-iba ang isip mo. Raspy ang kanyang boses na may angas mag salita. Natungo ang mga mata ko sa leeg niya. Maputi si White at ni walang isang libag sa leeg.

"Hoy! Ang yummy ko ba para tingnan mo nang ganyan" niyakap niya ang kanyang sarili. Bumalik ang mga mata ko sa mukha niya.

"Hindi ka yummy dahil mukha kang panis na ulam" ni-ekis ko ang aking mga kamay at inirapan siya. Narinig kong tumawa siya kaya umirap ulit ako.

"Saan mo naman narinig na may gusto ako sa pinsan ko?" naging mahinahon ang boses niya.

"Huh?" kumunot ang noo ko. Nakatingala ako sakanya dahil medyo may kataasan siya.

"Pinsan ko siya pero secret lang" ngumiti siya. Lumapit siya akin at may pinitik sa may bandang balikat ko. Nagulat naman ako sa biglaan niyang paglapit pero hindi ko naman siya tinulak. Lumayo naman kaagad siya.
"May maliit na uod kasi"

Nanlaki ang mata ko at pinaspasan ang balikat ko. Narinig ko naman siyang tumawa. Ayoko kasi sa mga uod, ahas, basta mga animals na gumagapang. Ayoko sa mga gumagapang!

"Wala na nga, pinitik ko na" tumigil naman ako dahil sa sinabi niya. Tumayo ako ng tuwid at inayos ang sarili. Bwisit! Nagmukha akong tanga sa harapan niya! Inayos ko ang aking buhok.

"B-Bakit mo naman sinabi sa akin kung secret pala" pag balik ko sa sinabi niya kanina.

Wala bang trust issue ang lalaking to? Sinabi niya talaga sakin ang secret na iyon. O baka nagsi-sinungaling lang siya kaya okay lang na sinabi niya sa akin.

"Wala ka namang pagsasabihan"

"Di mo knows"

"Eh wala ka namang kaibigan"

Naawang ang labi ko sa sinabi niya. Pano niyang nasabing wala akong kaibigan.

"May friends ako"

"We?"

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko,  dahil tama may kaibigan naman ako. Pero sa palagay ko ay peke silang lahat. Parang wala rin akong mga kaibigan sa sitwasyon na iyon.

"Edi sa pamilya ko"

"Luh, hoy!"

Tumawa ako sa reaksyon niya. Seriously!? Ngumisi rin siya na nagpatigil sa akin sa pagtawa. May kakaiba kasi sa ngiti niya.

Naglakad ako ulit at mas binilisan ko. Lumabas ako sa gate at nag para kaagad ng motorsiklo. May motor siya kaya alam ko na hindi niya ako susundan. At bakit niya naman ako susundan, diba.

"Zone 2, kuya" ani ko at tumango ang driver.

Nilingon ko ang gate at nakitang nandoon pa si White,  may kausap na babae. Mukhang seryoso ang pinaguusapan nila dahil seryoso ang mga mukha nila. Hindi pamilyar ang babae sa akin pero palagay ko ay sikat siya rito sa school namin. Tumitingin kasi ang ibang estudyante sakanya at ngumingiti.

Umalis na ang motor at mabilis lang na nakarating sa amin. Nagbayad ako ng sampung piso at saka umalis naman na ang driver. Binuksan ko ang kulay black naming gate at pumasok. Tahimik lage ang bahay namin kaya hindi na ako nagtaka na parang mabibingi ako sa katahimikan.

Marami kaming tanim  na mga bulaklak sa garden dahil si lola ang nagta-tanim nito. Malinis na malinis ang labas ng bahay namin hanggang sa may maliit na teresa bago makapasok sa main door. Hinubad ko ang sapatos ko at inilagay sa shoe rack na nasa tabi ng main door. Pinihit ko ang doorknob na nagbigay ng ingay pag pasok ko sa pinto. Pagkapasok ay isinirado ko naman kaagad ang pinto tsaka naglakad ako papunta sa kusina.

Alam kong wala ngayong tao sa bahay dahil nasa trabaho sila mama at papa, nasa university ang mga kuya ko. Kung meron man ay si lola na nasa kwarto niya at siguradong nanonood ng tv.

Nilapag ko ang bag ko sa dinning table at lumapit sa refrigerator. Kumuha ako ng isang bottle water tapos nakita ko ang chocolate cake na isang slice. Kinuha ko iyon at isinirado ang ref.

Kinuha ko ulit ang bag ko at pumunta sa kwarto ko na nasa malapit sa sala. Nasa kili-kili ko naka-ipit ang bottle water at nasa isang kamay ang chocolate cake na kinuhanan ko na kanina ng kutsara. Binuksan ng kaliwang kamay ko ang doorknob at pumasok ako sa kwarto ko.

Sumalubong sa akin ang madilim kong kwarto. Lumapit ako sa study table ko at nilapag ang bottle water at chocolate cake. Nilapag ko rin ang bag ko sa sahig tsaka ako nag bihis ng damit.

Naka yellow t-shirt at short ako.

Hinawi ko ang kurtina sa may malapit sa higaan ko para mag ka konting liwanag. Na sana pala ay hindi ko ginawa dahil may nakita ako na dapat ay hindi makita. Ang bintana ko kasi ay makikita mo ang mga tao sa may bandang gilid na garden.

Sarap na sarap ang dalawang mga hayop na nagsasaluhan ng halik at naka upo sa bermuda grass. Nakahawak pa ang lintek na kuya ko sa bewang ng babae at hinihimas himas ito. Habang ang babae ay nakahawak sa dibdib ng kuya ko.

Ang babaero talaga. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko at vinideo sila. Akala ko talaga ay magha-halikan lang sila ng malalim pero dahan dahang hinubad ni kuya ang botones ng uniform ni ate mo girl. Nataranta naman ako dahil ayoko makakita ng live na ganito. In-end ko ang video at kinuha ang tubig sa may study table ko. Pagkabalik ko ay sa leeg na ng babae si kuya nakahalik. Pigil naman ang babae sa—ah! bwisit talaga oh! Pikit na pikit pa talaga siya at sarap na sarap!?

Binuksan ko ang bottle water at binuksan ang bintana. Ang bintana kasi namin ay sliding kaya nailabas ko ang kalahati ng katawan ko. Bakit dito talaga sa garden ha!? Pwede naman sa kwarto!

Medyo malapit lang sila kaya nang ibuhos ko ang tubig na malamig ay mabilis na napatingin si kuya sa may bintana. Niyakap naman ng babae ang kanyang katawan at tumayo. Kahit si kuya ay napatayo dahil nabasa ang ulo niya.

"What the hell!?" inis na sabi nito. Tumakbo ang babae kaya tumakbo rin siya kuya. Narinig ko ang pagkalampag ng gate namin. Mukhang magha-habulan sila sa daan. Nice thing dahil wala masyadong dumaraan sa daanan dito sa amin. At ang mga kapitbahay ay may sari-sariling buhay. Wala rin masyadong mga tao at chismosa rito sa amin.

Isinirado ko ang bintana pati ang kurtina. Mabigat ang mga paa kong nilapag ang wala nang lamang bottle water sa study table ko. Humiga ako sa higaan ko at tumitig sa kisame.

Wow.. nagkiss sila.

Humawak ako sa labi ko at inisip kung kelan kaya ako may makakahalikan din. Pero it's ew naman. Two people na nagdi-dikit ang mga labi. Iyong mga laway nila—ah gross!

Pero nang makita ko sila kuya kanina. Mukha silang sarap na sarap. The way their lips are fighting at each other. Atsaka ang pag pikit ng mga mata nilang dalawa. Dagdag pa ang—NO WAY!

Bakit ko pa inisip ang halik halik na yan! 17 palang ako at next month pa mag 1-18. Hindi ko pa dapat hinihiling na may kahalikan din! Pero.. hinihiling ko ba!? Diba iniisip ko lang! Ugh!

Sin o kaya ang makakahalikan ko, anoe. Pumasok sa isip ko ang mukha ni White. Napabangon ako sa higaan ko at napasabunot sa buhok ko.

What! Really!? White!?

No way. Baka mabaho ang hininga non dahil naninigarilyo iyon, bali-balita nila. Pero... masarap kaya siya humalik.

Napahilamos ako sa buong mukha ko sa aking iniisip. Nahiga ulit ako at iniisip kung paano kaya ang aking first kiss.

Kelan kaya at paano? Saan?

Atsaka...

Kanino?

Habulan Sa DamuhanWhere stories live. Discover now