Chapter 6

2 0 0
                                    


Inihatid ako ni White sa labas ng bahay namin. Ginabi na ako at wala ng kahit anong ilaw sa loob ng bahay namin, pwera nalang sa ilaw sa garahe na nagbibigay sinag sa gate namin.

Sa may kabilang kalsada ako pinababa ni White sa motor niya dahil sa utos ko rin. Para iwas makita kung gising pa sila ni mama at papa. Dagdag pa na baka ang lola ko ay naninigarilyo pa sa binatana ng kwarto niya at nakasilip pa sa daan.

"Lamat" cut na sabi ko.

"Ge lang.."

Kinuha ni White ang helmet nang dahan dahan sa ulo ko. Buhaghag ang wavy kong buhok dahil sa pag suot ko ng helmet kaya inayos at sinuklay ko ang aking buhok gamit ang aking mga daliri.

"Papasok ka bukas?" tanong nito at inilahad ang bag ko na nasa harapan niya kanina nakasukbit.

"Malamang" sagot ko at kinuha ko ang aking bag at nilagay sa likuran ko. Medyo madilim dito sa kanto namin at ka-onti lang ang mga poste ng ilaw. Busy din kasi ang mga kapitbahay  namin at may mga trabaho tuwing umaga kaya pagsapit ng gabi ay pahinga na nilang lahat. Walang living cctv dito sa amin in short.

"Pasok na ako" pagpaalam ko at tinalikuran siya. Mabilis ang mga hakbang ko na tumawid sa kabilang kalye at hindi siya nilingon. Naalala ko kasing kaaway nga pala siya ng pamilya namin. Dapat nilalayuan ko siya.

Pero may konting bulong din sa utak ko na sinasabi na, si kuya nga nakipag shota pa talaga. Kaya dapat bumawi ako. Hahaha kaso takot ko lang sumuway sa sampung utos ng ina at ama ko. Hindi ko nga alam kung sampu lang ang utos nila sa buhay ko dahil tinalo pa ata nila ang Diyos sa rami ng rules nila na binigay sa akin. At yon na nga, ang pag-uwi ng umaga ay sinaway ko na.

Binuksan ko ang gate at dahan dahang pumasok sa loob namin. Tumingin ako sa kabilang kalsada kung saan nakatingin pa rin sa akin si White. Bahala siya! Mukhang hindi naga-alala ang parents niya na gabi na siya uuwi. O baka nga inuumaga na ito minsan kaya wala ng pake ang mga magulang niya sakanya.

Sinirado ko ang gate at pumunta sa pintuan ng bahay namin. Inilapag ko ang school shoes ko sa shoe rack at mahinang pinihit ang pinto. Pero naka lock iyon. Napabuga ako ng hangin sa kawalan at mukhang no choice ako at ite-text ang kuya ko na pagbugksan ako ng pinto.

Kahit madilim ay naaninag ko pa naman ang mga bagay bagay sa paligid ko. Favorite ko kasi ang kalabasa kaya siguro ganon, malinaw ang mga mata ko.

Nilabas ko ang cellphone ko na nasa bulsa ng aking palda at in-open iyon. Bumungad sa akin ang liwanag ng screen pero pinagsawalang ko nalang. Pumunta ako sa message at nag type ng message sa pinakamatino kong kuya. Alangan naman mag text ako sa kuya kong babaero, hindi ko nga alam kung naka-uwi na iyon.

Pagkasend ay umupo ako sa sahig at niyakap ang aking tuhod. Narinig ko naman sa loob ng bahay namay tao na naglalakad kaya tumayo ulit ako. Tumingin ako sa door knob na dahan dahang gumalaw hanggang sa bumukas iyon.

"Hi kuya..." mahinang bati ko.

Nilakihan nito ang pag bukas sa pinto ng bahay namin at pumasok naman ako. Bukas ang ilaw sa kusina at nakita kong may mga libro roon sa counter. Narinig ko sa aking likod ang dahan dahang pagsirado ni kuya sa pintuan namin atsaka niya ako iginaya papuntang kusina.

"Kumain kana?"

Akala ko ay kwe-kwestyunin ako nito at papagalitan pero inisip niya pa talaga at una akong tinanong kung kumain naba ako. Awww how sweet. Kaya talaga siya ang favorite kuya ko eh!

"Hindi mo ako papagalitan?" soft voice na tanong ko.

"Mamaya pagkatapos mo kumain"

Ngumiwi ako at kahit papaano ay ngumiti.

Habulan Sa DamuhanWhere stories live. Discover now