Chapter 18

0 0 0
                                    


Ako naman ngayon ang parang nahihiya ng umalis si White. Buti nalang umalis siya dahil ngayon nag sink in na sa akin ang ginawa namin at ang pinagsasabi ko.

At sinabi ko pa talaga gusto ko yon. Na I like it. Napatakip na lamang ako sa aking pagmumukha at napapadyak sa inis na nararamdaman.

Belinda. Belinda. Belinda.

Ano ba ang pinaggagawa mo!? Umalis ka sa bahay niyo dahil malungkot ka pero.. pumunta ka naman sa bahay ng ka-away ng mama mo, at hindi lang pumunta, NAKIPAGHALIKAN. Kinatok ko ang aking ulo. Nababaliw naba ako?

"White!"

May sumigaw sa taas. Boses iyon ni ningnay niya. Nag panic ako. Hindi ako takot sa ningnay ni White. Kundi dahil sa ginawa namin. Feel ko nakagawa ako ng kasalanan na walang kapatawaran. Kaya nang marinig ko ang yabag ng paa nito ay kahit madilim tinakbo ko ang pinuntahan ni White. Madilim pero wala akong pake.

"White.. White!" mahina ang pagkasabi ko pero sakto na para magpakita ang gago sa kung nasaan siya.

Tiningnan niya ako na may pagtaka. Tumingin siya sa sigaw na galing sa sala nila. Akmang sasagot na siya ng pinigilan ko. Nanlaki ang dalawang mga mata niya, inirapan ko nalang.

"Hwoy! Bwakit!"

"Itago mo ako! Hindi niya pwedeng malaman na nandito ako!" Desperada ang aking boses. Ayoko na makita ako ng ningnay niya. Alam ko namang hindi nito alam na nakipaglap—ugh! Basta ayoko! Nahihiya ako!

"Bakit?"

Pinakawalan ko na ang bibig niya sa pagkakatakip. May kandila na naka sindi sa gilid. Iyon ang nagbibigay ng konting ilaw sa amin. Kunot na kunot ang kanyang noo. Nagtataka siguro sa inaasal ko.

"Basta!"

"White! Bingi kaba!"

Pareho kaming tumingin sa pinanggalingan ng boses. Nakita ko ang papalapit na anino ng babae kaya napaluhod ako. Humawak sa tuhod ng lalaking nasa harap ko. Kagat ko ang aking labi at nagpipigil makagawa ng ingay.

Lumingon ako sa likod. Nakita kong nakatayo ang ningnay nito sa bukana ng kusina. Hindi naman ako nito nakikita dahil sa madilim ay nakatago ako sa mesa. Paa lang niya ang aking kita dahil sa mahaba nilang mantel sa mesa.

"Oh? San ka galing?"

Lumapit ito. Mas lalo akong napahawak sa hinahawakan ko. Nakaramdam lang ako ng may humawak sa ibabaw ng aking ulo. Tumingala ako at naloka sa posisyon namin. Dahil sa naloko ay muntik ako natumba. Nakagawa iyon ng maliit na ingay. Napahawak ako mantel.

"Diyan lang sa labas," walang halong ka-kaba kaba ang boses ni White. Parang sanay na magsinungaling sa tiya niya kung tinatanong na san pumunta. "Bakit kapa bumaba? Papasok na ako sa kwarto," humikab pa siya pagkatapos niya magsabi. Napakagaling! Kung wala lang kami sa sitwasyon na ito. Aba pinalakpakan ko na siya!

"Diba sabi ko ngayong gabi huwag kana lumabas! Aba'y siguro galing ka nanaman don kay Dominique! Iyong batang yon kababaeng—"

"Inaantok na po ako," magalang niyang sabi.

Close na close talaga sila.

Humigpit ang pagkahawak ko sa mantel. Nakatingin ako sa paa ni ningnay niya. Lumapit ito papunta kay White. Mabuti nalang dahil lumayo ito habang nakahawak sa itaas ng ulo ko. Sumunod lang ako nang naglakad siya. Ginabayan ako nitong mapunta sakanyang likod. Kung kanina ang kaharap ko ay alaga, ngayon naman ang dalawang bundok niya.

Natampal ko ang noo at napayuko. What the fuck. How the fuck that I just come up with this tucking situation. Humuni pa ang aking tiyan.

"Akyat kana, nay. Gutom pa'ko," natatawa na ang boses niya. Nalakas ata ang pagreklamo ng aking tiyan. Wala na akong narinig na sagot mula sa ningnay niya pero narinig ko ang pag-alis nito. Doon lang ako tumayo. Hinarap niya agad ako at pinisil ang ilong.

Habulan Sa DamuhanWhere stories live. Discover now