Chapter 17

6 0 0
                                    


Seryoso ang mukha ko at hindi pinahahalatang na apektuhan sa sinabi niya kanina. Well, yes na tuwa ako dahil sinabi niyang maganda ako. Kaso kung hindi ako maganda ay hindi siya magpa-pa under sakin?

Nagtatahulan ang mga aso nila lalo na iyong aso na nasa paa ni White sunod nang sunod bawat gala ng amo nito. Ang mga pusa naman niya'y nagpapansin din, at napansin na nga niya ang isa. Kinarga niya ang orange na pusa at kinausap ito na parang baby.

Napa irap ako dahil na co-cornihan ako sa pag ba-baby niya sa pusa. Mabuti sana kung ako nalang-

I mean kasi..

Umubo ako ng peke at winasi ang katanginahan na pumasok sa ulo ko. Lumapit ako sakanya. Tumingin naman siya sakin at maya maya ay nilapag ang pusa atsaka binuksan ang pintuan ng bahay nila. Kinapa niya ang switch at bumungad agad samin ang maliwanag na sala nila.

Na una na akong pumasok sakanya dahil kinarga niya ulit ang pusang orange, niyakap yakap pa niya. Tsk.

Dumiretso ako sa upuan nila at umupo. Tumingin ako sa hagdanan at bumaling kay White. Nabasa niya siguro ang mga mata ko kaya lumapit siya sakin.

"Ah, si ningnay? Tulog na yon," sagot nito sa tanong na nasa aking utak. Magaling siya ha, nabasa niya kung ano ang nasa isip ko. Mabasa rin kaya niyang naiinis ako sa pusa niyang ang lambing sakanya.

Teka. Wait Belinda!? Nagseselos kaba sa pusa!?

Tumalikod ako sa gawi ni White at pinisil ang pisnge ko.

Ano ba ang nangyayare sa akin. Bakit para ata akong nagayuma nitong gago. Kanina pa to ha! Hindi ko to gusto! Ah.. baka sa pagod lang to. Kung ano ano na ang pumasok sa isip ko at bumibilis ang tibok ng puso ko.

Tatayo na sana ako at mag de-demand kay White na kakain ako ng biglang namatay ang ilaw. Napamura ako sa nangyare at tinaas ang paa ko sa upuan nila. Kinapa ko ang aking cellphone sa bulsa ng hoodie ko.

Shit. Black out ata.

"Belinda? Hoy? Asan ka? Hoy?"

Naramdaman ko ang paghawak niya sa ulo ko. Nasabunutan pa ako nito kaya ng ma open ko na ang cellphone ko at tumayo ay tinutok ko sakanya ang flashlight. Napapikit naman siya sa liwanag.

"Bakit mo ako sinabunutan!?"

Nag dikit ang mga makakapal niyang kilay sa sinabi ko. Dinilaan ng dila niya ang kanyang labi. Nakasunod naman ang mga mata ko sa ginawa niya. Kuminang ang labi niya at ngayon ko lang nakitang may maliit na hikaw siya rito.

Teka? Wala naman iyang kanina, ah? Atsaka, okay lang ba yan sa school? Sigurado, papagalitan siya niyan.

"Ikaw na nga itong hinahanap. Ikaw pa ang galit!"

Inagaw niya ang cellphone kong nakatutok sakanyang mukha ang flashlight. Pagkatapos ay bigla nalang siyang umalis. Na iwan ako sa dilim ng ilang segundo. Sisigawan ko na sana siya pero bigla ko naramdam ang kamay niyang humawak sa kamay ko. Na kuryente ako bigla sa init ng palad niya.

Okay na sana, nakaramdam na ako ng kiliti sa tiyan. Pero aba bigla nalang ako nitong hinila! Nabunggo pa ang tuhod ko sa mesa.

"White! Fuck you ka. My... ang sakit ng tuhod ka gago ka talaga!"

Lumingon lang siya ng mabilis sakin at tinutok ang flashlight sa tuhod ko. Tapos ay hinila nanaman ako. Pero hindi katulad kanina na biglaan, ngayon naman ay may pagi-ingat na siyang ginawa.

"Sorry ah," mahinang sabi niya.

Umirap lang ako at nagpadala sakanya hanggang sa makapunta kami sa hindi ko alam kung saan basta malapit sa cabinet. Binuksan niya ang nasa taas at kumuha ng kandila ron. Habang kumukuha ay nilapit niya ako sakanya atsaka binitiwan.

Habulan Sa DamuhanWhere stories live. Discover now