Chapter 7

5 0 0
                                    


Hindi ko nga nakita si White noong araw na iyon. Good thing dahil naiinis din naman ako sa presensya niya. Siguro ay dahil nalaman ko na, na boyfriend ng ate niya ang kuya ko. At sa hindi ko na sasabihin o isusumbong ang kuya ko ay pinabayaan na niya ako.

Monday nanaman ulit. Kung ang iba ay hate ang monday, ako naman ay mahal ko ang lunes. Monday another baon for a week.

Kailangan ko kasi talaga ng pera pambili ng bagong lippie at sandals. Gusto ko rin bumibili ng bagong dress dahil rinig ko kay mama ay maliligo kami sa isang beach sa saturday.

Naglalakad ako sa hall way dahil hindi ako um-attend ng flag ceremony. Crush kasi ako ng isa sa mga scout na nagbabantay sa gate pagkatapos ng flag ceremony. Kaya pag pumasok ako hindi niya ako pinapapunta sa field para mamulot ng basura, pina-paalis niya ako.

Kaya masaya talaga ako na maganda ako. Like, being pretty. You can get all you want.

Naglalakad ako habang ang nag se-cellphone, tumitingin sa isang shop ng mga make up. Kailangan ko mag tipid para makabili nga dress, kaya sa online muna ako bibili ng make up. Pero syempre check ko pa rin kung good for my skin or nah. Mahirap na at ayoko masira ang beauty ko.

"This one...?" tumigil ako sa gitna ng hallway at pumili ng magandang shade.

"Oo nga, White. Kulit"

Atomatikong lumingon ako sa babaeng naglakad papunta sa kung nasaan ako. Ang mga mata niya ay nasa kanyang notebook habang may cellphone na naka-ipit sa pagitan ng kanyang leeg.

Mabilis na pumunta ako sa gilid sa may plant box nang tumigil ito at mukhang pikon sa nasa kabilang linya.

"Ang bobo mo! Kasalan mo yan, kitang may klase kinabukasan magi-inom ka"

Umupo ako sa may plant box at hinagilap ang paligid kung may tawo. Wala naman dahil ang mga late nga ay namumulot ng mga basura. Late rin ba siya? Pero why she's here?

"Crush mo ba talaga yon? Akala ko ba mataas standard mo?" tumawa si Dominique at nagsimulang mag lakad. Sinira niya ang kanyang notebook at hinawakan na ang cellphone. "We? may boyfriend na ata yon, sa ganon kaganda"

Actually I don't have.

Huh?

Tumayo ako sa aking kinauupuan dahil sa inisip ko. What the hell!? Did I just assume na ako ang pinaguusapan nila, na ako ang crush ng lalaking yon? Really? Belinda? Akala ko ba hate mo siya!?

Bumalik ako sa hallway at naglakad. Alam ko na nakita naman ako ni Dominique pero hinayaan ko nalang, naglakad ako ng mabilis hanggang sa makapunta na ako sa room namin.

HAPON at pagod na pagod ang paa ko. Hindi ko naman akalain na maglalakad ako for today. Nawala ba naman ang wallet ko! Lintek na classroom, parang walang mga ina para manguha ng hindi sakanila.

Feel ko talaga may kumuha ng wallet ko sa aking bag. Umalis lang ako dahil inutusan ako ng isang teacher pag balik ko, nang binuksan ko ang bag ko. WALA NA ANG WALLET KO! kainis! buti nalang dala ko kahit saan ang phone ko. Ni report ko na sa advisor namin na nawala ang wallet ko. Tinanong ang mga kaklase namin, at wala naman daw silang alam. MGA BWISIT! ma aksidente sana ang kumuha.

Umirap ako at hinubad ang takon ko. Naglakad ako ng naka-paa, I don't care kung nakatingin sila sa akin ngayon. Masakit ang paa ko at ayaw ko dumagdag pa.

Naglalakad lang ako kaya nadaanan ko ang mga grupo ng estudyanteng nagpapagandahan ng kanilang mga panget na motor.

Hindi ako tumingin at diretso lang ang aking mga mata sa daan. Marami rin namang nakasunod sa akin na mga estudyante rin, kaya medyo hindi agaw pansin ang pag paa ko. Kaso nga lang ng nasa harap na talaga ako ng talyer kung saan madami ang estudyante ay may tumawag sa pangalan ko.

Habulan Sa DamuhanWhere stories live. Discover now