Chapter 11

5 0 0
                                    

Thankful that night, nauna kaming na uwi ni kuya kaysa sakanila ni mama. Pagkapasok ko lang sa kwarto ay siyang pagdating nila. Alam ko lang na dumating na sila dahil sa sakay sila sa sasakyan namin. Mabuti na ngalang ay hindi na ako e-kwenestyon ni kuya pagkadating sa bahay. Kaya hindi rin kami nila na abutan na kakarating lang. Atsaka, hindi na rin ako lumabas sa kwarto dahil wala naman silang dalang pasalubong. Pagkain, meron. Pero iyong para sa akin talaga, wala.



It's TUESDAY. Matagal ko nang hindi na ki-kita ang pagmumukha ng lalaking yon. Hindi sa nami-miss ko siya, pero sa inasal niya noong huling pag hiwalay ng landas namin. Nakakahiya! hanggang ngayon hindi ako dumadaan sa harap ng botikang iyon, at hindi na ako masyadong iniimik ni kuya. Naisip niya sigurong nagsisinungaling ako. Pero, nagsisinungaling nga ako. Hindi naman talaga kami friends— pero ang gago kasi! tinawag pa akong BABY!?

"Ikaw kaya?"

Tumingin ako sa kaklase kong nasa likuran ko ng kalabitin niya ako. Tinaasan ko lang siya ng kilay pero ngumiti lang siya. Siya ang president namin dito sa classroom, at minsan lang siya lumapit sa akin. Kung may kailangan lang.

"Ang?" boring na tanong ko. Nage-erase kasi ako ng writings sa board. Cleaners ko kasi, no choice at kailangan may itulong ako.

"Mag represent sa strand natin," sabi nito at sumandal sa board. Hindi ako nagpakita ng anumang gulat sa mukha kahit sa loob loob ko ay napa mura ako. Habang siya naman ay ngumiti sa akin. Lumabas tuloy ang malalim niyang dimples. "Look.. perfect na perfect ka para ipresenta ang strand natin, you're pretty and smart,"pag pugay niya sa akin ng compliment.

"Baka ang iba gusto nila," ani ko at nagpatuloy sa ginagawa ko.

"Pero ikaw ang gusto ko"

Natigil ako sa aking ginagawa at tumingin sakanya. Seryoso ang kanyang mukha kaya napa irap ako. Sa hindi ko malamang dahilan bumalik sa isip ko ang lalaking hindi ko na nakikita pa sa school. Walang connect pero pumasok ang gago sa isip ko.

"Pagi-isipan ko... "

WEDNESDAY afternoon, naka upo ako sa isang canopy at kumakain ng burger. Gusto kong tumayo at lumapit ka agad sa lalaking akala ko ay deads na dahil ngayon ko lang ulit nakita. Pero pinigilan ako ng utak ko dahil may kasama itong iba.

Lumapit sila nang lumapit kung nasaan ako dahil dadaanan nila ang canopy kung nasaan ako. Ngiting ngiti pa ang leche at tawa tawa pa ang babae. Namalayan ko nalang na umirap ako sa kawalan at tinungga ang c2 na nasa aking harapan.

Akala ko ay hindi niya ako mapapansin dahil busy siya sa kasama niya. Pero nagtama ang aming mga mata, agad siyang kumaway at mabilis na lumapit sa akin. Umupo siya sa tabi ko at ngumiti. Sumunod naman ang babae na tumayo lang at nag wave pa ng 'hello' sa akin. Pero imbes na mag 'hi' ay inirapan ko ito. Nawala naman ang kanyang ngiti pero wala akong pake.

"Sungit talaga"

Narinig ko nalang si White na tumawa at lumapit sa babaeng kasama niya. Nakatayo na sila ngayon sa aking harapan. Sa view ko ngayon ay para akong magulang ni White at ipapakilala niya ang kanyang mapapangasawa sa akin. Napa irap naman ako sa pumasok sa aking isip at tiningnan sila ng masama.

"Belinda, si Queenie pala!" masigla nitong pakilala. As if I care kung sino ang gagang yan! "Siya ang mag pre-present ng strand namin sa students day!" pumalakpak pa ito at inakbayan ang babae. Tumingin lang ako sa braso niyang naka akbay at tumayo. "Ihanda niyo na ang sainyo, dahil kami na ang panalo!" pagmamalaki niya pa.

Ngumisi ako sa babae na ngayon ay naka ngiti nanaman. Yes, she's pretty. Ang inosente ng mukha, pero mukhang may tinatagong masamang budhi sa loob-loob. I can sense people base sa ngiti lang nila. At ang sakanya, halatang napipilitan lang.

Habulan Sa DamuhanWhere stories live. Discover now