Chapter 4

0 0 0
                                    


Sa sobrang cringe na naramdaman ko kanina sa lalaking iyon ay tinalikuran ko nalang siya at bumalik ako sa classroom. Pero ngayon ay matyaga talaga ako nitong hinintay sa gate para kulitin nanaman.

Iniisip ko nga na baka may alam ito sa away pamilya namin at inutusan siya na kulitin ako hanggang sa makagawa ako ng sala at makulong ako. Wala talaga kasi akong tiwala sa mga lalaki. Lalo na sa Puti na to.

"Hatid na kita" ngumisi siya sa akin at inayos ang kanyang panget na motor. Paano ako sasakay diyan eh sa ang taas. Para akong nakatuwad pag sumakay ako sa likuran niya. At isa pa, hindi naman ako sasakay sakanya—i mean a-angkas sakanya.

Binalewala ko siya at naglakad ako sa ibang direksyon pero ang gago ay sinundan pa talaga ako. Bakit ba ako ang ginugulo ng gagong to?

"The hell! Pwede ba lubayan mo ako!" pasigaw na sabi ko sakanya sa sobrang irita. Napatingin man ang ibang estudyante sa amin sa labas ng school pero wala akong pake.

Nagpantay ang kanyang mga labi. Habang nakatingin ako sa mga taong tumitingin sa amin. Siya naman ay walang kurap na nakatitig lang sa akin. Para bang prinoproseso niya bakit sinasabihan ko siya na lubayan niya ako.

"Gosh! Ano ba ang kailangan mo?" pinagkrus ko ang aking mga braso at ibinalik na ang volume ng aking boses sa normal. "Hey, kung akala mo ay nasasayahan ako sa pangkukulit mo then nagkakamali ka—"

"Pero narinig mo?" seryoso ang kanyang mukha.

"Ang alin?" curious ang mga mata ko na nakatingin sa kanya.

"Nakita mo?"

"Ang ano ba!? "mabilis talaga ako mairita.

Lumapit siya sa akin hanggang sa ka onti nalang ang space sa aming dalawa. Matangkad siya sa akin kahit nakatakong ako, kaya napatingala pa rin ako.

"Nagsisinungaling ka?" namewang siya at sumilay ang ngisi sa kanyang labi. "Alam ko na alam mo"

"HINDI KO NGA ALAM!" sigaw ko. Bwisit kasi talaga ang daming sabi pwede nalang din naman ako diretsuhin pero ang dami niya pang pasikot-sikot. "Ano nga kasi ang alam mo na alam ko? Eh wala nga akong alam! Wala! Wala! Kaya tigilan mo na akong putangina ka!"

Kaya mainit din ang ulo ko ngayong hapon na ito dahil mababa ang score ko kanina sa long quiz tapos makikita ko pa ang mukha ng putangina na ito? Aba ginagago ata ako ng mundo.

"Sama ka sakin" hinawakan niya ang kamay ko. Malakas siya at mabilis ang mga hakbang kaya hindi ko na nabawi ang aking mga kamay hanggang sa nilagyan niya ako ng helmet.

"The hell!" mabilis na kakalasin ko sana ang helmet sa aking hulo ng ma realize ang ginagawa niya. Pinigilan niya ako at kinuha ang bag ko na nasa aking likod. "Hey!"

"Sakay" matigas na sabi nito.

"No way! The fuck are you—"

"Sumakay kana nga" sumakay na siya kanyang motor habang ang ulo niya'y nakalingon sa akin. Una ko agad na nahagilap na wala siyang helmet. "Ayan, sinuot ko sayo" at mukhang nabasa niya ata ang iniisip ko dahil sumagot na siya ng wala naman akong sinasabi.

"Huh? Ako sasakay? Sino ang inuuto mo? Girl, I don't trust a creature like you! "

"Ako ba may tiwala sayo? "

Lumunok ako at tumawa ng peke.

"Ha Ha Ha" umirap ako at umangkas sa kanyang likuran. Bwisit. "Saan mo ba ako dadalhin? Ano naman ang mapapala ko kung sumama ako sayo?" hindi pa rin nawawala sa aking boses ang katarayan.

"Alam ko naman na may kailangan ka sakin," kumindat siya sa akin na nagpabilog ng aking mga mata.

Sa huli ay sumama nalang ako sakanya para wala ng ibang storya. Tinatamad na rin kasi ako magsalita, lalo pa lahat ata ng banat ko ay may balik siya, na mas malala.

HINDI ko akalain na dadalhin niya ako sa lugar na ito. Hindi ko nga rin alam na may mga ganap pala na ganito ang mga estudyante.

Nilibot ko ang aking mga mata at wala ako masyadong makitang kakilala ko na talaga. Pamilyar, oo, pero iyong kilala ko na, wala akong makita. Nakasunod lang ako kay White na naglakad, sabit sabit niya sa kanyang kanang braso ang bag ko habang ang sakanya ay nasa kabila naman.

Halos lahat ata ng tao rito ay kilala siya. Pano ba naman, sa dinadaanan namin simula kanina sa labas ay kung hindi nakakatangu-an niya'y nakaka-shake hands naman niya.

Tumigil si White sa bandang malapit sa maliit na stage. May lalaking nasa edad na 40's nakaupo at naninigarilyo ito habang may kausap na babaeng feel ko ay kilala ko.

"Alam mo, Nik-Nik. Dapat talaga ay mag-aral ka ng mabuti, lalo pa at senior high school kana," pangangaral ng lalaki.

Humarap sa akin si White at ginaya ako umupo sa upuan na nasa lamesa kasama ang babae na tinawag na Nik-Nik ng lalaki. Pagka-upo ko ay umupo rin sa gilid ko si White at pinatong niya sa kanyang hita ang bag ko, habang inayos niya sa pag suot sa likod ang kanyang bag naman.

"Boss" tawag ni White at tumingin sa amin ang dalawa. "Ano na guidance nanaman yang si Nik-Nik"

"Siraulo! Ikaw nga nakipag-away dahil sa babae"

"Palibhasa, Boss, athleta iyang si Nik kaya hindi na ki-kick ng school" dagdag ni White. At doon nag sink in sa akin bakit familiar ang babae.

Si Dominique, ang nakakapag compete sa iba't ibang lugar, ang nagbibigay ng karangalan sa school namin. Kilala naman talaga si Dominique na lage sa mga lalaki kasama. Palibhasa nagi-isa siyang babaeng kapatid ng mga tambay.

"Ay, siya pala, boss. Pass muna ako ngayong gabi"

Ginala ko ang aking mga mata sa mga tao sa paligid ko. May ka same uniform ako at meron ding wala. May mga naka civilian pero halos lahat naka uniform. May bilyaran at marami ang mga lalaki. May mga babae pero naka upo lang at nagce-cellphone, may naninigarilyo at meron ding nagbebetime kasama ang shota.

Ang nakapukaw ng aking atensyon ay ang maliit na stage. May microphone ron, mga gitara na hindi ko alam at drum.

"May date ka?"

Tanong ng boss na tintawag nila.

Sa kakagala ng mga mata ko ay may nakita ako na hindi ko akalain makikita ko. Naka upo ito sa gilid ng sofa at naka cross ang mga paa. Naka sleeveless habang ang uniform sa baba ay katulad ng kanila ni kuya. Humihipak ito ng sigarilyo. Nakangiti itong nakatingin sa lalaking nasa gilid niya nakaupo.

Nang lumingon ng ka-onti ang lalaking kasama nito ay doon nag tama ang mga binubulong ng mga kung ano sa ulo ko.

Napatayo ako ng hindi sa oras at malaki ang lakad na lumapit sa babae at sa lalaki.

Pinagtinginan ako ng mga tao pero diretso ang mga paa ko sa harap ng dalawang tao na hindi ko akalain makikita ko. Narinig ko ang bulungan ng mga nasa paligid hanggang sa dahan dahang tumingin sa akin ang babae at namutla. Tumayo agad ito pero hinawakan ni kuya ang bewang nito kaya napa-upo ito sa harapan niya.

"The hell? Kuya!?"

Nang magsalubong ang pareho naming mga kulay ng mata ni kuya ay pareho rin kaming nagulat sa isa't isa.

"The fuck! What you doin here!?"

"The fuck, what!? and you why are you here!?"

Ganito talaga kami mag sabatan, english. Para kuno mas drama.

Habulan Sa DamuhanWhere stories live. Discover now