Chapter 47: "Superhuman"

49 1 0
                                    

Chapter 47: "Superhuman"



Storm:

Faster.


I rolled my eyes at his text. Still bossy but I can't help but smile. He's bossy but mine. All mine.


Napagkasunduan kasi namin kagabi na pumunta ng Tagaytay, sa Tahanan ng Pag-asa. Ilang buwan na rin kasi simula nung huling dinalaw namin yung mga bata. Nung pumunta ako doon para hanapin si Storm, hindi na ako nakapagpakita sa kanila.


Pagkakita pa lang ni Storm sa akin ay agad siyang tumayo at lumabas na ng bahay. Anong problema non?


Sumakay na siya nang sasakyan at di man lang ako pinagbuksan. Sanay na.


"Anong problema mo?" tanong ko sa kanya. Ang aga-aga eh.


"It's ate Ava," sagot niya.


"Oh, anong meron?"


"She wants you to come with me to the house next week, family dinner," he said.


"Anong problema don? Ayaw mo ba akong ipakilala sa inyo?" I asked. Yun lang naman ang naisip kong dahilan kung bakit niya pinoproblema yon.


"No! Of course I want you to come. Kaya lang baka masyado kang nabibilisan sa pangyayari," paliwanag niya.


"Okay lang, pupunta ako. Ikaw nga nakapag-breakfast na kasama ni mommy even before na hindi pa kita boyfriend eh," natatawa ako sa alaala. Wait! Hindi ko pa nga pala naiintroduce si Storm kay mommy, as my boyfriend. Ang shunga ko naman.


"Are you sure?" he asked.


"Yes, but we should talk to mom first, pakilala kita as my boyfriend na," I smiled at him. My boyfriend.


"Yes, love," he agreed.


Dumaan muna kami sa isang grocery store. Mamimili kami ng mga ipapasalubong namin sa mga bata. Naghiwalay kami kasi siya yung bibili ng mga juice ako naman ay pumunta dun sa biscuits section. Pumipili ako nang mga pambata, yung may iba't ibang shapes.


May lumapit sa aking isang grupo ng mga lalaki. Siguro ay magkasing edad lang kami. Ang isa ay pinagtutulakan palapit sa akin.


"Hi, miss ikaw si Brielle, di ba?" tanong niya.


Tinaasan ko siya nang kilay. Paano niya ako nakilala? "Uh, ako nga."


"Ikaw yung nasa facebook profile ni Darren," paliwanag niya para bang nabasa niya ang iniisip ko.


Darren's facebook, of course. Almost lahat nang estudyante ng VCU pina-follow yon.


The Wander DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon