Chapter 7: "Rooftop"

107 0 0
                                    

Dedicated po sa inyo. Ilang stories niyo na po ang natatapos ko. Latest yung End this War. Tapos binasa ko ulit yung Mapapansin kaya. Wade will be my favorite (sunod si Rozen). Actually I like them all. Hehe. You really are good :)

Chapter 7:     "Rooftop"

Kung dati natatakot na ako sa pwedeng gawin ni Storm, mas natatakot ako ngayon kasi may balak na ata talaga siyang gawin sa akin. Dati kasi puro hinala ko lang yun. Ngayon, pinahanap na niya kung sino ako! Ipapahanap ba niya ako kung hindi niya ako balak gawan ng masama?

Pero kung iisipin, okay lang naman yung ginawa ko di ba? I told him the truth. Someone should really tell him na hindi maganda yung ginagawa niya. Nagkataon lang na that someone is me.  This shouldn't be a big deal. Nagkataon lang na ang taong nasabihan ko ng duwag ay si Storm. Well, he is Storm. Siga, basag-ulero at  di nagpapatalo.

Huminga ako ng malalim bago bumaba ng sasakyan. Call me paranoid pero hindi ko na pinaalis yung kotse namin. Nagpahintay na ako na dati naman hindi ko na ginagawa. Iniisip ko kasi na in case na may mangyaring hindi maganda, may matatakbuhan ako agad.

Shocks! Habang naglalakad ako, palingon-lingon ako. Naging mas aware ako sa paligid ko. Napailing na lang ako sa inaasta ko. 

The day went normal, as of now. Pero hindi pa rin ako kampante kasi nasa campus pa rin ako. Para marelax naman ako, naisipan kong pumunta ulit dun sa abandonadong garden. I need to hear that music.

Kaso habang papunta ako dun, nagtext si Darren. Nagyayayang kumain. Since mamaya pa ulit ang klase ko, pumayag na ako. 

On my way to his department, nadaanan ko na yung pinakalumang building sa campus kung saan andun din yung pinakamataas na rooftop dito. Kung saan ko unang nakausap si Storm. 

"Ano? Nakita niyo na??"

"Hindi pa."

"Ano ba naman kayo? Saan pa ba yon pupunta? Iisa lang yung pinapahanap ko sa inyo di niyo pa makita!"

Napatigil ako sa paglalakad nang may narinig akong mga boses. Napansin ko ang grupo ng mga lalaki sa may sulok na hindi masyadong nadadaanan ng mga estudyante. Nakita ko ang isang mukhang galit na galit. Hindi pamilyar ang mga mukha nila sa akin. Bagong mga tauhan ba to ni Storm?

Binalutan agad akong ng kaba. Dahan-dahan akong tumalikod at mag-iiba na sana ng daan ng may sumigaw.

"Ayun! Dun ko siya nakita!"

Ang sigaw na yun ay hudyat ng pagtakbo ko. Kahit hindi ko alam kung ako nga yung tinuturo. Hindi na ako nakapag-isip nang maayos nang lumiko ako papasok ng lumang building.

Natataranta ako. Hindi ko alam kung saan magtatago. Nakakandado na ang mga rooms dito. I have no choice but to go to rooftop. Hindi naman siguro dito tumatambay si Storm. Halos magdalawang steps na ako kada hakbang para makaakyat agad ako.

Pagkadating ko sa tuktok ay isinarado ko agad ang pinto at ni-lock ito. Agad kong naramdaman ang lamig ng hangin. Tahimik ang paligid. Lagi namang ganito dito.

Napapikit ako at sumandal sa pinto. Walang tao dito. I am safe here, I think. Pero nagulantang ako nang makita ko ang marka ng dugo sa sahig. Wala naman ito dito dati. Medyo sariwa pa nga ang mga ito. Medyo basa pa.

I followed the blood marks. Bawat hakbang ay palakas nang palakas ang tibok ng puso ko. Wala akong idea kung ano ang madadatnan ko. O natatakot lang akong mag-isip sa mga posible kong makita.

Pagkatapos ng ilang hakbang pa ay narinig ko ang isang impit na ungol. Tumakbo ako sa pinanggalingan ng boses. Hindi ko inaasahan ang makikita ko.

Napatakip ako ng bibig. Si Storm ay nakaupo sa sahig. Nakasandal siya sa ding-ding. Agad kong napansin ang duguan niyang braso na pinilit niyang takpan ng isa pa niyang kamay. May mga pasa din ang kanyang mukha. Madumi ang kanyang damit at gulo ang buhok. Nakatingala siya habang nakakunot ang noo.

The Wander DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon