Chapter 1: "Back to School"

170 0 0
                                    

Chapter 1:     "Back to School"

After those long weeks... I'm going back to school.

Hindi ako excited. Ayoko pa talagang pumasok pero ayoko din naman na magstay lang sa bahay kasi...haayy.

Ayokong pang pumasok hindi dahil sa tinatamad pa, hindi dahil gusto ko pang mag-online araw-araw, at hindi din dahil gusto ko pang tumambay gabi-gabi.

Ayokong pang pumasok dahil pakiramdam ko...

malaki na ang kulang sa sarili ko... sa buhay ko.

Ilang linggo na ang nakakaraan pero ang sakit sakit pa din. Pero ganun talaga. Kailangan tanggapin.

Papasok na ko kasi ayoko naman umulit ng isa pang semester.

Naglalakad ako ngayon sa sidewalk ng campus. Yung may kulay green na bubong nang may tumawag sa akin.

"BREEEEEE!!!!!!"

Tumigill ako sa paglalakad ko at tumingin sa likod ko dahil dun galing ang napakapamilyar na boses.

"Bree, pumasok ka na pala. Kamusta? Kaya mo na ba? " sabay hawak sa magkabilang braso ko. Binigyan ko lang siya ng matipid na ngiti.

"Bree, andito lang kami ha. Tandaan mo yan. Sige malelate na ako. Ingat. Bye!" sabay halik sa cheeks ko.

'Ah Bianca," tumigil siya sa paglalakad at humarap ulit sa akin "salamat."

Ngumiti siya at nagwave bago tuluyan nang umalis. Siya si Frances Bianca Sanchez. One of my closest friend since highschool. Super friendly at madaldal. Medyo opposite kami but still nagkakasundo pa din kami.

Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko. I'm taking my time kasi hindi pa naman ako late. Sa may likod ng gym na ako dumaan papunta sa department building namin. Dito na ko dumaan kasi konti lang ang dumadaan dito. Mas okay para iwas sa mga tanong.

Liliko na sana ako nang magulat ako dahil may sumigaw.

"LUHOD!! Hindi ka luluhod?!"

Dahan-dahan akong lumapit sa pinanggalingan ng boses at sinilip ang nangyayari.

May isang lalaki na nakasalamin ang nanginginig na sa takot. Napapalibutan siya ng marami pang lalaki. Nakaharap siya sa isa pa ding lalaki na parang leader ng grupo.

Medyo mahaba ang buhok na halos matakpan na ang parte ng kanyang mukha, may makisig na pangangatawan, hikaw sa tenga at mukha na hindi nagbibigay ng emosyon.

Hindi ko alam kung natutuwa ba siya o nagagalit sa nangyayari.

"S...so...sorry po" pautal-utal na sinabi nung lalaking nakasalamin dun sa lalaking walang emosyon tsaka nagbow na paulit-ulit.

Binatukan naman siya nung isa sa nakapalibot na lalaki. "Anung sorry?! Di ba ang sabi namin lumuhod ka!? Luhod!"

Napabalikwas ang lalaking nakasalamin sa takot at nagtawanan naman ang mga lalaki sa paligid niya.

Unti-unting lumuhod ang lalaking nakasalamin at nagsorry ulit. Nakasuporta ang kamay niya na nakapatong na sa lupa.

"So... sorry po talaga."

"Luluhod din pala pinatagal pa! Sa susunod titingin ka sa dinadaan mo!"

Gumalaw din ang lalaking walang emosyon. Inalagay niya ang kamay niya sa bulsa at lumapit sa lalaking nakaluhod. Inilagay niya ang paa niya sa may baba nang lalaki at itinangala niya ito hanggan nakatingin na sa kanya.

"Alam mo na sa susunod. Tumayo ka na dyan. Panira ka ng araw. "

Sinabi niya nang wala pa ring kaemo-emosyon. Paalis na ang grupo kaya dali-dali akong umalis.

Hala! Late na ko! Bakit kasi pinanuod ko pa yun eh hindi naman maganda sa paningin.

Hinihingal pa akong pumasok sa classroom.

"Samonte, Brielle"

"Present!"

Wushu! Sakto. Buti na lang Samonte ang epelyido ko at sa epelyido binabase ang alphabetical arrangement ng pangalan kasi kung sa pangalan mismo, nako hindi ako aabot. B for Brielle. Isa ako sa mga unang matatawag.

Medyo naging busy ako ngayong araw. Pinuntahan ko ang mga prof ko na may namiss akong quizzes at requirements. Naiintindihan naman nila ako kaya binigyan nila ako ng schedules kung saan pwede akong magtake ng quiz.. Hindi naman din siya ganun kadami kasi malapit na rin ang Christmas break nung umabsent ako.

Nung vacant na ko, pumunta muna ako dun sa oldest building ng school at dumiretso sa rooftop.

Hmm. Sarap ng ihip ng hangin. Umupo ako sa isang bench dun.

Kinuha ko yung isa kong personalized notebook at nagsulat.

| Dearest,

I'm back to school. Kailangan eh. Pati alam kong magiging masaya siya pag pinagpatuloy ko to. Alam mo ba kanina may nakita akong hindi maganda. May estudyante na naman ang walang kalaban-laban kanina sa grupo nila Storm. Naaawa ako sa kanya. Sobra siyang natatakot. Hindi kaya alam nila Storm ang magiging epekto nung pangyayaring yun sa buhay nang pinaluluhod nila kanina. Haayy. Sana marealize nila na hindi tama yun.

Anyways, ingat ka. Smile! :)

Love lots,

B x |

Oo. Kilala ko yung lalaki kanina. Siya si Storm Villaraza. Wala atang hindi nakakakilala sa kanya dito sa Viene Central university. He's not famous beacuse he is notorius. Siya yung gangster, siga, bully, pasaway o rebel dito. Kinatatakutan.

Pinilas ko ang papel mula sa notebook at finold ko ito. Fold na parang magpapadala ka ng sulat. Pinatong ko sa bench. May nakita akong bato at nilagay ko sa ibabaw ng papel para hindi lipadin. Iiwan ko to dito.

Ganito ang diary ko. Sinusulat ko at iiwan ko kahit saan. I signed it with B. Sa dami ba naman ng tao na sa B nagsisinula ang pangalan imposibleng makilala ako ng makakabasa nito. Ito ang diary na pagala-gala. No permanent address. Parang ganun. Saan ko nakuha ang idea na to? Malalaman niyo din.

This is my... Wander Diaries.

The Wander DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon