Chapter 10: "Time"

78 1 0
                                    

Chapter 10:     "Time"

Hindi ako makatulog. I am still shaken of what happened. I am almost raped! No doubt about that. What would a group of men do with a young lady on a dark, isolated street? Sige nga. Makikipagkwentuhan? Who am I kidding!

I can't forget the look of my mom when I entered the house. My clothes were still in place. But my appearance? I don't know. Di ko nga alam kung paano ako nakarating ng bahay. My mind feels empty. 

Ang daming tanong sa akin ni mommy. Kinapa-kapa niya pa ako. Tiningnan kung may galos ba ako sa katawan. Tumawag pa siya sa guard para magtanong kung anong nangyari kasi hindi naman ako nagsalita bukod sa "okay lang po ako."

She's a mother. Of course, she won't believe me. I know she can feel that there's something wrong. But I just can't tell her what really happened - almost happened. Hindi na niya ako pinilit. Tinanong pa niya ako kung gusto daw bang tabihan ko siya pagtulog pero tinanggihan ko. Ayokong mag-alala pa siya ng sobra lalo na ngayon na babalik na siya sa trabaho.

The door in my room opened. I closed my eyes and pretended to sleep. My mom kissed me on the forehead. Aalis na siya. Nang sumarado na ang pinto, I checked the time: 3:31am. 

I tried to sleep. But do you know how it feels like that you tried to close your eyes but your mind is working overtime? Do you know what’s like when you thought that you’re already sleeping but still aware of what’s happening around? It’s frustrating.

Di ko alam kung ilang oras akong nagpabali-balikwas sa aking higaan nang tumawag ang kaklase ko para sabihin na late na ako sa klase namin. Great! Just great!

I prepared as fast as I could. Yung iba kong libro di ko na nilagay sa bag. Yung kotse nasa labas na rin nang gate. Tumakbo na ko pero nalaglag naman yung mga dala kong gamit. 

Buti na lang at tinulungan ako ni -

"Bree?! Ikaw ba yan?"

Si Robi pala. 

Sabay naming pinulot yung huling piraso na nahulog kong notebook pero naunahan na ko ni Robi kasabay nang bagay na tila ba ay  natuklasan niya. Nakabukas yung personalized kong notebook.

"So ikaw nga yon." It’s not a question. He stated it.

"Sige. Bye Robi!" At dali-dali akong sumakay ng kotse.

Nakisabay pa tong si Robi. The personalized notebook is only mine. Personalized talaga yun as in. From cover to the paper design. Rest assured na ako lang ang may ganong notebook. 

-------

The day is usual aside from me. Ayoko nang umaalis mag-isa. I mean hindi naman maiiwasan yon pero pag may mahihigit talaga akong kasama ginagawa ko. 

Nagtataka na nga sila sa akin. Hindi naman ako introvert o anti-social. Hindi lang din ako yung kaibigan na iihi lang eh magpapasama pa o kahit pagbili sa canteen. I can handle myself. I can walk alone. Hindi ako… clingy? I don’t know if that’s the right term.

Namiss ko tuloy bigla si Darren. 

Papunta na ako sa parking lot nang matanawan ko si Robi. Paano siya nakapasok dito? Nang makita niya ako, lumapit naman siya agad sa akin.

"What brings you here?" tanong ko nang makalapit na siya. 

"I really need you. I need someone to talk to. If ikaw nga si B, alam kong maiintindihan mo ko." He answered right away. 

"Okay then," hinintay ko siyang magsalita. 

"Can we go somewhere else? Coffe shop?" yaya niya.

The Wander DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon