Chapter 2: "Crush"

119 0 0
                                    

Chapter 2:           “Crush”

*Bree's POV*

Ilang araw na rin since I came back to scool. Maraming gawain. Okay na rin siguro to para hindi ko masyadong iniisip ang mga bagay-bagay.

Kagaya ngayon.

Nakakabaliw!

Bakit mo ba ako pinahihirapan Integral Calculus?!

At dahil nga medyo matagal akong umabsent, ilang quizzes ang na-miss ko na kailangan kong kuhanin ngayon.

Badtrip kang integrand sign ka. Nung first semester, pinahirapan kami ng Differrential Calculus, ngayon naman Integral Calculus. Halos kabaligtaran daw nila ang isa’t isa. Parang naglolokohan lang di ba? Ang sarap sisihin nila Sir Isaac Newton at Gottfried Wilhem Leibnitz!

As if naman magagamit ko to sa everyday life. Ano yun? Halimbawa pupunta ako ng grocery store, masasabi ko ba na, “pabili po ng bigas. Yung integration po ng ng blah blah blah....” As if naman!

But then again, I should be reminded na Electronics and Communications Engineering nga pala ang course ko kaya kailangan ko na tanggapin na ang numbers ay parte na ng buhay ko.

Siguro kung makikita ako ni daddy, pagtatawanan ako nun. Ang hina ko daw sa Math pero kahit pagtawanan ako nun, tuturuan niya ako. Nakakapagtaka nga kung bakit naging pilot si daddy imbis na engineer.

Isinara ko na muna yung notes ko. Breathe in. Breathe out. Sarap ng hangin dito sa may field. Walang soccer practice kaya hindi ganoon kaingay. Nakaupo ako sa ilalim ng puno. Dapat sa may rooftop sana ulit ako kaso medyo tinatamad akong bumalik doon. Ang taas ng hagdan. Baka bukas na lang ulit ako tumambay doon.

I close my eyes and rest my back on the tree.

Suddenly I heard a click.

I open my eyes and... flash!

Nung medyo nakaadjust na yung mata ko, nakita ko ang isang lalaking palapit sa akin. Naka-uniform siya  ng school pero taga-ibang department siya.

“I am sorry but I just take a picture of you. I just can’t resist. You’re such a nice subject.” Sabi ng lalaki sa harap ko.

Nakangiti siya sa akin. Hindi ako makaimik.

“Ah. Kung hindi okay sayo, buburahin ko na lang. Pasensya ka na ha,” akma na niyang hahawakan yung camera niya na nakasabit sa leeg niya ng tumayo ako.

“No! It’s okay. Really,” nakapagsalita din ako.

“Nakuhanan na kita ng picture pero baka hindi mo pa ako kilala. I’m Darren. Don’t worry. Hindi ako manyak at stalker. Hehe” Sabi niya at inabot ang kamay niya sa akin.

Tinanggap ko naman ito at nagpakilala na rin. “I am Bree. Okay lang. Nagulat lang kasi ako na may bigla na lang nagflash.”

“Gusto mo bang makita yung kuha ko?” Pag-aalok niya sa akin.

Kahit medyo nahihiya pa ako, tumango ako at lumapit sa kanya. Ang bango niya!

Wow! Ang galing talaga niyang kumuha. Alam ko naman yun eh. Hindi lang ako makapaniwala na ko yung subject niya. Nakasandal ako sa puno, naka-straight yung legs ko, nakapikit ang aking mga mata at medyo hinahangin pa yung buhok ko. And the light from behind... “Perfect!” hindi ko napigilang sabihin.

“Buti naman nagustuhan mo,” sabi niya. Medyo naamoy ko pa yung hininga niya. Mint! Napansin kong sobrang dikit ko na sa kanya kaya lumayo ako ng bahagya.

“Pwede bang humingi ako ng copy niyan?” hindi na ako nahiyang magtanong. Ako naman ang subject eh.

“Oo naman. May flashdrive ka ba?” tanong niya sa akin.

Kinuha ko yung bag ko at naghanap ng flashdrive. Pero “wala eh...”

“Uhm. Ipopost ko na lang to sa facebook. Doon mo na lang kuhanin?”

“Ah sige. Anong whole name mo? I-aadd kita,” tanong ko sa kanya.

“Darren Jimenez. And you?”

“Brielle Samonte. Uhm Darren. Ano. Alis na ko ha. May pupuntahan pa kasi ako. Nice meeting you.” Inabot ko ulit yung kamay ko at tinanggap naman niya.

“Nice meeting you too. See you around.”

Umalis na ako. Nilingon ko siya at umalis na din siya. Nang alam kong hindi na niya ako kita, tsaka ako tumakbo  papunta sa kotse.

Kinikilig kaya ako!!!

Pagkapasok na pagkapasok ko ng kotse sinabi ko agad sa driver namin, “manong, kay daddy po tayo.”

Alam na niya yun.

Kinuha ko yung personalized notebook ko at nagsulat.

[Dearest,

Nagpakilala kanina sa akin si Darren. Actually matagal ko na siyang kilala. CRUSH KO KAYA SI DARREN JIMENEZ! Hahaha! Arte ko lang yung paki-pakilala kanina kasi baka isipin naman niya na stalker niya ako o kaya isa sa mga fan girls niya. Partly, isa ako sa mga fan girls niya, patago nga lang. Baka kasi ma-turn off siya kung malalaman niya no.

Here’s the thing, he’s the one who came to me first and made me his subject. Grabe! Kilig to the bones!

Lesson for today: Be prepared. Kailangan laging maganda.

Be safe.

Love lots,

B x]

Pinilas ko yung papel at finold ulit. Binuksan ko yung bintana at tinapon ito. Hehe. Hindi naman siguro littering yun no? Wander diaries. Remember?

Ikukwento ko to kay daddy. Inaasar kasi ako nun na hindi daw ako mapapansin ng crush ko kasi ang tahimik ko daw. Pero pagkatapos niyang sabihin yun, babawiin niya yun at mapapansin din daw pala ako kasi maganda naman daw ako. Mana daw ako sa kanila ni mommy, maganda at gwapo.

Nako daddy! Pinicturan pa ko ni Darren ko! Wahaha!

Magiging friends pa kami sa facebook! Oha!

“Miss Bree, andito na po tayo,” sabi sa akin ni manong driver. Bago lang kasi siya.

“Manong, Bree na lang po ang itawag niyo sa akin. Pakihintay na lang po ako ha,” sabi ko kay manong.

Bumaba na ako ng kotse habang hinanahanda ang nakakakilig kong kwento para sa daddy ko. 

Loliviene's Note:

Hayayay! Dun po sa nangungulit na mag-update ako dito, pasensya na po kung eto lang ang nakayanan ko ha. Medyo kinakalawang na to. Hehe.

Enjoy!

L x

The Wander DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon