The Wander Diaries

390 4 2
                                    

Prologue:

We can’t always hide what we feel. Madalas, kailangan natin ng outlet para ilabas ang mga saloobin natin kasi kung hindi malamang... Boom! We may cry, have an emotional breakdown, o kaya mawindang sa  mga activities natin. And the worse? Suicide!

Hindi naman sa tinatakot ko kayo ha. Trivia. Ayon sa napag-aralan ko sa General Psychology, men have higher tendency of committing suicide. Bakit? Kasi they are not as open and vocal as the women.

Well, marami namang ways kung paano ka makakapagshare ng nararamdaman mo eh. Kaya nga lang, may mga eksenang hindi maiiwasan na pagsisisihan mo kung bakit naishare mo pa ang nararamdaman mo.

Kapag through your friends, masaya kasi nagkakaintindihan kayo at madalas eh may advice pa. But accept it. Not all the times pwede nating makasama ang friends natin.

Kapag through texting naman, tapos ka nang mag-isip ng solusyon sa problema mo.. eh hindi pa nagrereply ang hinihingian mo ng tulong.

May mga times na hindi sinasadyang sa nagkukunwaring friends ka nakapagsabi ng sikreto, nakapag super share ang tawag dun. Expect mo na kinabukasan,ang sikretong pinakaiingatan mo ay alam na ng buong bayan.

Ishout-out mo sa Friendster! Dali try mo. Meron pa ba nun? Nagtatanong lang ho. (Tatawa-tawa ka dyan eh naadik ka din naman dun dati. Hehe)

Try social networking sites like facebook. Kaya nga lang.. super emote ka na sa status mo eh ililike pa nila. Duhh? Like nilang malungkot ka? Ganun?

Oh kung gusto mo naman magclassical way ka... diary! Never mind kung nababasa na pala ng nanay mo na in a relationship ka without their consent. Hahahah! Busted!

Well... I have a better idea.

Diary with a twist.

The Wander Diaries.

The Wander DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon