Chapter 9: "Quits"

86 0 0
                                    

Chapter 9:     "Quits"

Sa tuwing nagkakasalubong kami ni Storm sa campus, hindi na ako natatakot sa kanya. Good thing, right. Pero ang takot ko ay naging inis na. He is so ungrateful.

Nilalagpasan niya ako as if I never existed. Okay fine. If that's what he wants. Ano pa nga ba naman ang ineexpect ko kay Storm di ba? At least hindi na ko matatakot kung guguluhin niya pa ako.

Wala pa si mommy sa bahay kaya naisipan kong maglakad-lakad muna. Around subdivision lang naman kaya I know I'm safe kahit gabi na.

I am heading to one of the vacant lots dito. Sumulat kasi ako ng diary noon doon. I got curious kung andun pa ba yun o tinangay na ng hangin.

I stop when I spotted a shadow on the lot. By instinct, I hide behind one of the trees.

Bakit may tao dito ng ganitong oras? Siya na ba ang nakabili nitong lupa? O bago lang siya dito sa place at naglilibot rin?

I carefully peek at the person. His back is facing me. Yes, that person is a he. Short hair cut, broad shoulders and he's wearing a letterman jacket. He suddenly sits and holds up a piece of paper. I don't have any idea of what it is until I hear him read it.

"Dearest," he starts.

Napatakip ako ng bibig. He is reading my diary!

"I don't know how to start. Dapat bang sabihin ko na okay lang ako? Or what? All I can think about now is how time can be so tricky. I am living believing as if I have all the time in the world but the truth is I don't. I am happy with all I have today not knowing I will lose something tomorrow. I ..." 

Just when I am about to listen carefully to him because I know exactly when did I write that diary entry, my phone vibrated.

Mom:

I'm home. Where are you?

I replied quickly.

Me:

Pauwi na po.

I put my phone back on my pocket. 

"Sinong andyan?"

Tanong nung lalaki. Bakit ba hindi ko naisip na mapapansin yung liwanag ng cellphone ko?

I tried to ignore him. As if I didn't hear a thing, I started to walk. But to my dismay, nadapa ako.

Geez! Swallow me earth! 

He caught me eavesdropping. Kahit pa sabihin natin na akin yung binabasa niya eh hindi naman niya yun alam.

I heard his footsteps. Papalapit na siya sa akin.

"Miss," he called while he helps me stand on my feet.

Nakayuko lang ako habang pinapagpag yung mga dumi na dumikit sa damit ko. Nakakahiya!

"Okay ka lang ba?" He asked.

Just then I looked at him. A chinito.

"Ah, oo. Hehe" I laughed awkwardly.

"Taga dito ka din?"

Tumango lang ako.

"Uhm. Nakita ko kasi to dito," pinakita niya sa akin yung papel na binabasa niya, which is mine. "May kilala ka bang," tiningnan niya yung papel. Medyo kumunot pa yung noo niya bago itanong, "may kilala ka bang B?"

I don't know if I should laugh or what. Meron bang may pangalang B lang talaga? He looked so innocent when he asked. Umiling lang ako bilang sagot.

The Wander DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon