Chapter 13: "Cupcakes"

70 0 0
                                    

Chapter 13:         “Cupcakes”

“Pasok po,” sabi ko kay manang Letty nang kumatok siya sa kwarto ko.

Pumasok na siya sa kwarto ko habang ako naman ay nagsusuklay. Papasok na kasi ako.

“May nagpunta dito kaninang umaga, hinahanap ka kaso tulog ka pa. Hindi ka na pinagising. Pinabibigay niya ito.” Ipinatong ni manang Letty ang dalawang box na may ribbon sa ibabaw ng dresser ko. Tiningnan ko siya gamit ang repleksyon sa salamin.

Nginitian niya ako bago sinabing, “thank you daw.”

Paglabas ko ay tiningnan ko agad ang card na malapit sa ribbon. Galing kina Mr. And Mrs. Rodriguez! Natouch naman ako. Isa para sa akin at isa ay para kay Storm.

Binuksan ko agad at nakita ang mga cupcakes. I wanna eat all of them right away especially those red velvet! But I stopped myself since I need to go to school pa. Pinatago ko na muna kay manang yung box ko tapos dinala ko na yung para kay Storm.

The question is, where can I find Storm?

Rooftop. It’s the first place that enters my mind.

Nagpahatid na ako kay manong Lito sa school. Hinayaan ko na rin siyang umalis. Wala naman na sigurong mangyayaring masama. I just feel like it.

Tinahak ko na agad ang daan papunta sa oldest building dito. May isang oras pa naman bago ang klase ko. Tumaas na ako. Nakita kong nakaawang na yung pinto. I know he is here. Huminga ako nang malalim bago tuluyang lumabas sa rooftop.

He is there, lying on the bench. May suot siyang beanie. Dahan-dahan akong lumapit dahil pakiramdam ko ay natutulog siya. Nakapatong ang braso niya sa kanyang mga mata. Naaaninag ko pa ang kinang ng hikaw niya.

Iiwanan ko na yung box dito, may note naman kaya maiintindihan ni Storm na para sa kanya to at kung saan galing. Yumuko ako para ilapag sa sahig yung box. Bago pa lang ako tatayo nang biglang hawakan ni Storm ang braso ko.

Nakatingin siya sa mga mata ko. I looked back at his eyes, brown eyes. Hindi ko matanggal ang titig ko sa mata niya. Naramdaman ko na lang na binitawan na niya ang braso ko. Kumunot ang kanyang noo bago umayos nang upo. Umayos na rin ako ng tayo.

Why am I staring?

Nakayuko lang ako habang naghihintay na magsalita siya, kung magsasalita man siya.

Kinuha niya na yung box. Tumingin na ulit ako sa kanya habang binabasa niya yung note.

Kriiiing! Kriiiing! Kriiiing!

Napatingin siya sa akin ng magring ang cellphone ko.

“Excuse lang,” sabi ko bago sinagot ang tawag.

“Hello?”

“Bree? Where are you?” tanong ng kaklase ko.

“Uhm, sa school na, why?”

“Dala mo ba yung toolbox?”

Toolbox? May dala ba akong toolbox? Patay! Wala! Nalimutan ko sa bahay. May experiment pa naman ngayon. By pairs. Nasa akin pa naman yung mga capacitors. Inuna ko pa yung cupcakes!

“Hindi mo dala,” sabi ng kaklase ko sa kabilang linya nang mapansin ang pananahimik ko.

“Hala! Sorry! Naiwan ko yung toolbox sa bahay! Ipapadala ko na lang kay manong! Or kahit ako ang kukuha. Di bale nang malate mamaya. Basta. Makakapag-experiment tayo. Sorry.”

“Siguraduhin mo lang,” sinungitan na ako ng kaklase ko bago ako binabaan.

Hindi ko naman siya masisisi kasi terror yung pfor namin doon.

The Wander DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon