Chapter 26: "The Fight"

46 0 0
                                    

Loliviene's Note:

You can listen to the song at the side for this chapter. Brielle yung title. Dati akala ko goodbye brielle yung title. Haha. Pati parang hindi naman masyadong relate. Trip ko lang i-share. Hehe. Enjoy!

>>>>>>>

Chapter 26: "The Fight"

Napagkasunduan namin ni Storm na dalawin si tita Maritess at yung baby niya sa hospital pagkatapos ng klase.

Hindi ko na kailangan maghintay dahil pagdating ko sa school parking lot, naabutan kong nakasandal si Storm sa likod ng pick-up truck. He straightened himself when he sees me and he move to his side of the truck. Hindi na niya ako pinagbuksan ng pinto. Sanay na ko.

Excited na akong makita yung baby. Pagdating namin sa room ni tita Maritess, tumawag kami ng nurse para bigyan kami ng wheel chair. Agad naman itong dumating.

Ako ang tumtulak sa wheel chair habang si Storm ay tahimik lang na sumusunod sa amin, nakapamulsa. I tried to ignore all the nurses stare as Storm pass by. The baby, Brielle, the baby.

Nang makarating kami sa nursery, inalalayan kong tumayo si tita Maritess. Hinanap niya ang kanyang anak at nang matagpuan niya ito, her eyes are glowing. Hinawakan niya ang salamin sa harap amin na para bang nahahawakan na rin niya ang kanyang anak. I followed her gaze. There is her little angel. Hindi ko pa masabi kung sino ang kamukha dahil hindi pa naman ganoon nakikita ang features dahil bata pa ito. Hindi ko din naman kilala ang ama ng bata kaya hindi ko alam. One thing's for sure, she's adorable.

May napansin lang ako, wala pang nakalagay na pangalan sa bata.

"Uhm, tita, ano pong pangalan ni baby?"

She hesitates then looked at me, "gusto ko sanang galing sa pangalan niyo ni Storm pero hindi mapaghalo," natatawa niyang sinabi.

Natawa din ako. What would it be like to have my name combined with Storm? Parang KathNiel? JaDine? KimXi? Napailing ako. Wala akong maisip.

Storm. Brielle. Storm. Brielle.

"Isusunod ko na lang siya sa pangalan mo, Brielle," sabi ni tita Maritess.

"Gabrielle?" tanong ni Storm.

Hmm. Pwede. "Gabriela na lang po!" Naalala ko si Gabriela and Troy. HSM days!

Tumango si tita Maritess at iyon nga ang naging pangalan ni baby, Gabriela. She will be Gabriela Esguerra since hindi naman daw kasal si tita Maritess sa ama ni Gabriela.

Nagstay pa kami ng ilang sandali sa kwarto at nakipagkwentuhan kay tita Maritess. Laking tuwa ko nang kunin niya pa kaming ninong at ninang. Kita ko sa itsura ni Storm ang pagtanggi. Binulungan ko na lang si tita na ako nang bahala kay Storm. Pumayag naman siya.

Umalis kami ni Storm pagkatapos ng visiting hours at nangakong babalik kami. Inasikaso din namin ni Storm yung bill. Actually, si Storm ang umayos lahat. Wala nang alalahanin si tita Maritess.

I asked Storm to park the truck near 7/11. May nakita kasi akong bata na umiinom ng Slurpee. Parang gusto ko na din.

Ako lang ang pumasok sa loob kasi ayaw ni Storm. Hihintayin na lang daw niya ako. Pero pagbalik ko sa truck, hindi ko ito mabuksan. I tried calling his phone pero walang sumasagot. Asan si Storm?

Then I heard noises from a dark alley. I followed that and called, "Storm?"

I heard whistles. The whistle when a guy sees a sexy lady. It's not a compliment for me, now, at this moment or not ever.

The Wander DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon