Chapter 3: "Storm Warning"

122 0 0
                                    

Eto na yng update oh. Nahiya naman ako. Hehe. 

Chapter 3:     "Storm Warning"

Uy kilig! Uy kinikilig!

Paano naman ako hindi kikiligin? Friend na kami ni Darren at eto pa... nakapost na yung picture ko. Ang daming likes! Waaah! Kinikilig talaga ako. Buti na nga lang at dito ako sa kwarto ko nagcocomputer kundi aasarin lang ako ni Mommy.

Ang dami na ring comments. Eto kasing profile ni Darren eh parang fanpage na rin kasi ang dami niyang followers. Binasa ko yung ilan sa mga comment.

Comment 1: Ang pretty naman niya.

Comment 2: Girlfriend na ba ni Darren yan?

Comment 3: Para siyang model.

In all fairness, pinipigilan ko ang sarili kong magreply na ako talaga ang girlfriend ni Darren. Hahaha. Imagination overload! Gwapo naman kasi niya eh!

Tinuloy ko ang pagbabasa.

Comment 4: Hindi naman kagandahan.

Comment 5: Anong girlfriend!? Hindi sila bagay!

Comment 6: Ang pangit naman! Nadala lang sa lighting.

Urgh! Basag trip naman sila! Mga bitter! Palibhasa hindi sila nakukuhanan ni Darren. 

Bago pa ako tuluyang mainis, naglog-out na ako at nagready for school. Hirap pag na-late pa ako. 

Sumakay na ako sa kotse and put my earphones on. Naeenjoy ko na rin ang mga country music. 

~I'm gonna wish I had a storm warnin'

I'm gonna wish I had a sign

I'm gonna wish I had a little heads up

A little leeway, a little more time

Some kind of radar system

Locked in on love

I got a feelin' by the time the night finds the mornin'

I'm gonna wish I had a storm warnin'

I'm gonna wish I had a storm warnin'~

Naalala ko tuloy si Storm. Sana wag na ulit akong makakita ng ganong eksena. Nakakaawa naman kasi talaga yung mga estudyanteng hindi makalaban sa kanya. Sa totoo lang, wala pa akong natatandaan na lumaban sa kanya. Lahat takot sa kanya. Haayy.

Maya-maya pa ay bumaba na rin ako ng sasakyan. "Thank you, Manong."

Naglalakad lang ako sa hallway ng building namin nang may nakasalubong akong lalaking basang-basa. Tumutulo ang tubig mula sa ulo niya. Dinig ko din yung sapatos niya dahil sa tubig na pumasok dito. Nakayuko lang siya at hirap na naglalakad.

Ano kayang nangyari sa kanya? Naririnig ko ang bulungan ng mga estudyante. Ano pa nga ba ang pwedeng mangyari sa kanya? Eh di kagagawan na naman ni Storm.

Narinig ko sa mga nagchichismisan na nabangga daw nung lalaki si Storm at hindi sinasadyang matapunan ng juice. Konti lang naman daw yung natapon. Konti lang naman tapos grabe naman yung bawi nila.

Nakasalubong ko sila Storm na nagtatawanan kasama ang mga alipores niya. Mali pala. Yung mga alipores lang niya yung nagtatawanan. Si Storm? Expresionless pa din. Siguro gawa na rin ng mahaba niyang buhok kaya hindi masayadong makita ang kanyang mukha.

Tumabi lahat ng estudyanteng nakakasalubong nila. Syempre, tumabi na din ako. Hindi naman ako naghahanap ng gulo. Hindi naman ako naghahanap ng ikasisira ko. Wala pa namang pinipili ang grupo nila.

The Wander DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon