Chapter 24: "Lola Pacita"

59 0 0
                                    

Chapter 24:         “Lola Pacita”

“Thank you mom,” I told mom when we reached the school. Hinatid niya ako ngayon.

“May flight ulit ako mamayang gabi, but if you want me to stay, I will,” my mom said while squeezing my hand.

“Mom, I will be okay, you can go,” I squeezed back her hand. I really want her to go. Not because I want to be away from her but for her to breathe. Baka makatulong yon sa pagtanggap sa mga pangyayari.

“I’ll miss you, be safe, okay?” She hugged me. “I love you.”

“I love you too,” I hugged her back. Bumaba na ko ng sasakyan and wave her goodbye.

-------

Kanina pa ako nag-aabang kay manong Lito pero wala pa din. I tried calling him pero hindi sinasagot hanggang maging cannot be reached na. Tapos wala ding sumasagot sa phone sa bahay.

Dumidilim na.

I decided to walk. Baka on the way na si manong Lito. Sasalubungin ko na.

Nakakalayo na ko sa campus pero di ko pa rin nakikita ni anino ng sasakyan namin. Lakad pa din ako ng lakad hanggang napadpad ako sa isang simbahan.

Napagpasyahan kong pumasok muna doon. Iilan na lang ang tao. Siguro ay kakatapos lang ng misa. Umupo ako at kinuha ang diary ko. Naalala kong hindi pa nga pala ulit ako nakakapagsulat ulit doon.

[ Dearest wanderer,

You may have a lot of problems and worries right now but don’t give up. At the moment you least expected, God will put someone in your life to brighten your day. Sometimes, that person can even ease your pain.

Be safe.

Lots of love,

B x ]

I folded the paper. I closed my eyes and thank God for Storm. He’s the person I never expected to be with me. I mean to help and understand me going through this. We didn’t start right but after that night, I know, he will be there for me.

Inilagay ko na yung diary ko sa pew at tumayo na. Susubukan ko ulit na tumawag sa bahay at dito magpasundo. Mas nakakatakot kung magtataxi ako. Gabi na.

Hindi pa ako nakakalabas ng simbahan ay may humawak sa braso ko. Pag tingin ko ay may nakita akong matandang babae. Halos kulay puti na ang kanyang buhok, nakasalamin, nakaputing bestida na may itim na balabal, pawisan ang kanyang noo at mukhang pagod na pagod na.

“Iha, naiwan mo,” inilahad niya yung diary entry na iniwan ko kanina, sinadyang iwanan. “Pasensya ka na at nabasa ko,” maluha-luha niyang sinabi.

The Wander DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon