2

34 2 0
                                    

Mackenzie'S POV

Nagising ako dahil sa tunog ng cellphone ko.

Pagtingin ko, alauna na ng tanghali.

"Hello?" sagot ko sa tawag sa phone ko.

"May class tayo ng 3. I'll pick you up," sabi ni Oli sa kabilang linya at binabaan na ako.

Habang napipikit pa ay tinignan ko ang schedule ko para ngayong sem at isang subject nga lang ang meron kami para sa alastres.

Ang bobo talaga ng schedules sa college. Bakit hindi na lang pagsabay-sabayin lahat ng subject tapos hayaang magkaroon ng long weekends ang students? Hindi 'yong ipipilit pa na sa isang araw isa hanggang tatlo lang ang subject.

Kakagising ko pa lang ang init na kaagad ng ulo ko.

Pinipilit kong bumangon pero hindi ko magawa. Eto na naman tayo. Pahirapan na namang bumangon pagkagising. Pahirapan na namang tanggapin na buhay pa ako. Na nandito pa 'ko.

Bumuntong hininga lang ako at pumikit ulit.

Maya-maya ay tumutunog na ang doorbell sa unit ko.

Pagtingin ko, 2:30 na. Hindi naman ako nagagahol dahil malapit lang naman ang condo ko sa Uni at mabilis naman ako kumilos.

Labag sa loob akong tumayo para pagbuksan si Oli.

"Bakit hindi mo na lang gamitin susi mo?" tanong ko sa kanya at sinamaan niya ako ng tingin.

"Para naman magising ka, gang ngayon naka higa ka pa rin," sabi niya at bumuntong hininga naman ako.

"Maliligo lang ako," sabi ko sa kanya pero bago ako pumasok sa kwarto ko at maligo ay pumunta muna ako sa ref para lumagok ng Alfonso.

"Ang aga naman niyan, Kenzie." Puna niya sa akin pero hindi ko naman siya pinansin.

Eto vitamins ko e, ano magagawa ko?

Paglabas ko ng banyo ay may inihanda nang damit si Oli para sa akin. Skirt at polo tapos platform boots na may high socks.

Ano ba 'yan, gusto ko lang mag hoodie at shorts e.

Tinatamad ako mag-ayos pero mas tinatamad ako maghalungkat sa closet ko kaya isinuot ko na lang ang inihanda ni Oli.

Inilagay ko na lang sa clamp ang buhok ko dahil tinatamad akong magsuklay.

"Tara na," sabi ko sa kanya habang ang bitbit lang ang phone ko at liptint.

"Nasa sasakyan mo ba laptop ko?" tanong ko sa kanya at tumango naman siya at bumaba na kami.

"Gusto mo mag drive thru para breakfast mo?" tanong niya sa akin at umiling lang naman ako.

"Hindi na, wala akong gana," sagot ko sa kanya at tumango naman siya bago kami dumiretso sa parking lot.

Kahit sinabi kong wag na, idinaan niya pa rin ako sa isang cafe at in-order ako ng spanish latte.

"It's yours if you want," sabi niya at inilagay sa cup holder sa sasakyan niya at tinanguhan ko lang naman siya.

"Earphones ko 'to?" tanong ko habang kinakalkal ang compartment sa harap ko at tumango naman siya.

Agad kong isinuot at itinodo ang tugtog dahil wala talaga akong gana ngayong araw.

Kung pwede lang, hindi na ako papasok. Pero alam kong mas makakaabala ako sa kanila kapag naiwan akong mag-isa sa sarili ko.

Pagdating sa Uni ay inaantay na kami nila Eli, Ady, at Jay sa entrance.

Your Guardian AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon