Kai's POV
Simula pag-alis namin sa hotel room hanggang pagdating namin sa airport, Kenzie was silent.
She wasn't panicking. She wasn't upset. She's not here.
"Kenzie, okay ka lang?" Paglapit sa kanya ni Oli but she didn't even look at him.
Nakatingin lang siya sa kawalan.
"If you need anything, let me know, okay?" Sabi ni Oli at pinisil ang braso nito bago lumayo sa amin.
"Mahal, do you need anything?" Tanong ko but she didn't acknowledge me as well. Nakatulala lang siya.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
I don't pray to God but I hope if he's there, he better not kill their parents.
When we were on the plane, usually she would be scared of the turbulence, pero ngayon, walang reaction. Nakatingin lang siya labas.
Nakatingin sa langit.
After the long flight, agad kaming dumiretso kaagad sa hospital.
Dumiretso kami sa ICU because they are both in critical condition.
When we got there, their mom is already being called by the doctor, their Dad, still receiving CPR but he's already coding.
I looked at Kenzie.
Nakatingin lang siya sa magulang niya. There's still no reaction on her face. Para pa rin siyang blangkong papel.
"Time of death, 11:11 PM," sabi ng doctor and looked at Kenzie apologetically.
"There goes my lucky number," mahina niyang bulong and I looked at her.
She looked so disappointed, like she got cheated on. Like it was so unfair. And it was.
Napakadaya ng mundo sa kanya.
Palagi ka na lang dinadaya ng mundo, Mahal. Kahit anong pagprotekta ko sayo, palagi pa ring nakakahanap ng paraan para saktan ka.
For the first time in hours, she looked at me, and then she smiled as a tear fell down her face.
"Hindi ko na kaya," bulong niya at yumakap sa akin.
Agad ko siyang niyakap pabalik nang mahigpit at hinagod ang likod niya.
Then I saw Kentaro, sitting at the back.
"We got him," sabi ni Oli at nilapitan naman nila si Kentaro to console him.
Habang paluwag nang paluwag ang yakap sa akin ni Kenzie, yon naman ang paghigpit ko.
Hindi ko talaga alam anong gagawin ko.
How do I take away the pain from her? Akin na lang lahat. Wag lang si Kenzie, please.
Iniupo ko si Kenzie sa tabi nila Eli and I looked at them for help, but they were just as helpless.
Ano nang gagawin ko?
Tumayo si Kentaro at kinalabit ang ate niya.
"Anong iniiyak mo? Close ba kayo?" Galit na tanong nito at napatahan naman bigla si Kenzie.
She looked at Kentaro at bigla naman silang natawang dalawa.
Tahimik kaming nanood nila Oli sa kanila habang tumatawa silang magkapatid.
Nahagip pa ng mata kong nagpipigil ng tawa si Eli at kinurot naman siya ni Jay.
"Tanginang buhay to," tumatahimik na sabi Kenzie habang nakatingin sa ICU.