Mackenzie's POV
It's been two weeks since nagkaron ako ng sakit. Pakiramdam ko talaga mamamatay na ako.
But now I'm here. Still here. And I'm happy.
It'll be my birthday by Saturday, and for the first time, I was excited. Me, celebrating my birthday with Kai felt like I am going older with her. Like in the next few years, she'd still be here.
That thought made me the happiest.
"Van Dorsen, sa office ko mamaya. You missed a lot," sabi ng Prof ko at tumango naman ako sa kanya.
"Absent pa more," pang-aasar sa akin ni Eli at tinignan ko naman siya nang masama.
"Ginusto ko ba?" Pabalang na sagot ko sa kanya at tinawanan niya lang naman ako.
"Tae. Fourth year na tayo in a couple of months. Hindi nga?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ady at ngumiti naman ako sa kanya.
"Pano tayo nakatagal sa PolSci? Tangina!" Di makapaniwala rin namang saad ni Oli.
"Ewan ko sa inyo. May sepanx kayo eh," sabi ni Jay at pinagtawanan naman kami.
"Alam mo pre, thankful kami sayo. Kasi ikaw na ang nag-decide. Kasi kung hindi, baka 1st year na naman ako next month sa ibang course," tumatawang sabi ni Eli sa kanya at tumango naman ako.
"Parang ako sa clubs," sabi ko at nagtawanan naman sila.
"Lahat sinalihan mo no?" Tumatawang sabi ni Ady at umiling ako.
"Hindi ako sumali sa painting, bagsak talaga. Hindi ako natanggap!" Natatawang sabi ko sa kanila at pinagtawanan naman nila ako.
"Kenzie, bored ka ba?" Tanong sa akin ni Oli at tinignan ko naman siya.
"Saan mo na naman ako hahatakin?" Kinakabahan kong tanong sa kanya.
"Gusto ko mag cooking class eh," sabi niya at napaisip naman ako.
"Pwede! Sa bakasyon?" Sabi ko at tumango naman siya at nag-apir naman kaming dalawa.
"Ang saya siguro kapag wala ka passion lahat ginagawa mo?" Pang-aasar sa amin ni Eli at inirapan ko naman siya.
"Oh ngayon mas madami ako talent. Matututo pa ako magluto," pang-aasar ko naman sa kanya.
"Sigurado ka, magluluto ka? Baka masunog mo building ah," pang-aasar pa ni Jay at tinignan ko naman si Ady.
"Hindi mo ako ipagtatanggol?" Tanong ko sa kanya at nginitian niya lang naman ako.
Pagkatapos ng klase ay sinamahan ako nila Oli sa office ng professor namin para sa mga lista ng activities na kailangan kong ihabol.
After ay dumiretso na kami sa field to practice on stage para naman sa pageant. Dahil nasa field naman, the others are allowed to watch. Marami akong namiss na practice and the pageant will be a week after my birthday, kaya kailangan ko pang mangapa sa ibang steps.
But Kai made sure to let me know kung ano ang nangyayari and so was Eli.
Tinuturo nila sa aking dalawa kung paano ang steps na gagawin sa bagong sayaw, kung ano ang mga kailangan isuot, at sa mga planong pasabog kapag kami na ni Eli ang rarampa.
Minsan nga nagseselos na ako kay Eli because he got to spend time with Kai tapos magkasundong-magkasundo sila.
Naiinis nga ako minsan bigla ko na lang binubunutan ng buhok si Eli sa hita kapag di ko mapigilan eh.
Pagdating namin sa field, medyo kumpleto na rin naman ang ibang candidate. Kai's eyes landed on me at ngumiti naman siya kaaagad sakin at nanakbo.
"Mahaaaal! How's your day?" Nakangiting salubong niya sa akin.