Mackenzie's POV
"May tissue ka pa?" Naluluhang tanong ni Eli sakin paglabas namin ng classroom.
"Bobo kasi eh," pagsusungit ko sa kanya at inirapan naman niya ako sabay hablot ng tissue sa kamay ko.
Bakit dumudugo ilong? Bobo nga kasi. Hindi alam mga tanong sa exam. Naputukan na ata to ng ugat.
"Salbahe mo. Mas pinili kasi namin damayan kaibigan namin kesa mag-aral. True friend here," pambabasag niya sakin at umirap ako.
"Kaya nga. Hindi ba kabobohan yon?" Tanong ko at sinamaan niya ako ng tingin.
"Edi wow. Sunugin ko papel mo eh," sabi niya at tumawa naman ako.
"Ano sagot niyo sa essay sa likod?" Tanong ni Oli.
"Tangina tigilan niyo ko ah. Wala namang likod!" Galit na sigaw ni Eli.
"Ay," mahina kong sabi at pinagtinginan namin si Eli na ngayon ay gulong gulo na.
"Meron ba?!" Sigaw niya at tumango kami bago siya mapapikit nang mariin.
"Bwisit na buhay naman 'to!" Pagdadabog niya habang tuloy sa pagpunas ng dugo ng ilong niya.
"Okay lang 'yan pre. MVP ka naman non sa tourna niyo. Papasa ka," sabi sa kanya ni Ady at tumawa naman ako.
"Tawang tawa ka talaga kapag ikaw pinanggigilan ko bali leeg mo," sabi niya sa akin at mas lumakas ang tawa ko.
"'Bobo ka na makukulong ka pa?" Pang-aasar ko at pinitik niya ako sa ilong.
"Ilayo niyo sakin yan. Di nakakatulong sakin si bansot," sabi niya at nanglaki ang mata ko bago siya mahampas.
"Bansot ka pala eh," bulong sakin ni Ady.
"Oh baket? Umuusap ka dyan mas matangkad pa sayo si Kai," masungit kong sabi sa kanya at nagtawanan naman silang lahat.
"Speaking of Kai, di pa tapos sa practice?" Tanong ni Oli.
"Hindi pa. Gagabihin daw sila eh," sagot ko at tumango maman sila.
Pagkapasok namin sa cafeteria ay kaunti lang naman ang tao. Umupo kami sa usual table namin at bumili na sila Eli at Ady ng pagkain namin.
"Turuan mo ko rito. Di ko magets to," sabi ni Oli habang inilalabas ng libro niya.
Tinignan ko siya at ang librong inilalabas niya.
"Tapos na tayo dyan eh," sabi ko at natigilan naman siya.
"Bwisit ka. Edi hindi lumabas sa exam yon no?" Nakangiti niyang tanong.
"Wag mo na sagutin. Basta para sakin hindi lumabas sa exam," tumatango niya pang sabi at tumawa na lang ako sa kanya.
"Mahaaaaaal," narinig kong mahinang tawag sa akin ni Kai habang nananakbo at napalingon naman ako sa kanya.
"Sabay tayo ng luuuuunch!!" Sabi niya with baby talk at natawa naman ako.
"Ang sakit sa mata," narinig kong sabi ng isang kaibigan nila Kai. Katabi naman nito si Claire na nakahawak sa kamay ni Jay.
Aba. Oks na ata sila ah.
"Ay, bahala kayo dyan. Kayo na bumili ng pagkain niyo ang kukupad niyo," padabog na sabi ni Ady habang inilalapag ang pagkain na binili nila.
Umupo si Kai sa tabi ko at agad ko namang ikinawit ang hita ko sa hita hiya. Automatic rin naman na pumatong ang kamay niya sa hita ko.
"Tapos na kayo sa exam?" Tanong niya sa akin.
"Dalawa pa tapos all done na," Nakangiti kong sabi at pumalakpak naman siya.