Mackenzie's POV
It's our 1st week here in Korea. Bukas ang birthday ni Ady and today, I decided to bleach my hair.
At dahil sa trip ko sa buhay, lahat din sila ay na-enganyo na may gawin din sa buhok nila. Lalo na si Ady.
"Hindi ako magpapatalo! Kai! Sabihin mo gusto ko bright red hair para happy birthday malala sa akin," nakangiting sabi ni Ady habang nakaupo sa salon and we all laughed.
"Abnormal," bulong ni Eli and I smiled.
Kai talked to the stylist sa kung mga anong gusto naming gawin at sinimulan naman na niya.
Umaga pa lang ay nandito na kami dahil alam namin na aabutin ng ilang oras 'tong trip namin sa buhay.
"Mahal ang hapdi," naluluha kong sabi kay Kai sa hapdi ng anit ko dahil sa bleach.
"Do you want me to blow on it?" Tanong niya and I nodded while pouting.
"Hindi ba mahapdi sa'yo?" Tanong ko and she shook her head as she blew on my head.
"Your scalp is getting red," bulong niya habang tinitignan ang ulo ko and I sighed.
Hundi ko rin alam ano pumasok sa utak ko.
"Pre, ako rin mahapdi rin anit ko," sabi ni Oli kay Eli at tinulak lang naman siya palayo ni Eli.
"Kahit lumiyab ka dyan wala akong pake," sagot nito at nagtawanan kami at padabog namang umupo si Oli sa upuan niya.
"I'm getting hungry, order tayo?" Tanong ni Jay at nagtanguhan naman kami.
Sa excitement din kasi namin sa glow up era namin, hindi na kami nakakain. Nagmamadali kaming lahat makapunta rito sa salon kahit naman may reservations kami.
Para na nga raw kaming typical Asian parents kapag may flight, dapat 10 hours early nasa airport ka na.
Nang matapos, para kaming sisiw sa palabunutan dahil iba-iba kulay ng buhok naming anim.
"Sa beach tayo bukas, diba?" Pagpapaalala ni Ady at tumango naman kami paglabas ng salon.
"Wala tayo foods. Grocery tayo? My treat," mayabang niyang sabi at sino ba naman kami para tumanggi sa libre?
Agad kaming pumunta sa isang mall para mamili ng mga pwede naming dalhin at kainin para bukas.
Para nga naming nanay si Kai kung tanungin namin kung pwede ba namin bilhin mga gusto namin.
Nang matapos kaming mamili, we decided to eat dinner na lang din muna.
"Maaga ba tayo aalis bukas?" Tanong ni Jay kay Kai and she nodded.
"Ay, Mahal! Saan may bilihan ng films? I got 6 sets left," sabi ko at napaisip naman siya. Let's check here sa mall later bago tayo umuwi," sabi niya and I nodded while smiling bago bumalik sa pagkain ko at bigla naman akong hinawakan ni Kai sa mukha para punasan ang sauce na tumalsik sa pisngi ko.
Napatitig lang ako sa kanya while she's being this close to my face.
Halos isang taon na simula nung naging ganito ka kalapit sakin pero hanggang ngayon kinikilig pa rin ako. Hay nako, Kai.
"Wala na. Ang alat na bigla ng pagkain ko," nagmumukmok na sabi ni Oli at binitawan ang kutsara niya sa pagkain.
"Ge, akin na lang." Pang-aasar sa kanya ni Eli na hinila ang pinggan niya pero agad naman niya itong binawi.
"But seriously, do you guys want to be in a relationship right now?" Tanong ni Kai at nagkatinginan naman ang tatlo.
"Ako, ayaw ko. Tamang tikim lang muna," sagot ni Eli and the disgust on my face was so evident they all laughed at me.
