"Klaira! Be careful!" Pagsaway ni Mackenzie sa batang nagmamadaling bumaba ng hagdan nang tumunog ang cellphone niya.
"What?" Masungit niyang tanong sa tumatawag.
"Where's my kid?" Tanong ni Elijah sa kanya.
"Klaira is here, running around. Nasan ka na ba? Kanina ka pa inaantay ng anak mo," Sagot nito habang bumababa ng hagdan.
"I'll be there soon. I'll see you," sabi nito at bumuntong hininga naman si Mackenzie.
"Your kid misses you, Elijah. Uwian mo naman," sabi ni Mackenzie habang nakatingin sa batang nananakbo sa paligid ng bahay.
"Mackenzie, I'll be there. I'm on my way, wag kang OA" natatawang sagot ni Elijah at umirap naman ito bago babaan ng tawag.
Umupo si Mackenzie sa sofa at nagbukas ng TV upang manood. Ang bumungad sa kanya ay ang dance battle ng grupo ng mga babae sa Korea.
Street Woman Fighter 2.
Naramdaman ni Mackenzieng malaglag ang puso niya nang makita ang babaeng sumasayaw.
It was her.
It was her Kai. But know, she's no longer hers. She's no longer Kai.
Parang estatwang nanonood ngayon si Mackenzie sa bawat galaw ni Kai. Pakiramdam niya ay nalubog siya sa upuan niya. She remembered what she felt, 7 years ago. It all came rushing back to her.
"Why is Mikimi crying?" Tanong ng batang ngayon ay nakatayo na sa tabi ni Mackenzie and she just smiled at her.
"Look at her, she's so beautiful, right?" Tanong ni Mackenzie sa bata at itinuro si Kai na sumasayaw.
"Yes. Mikimi friend?" Inosenteng tanong ng bata sa kanya and she felt pain inside her chest.
"No, Klaira," nakangiting sabi ni Mackenzie habang nakatutok pa rin ang mata sa TV.
Not anymore.
Hindi pa tapos magsayaw si Kai ay agad nang pinatay ni Mackenzie ang TV.
"I want to watch!" Sabi Klaira at ngumiti naman si Mackenzie bago buksan muli ang TV at ilipat sa ibang channel.
It was so hard for her to watch.
Kai was finally achieving her dreams. Kai finally got the recognition she deserves, but she's no longer growing up with Kai the way they intended to.
They were achieving their own dreams, apart.
"Hindi naman ito yung pinlano natin," isip ni Mackenzie habang tumitingin palibot sa bahay niya.
Makalipas ang ilang oras, dumating na si Elijah.
"Daddy!" Masayang sigaw ni Klaira at nanakbo papunta sa tatay niya.
"Tara na ba?" Tahimik na tanong ni Mackenzie at tumango naman si Elijah habang karga ang anak.
"You okay?" Tanong ni Elijah and Mackenzie faked a smile. Just like she always do.
"Always," ngiting-ngiti nitong sabi at hinalikan naman siya ni Elijah sa pisngi at gumaya naman ang anak nito.
Naglakad na sila palabas ng bahay upang magmaneho papunta sa restaurant na pina-reserve nila para sa planong dinner nilang magkakaibigan.
Kung dati ay araw-araw silang nagkikita at kumpleto, ngayon ay halos isang beses na lang sa isang bwan na kailangan pa ng ilang bwang pagpaplano.
Pagpasok sa isang private room, nagsigawan ang mga kaibigan nila.
