Mackenzie's POV
"Feeling ko mas bagay 'to?" Tanong sa akin ni Oli habang nasa labas ako ng cubicle niya sa fitting room at binuksan naman niya ang pinto.
"I like the white polo better," sabi ko at itinuro ito.
"Ako? Saan mas pogi?" tanong sa akin ni Ady at ngiting-ngiting pinagsalitan ang dalawang damit na pinili niya na naka-hanger pa.
"Mas bet long sleeves," sabi ko at tumango naman siya bago isara ang pinto.
Si Oli hindi na sinara iyong pinto. Basta bihis na siya. Oks lang naman, wala naman masyadong tao ngayon dito sa mall dahil tanghaling tapat ng Monday.
Humiga ako sa sahig at tinabihan naman ako ni Eli dahil tapos na siya mamili ng damit niya.
"Para tayong hindi mahal ng mama natin dito," tumatawa niyang sabi at umapir ako sa kanya.
"Ako hindi talaga, ikaw di pa natin sure," pang aasar ko sa kanya at kinutusan naman niya ako.
"Alam mo, kakaganyan niyo sakin naalog na utak ko. Kaya ganito ako e," sumbat ko sa kanya at tumawa siya.
"Nagugutom ako. Nasan na ba si Jay?" sabi niya at inilabas ang phone niya.
"Uy sino 'yon!" nakangiti kong sabi nang may nakita akong convo na may heart.
"Wag mo ko guluhin mauudlot na naman 'to!" natatawa niyang sabi sa akin at umirap ako.
"Gano na kayo katagal nag-uusap?" tanong ko at umirap siya bago itago ulit ang phone niya at niyakap ako.
"Matutulog na lang ako kesa magkwento sayo," sabi niya at pumwesto na nga ng matutulog siya.
"Sige ako rin," sabi ko at niyakap siya pabalik at nakatulog na nga ako.
"Huy, tangina nitong dalawang 'to! Hindi na talaga gumising," narinig kong sabi ni Oli habang sinisipa ang paa namin ni Eli.
"Wag ka magulo!" bulyaw sa kanya ni Eli at tinadyakan naman niya pabalik si Oli pero natamaan niya rin ako kaya naman nagising na ang diwa ko.
"Ang sakit ng balakang ko," nakasimangot kong sabi at inalalayan naman ako ni Oli na tumayo.
"Bakit kasi kayo dyan natulog? Meron naman don yung massage chairs," sermon niya sa amin habang pinapagpagan naman ni Eli ang likod ko.
"Alam mong walangya kung makiliti yang isa kapag minamasahe baka imbis na ma-relax ako mabwisit lang ako dyan," sabi ni Eli at tinignan muna ako nang masama bago isukbit ang bag ko sa kanya at sinamaam ko rin naman siya ng tingin.
"Asan na si Jay?" tanong ko sa kanya.
"Nasa parking na. Dala iyong van, kasama na sila Claire," sabi niya at tumango naman ako.
"Di pa rin kayo okay ni Kai?" Tanong ni Ady sa akin.
"Okay naman si Kai sa kanya. Siya lang hindi okay kay Kai," singit ni Oli kaya naman napairap ako.
"Hindi naman ikaw kinakausap sabat ka nang sabat," galing kong sabi at tumawa naman siya.
"Totoo naman," sabat din ni Eli.
"Ayan isa pa. Si sabat din siya," sabi ko at natawa na naman sila. Walang ibang ginawa kundi tawanan ako kahit di naman ako nagpapatawa. Parang mga di nag-iisip!
"Ano ba kasi ginawa nong tao sayo?" pahabol naman na tanong ni Ady.
"Wala naman. Parang nahiya na lang din ako mag-open sa kanya nung mga nangyari sakin dati. Ang healthy niya kasi eh. Hindi rin naman okay na basta-basta lang ako mag-trauma dump sa kanya. Lalo na ganon yong traumas ko," paliwanag ko at tumango naman sila.