Mackenzie's POV
It has been a few months since nagsigawan kami ni Kai. Wala namang nagbago, pagkabalik niya non hindi na rin naman kami nag-usap na pagbalik niya.
Meron palang nabago. Mas naging distant si Kai, I've been trying to pull her back, pero mas wala nang pag-asa ngayon. I've been trying to talk to her, to communicate, pero halatang ayaw na niya at wala na siyang pakielam.
Hindi ko na rin alam ang gagawin ko. Ang sabi ko sa sarili ko, tonight will be my final attempt to fix us, kapag wala na, papakawalan ko na siya.
It's not that I don't want her anymore, I don't think I'll ever stop wanting her. I just know that she doesn't want us anymore, at sinasaktan ko na lang siya for making her stay in a place which doesn't serve her purpose anymore.
Nakailang paso na ako sa niluluto ko ngayon dahil kanina pa ako kinakabahan at pre-occupied sa mga pwedeng mangyari sa dinner namin ngayon ni Kai.
I was just getting done cooking nang biglang pumasok si Kai sa loob ng condo.
"Mahal, I made you dinner!" Masayang bati ko kay Kai na maagang dumating mula sa dance class niya.
She looked exhausted as ever.
She looked at me and then at the kitchen then sighed.
What's wrong?
Kumunot ng noo ko at tumingin sa likod ko.
"Ang kalat naman. You didn't have to make a mess. Sana tinanong mo muna ako bago ka nag-practice magluto. I'm not gonna eat. I'll shower then sleep," walang gana niyang sabi at nilampasan na ako para dumiretso sa kwarto namin.
Or kwarto niya. I don't know what to call it anymore. We're barely found in the same room these days.
Tumingin ako sa kusinang nagkalat ang mga ginamit ko para magluto. Practice? This isn't a practice dish. I've been practicing for weeks. Hindi na 'to practice. Confident na ako sa niluto ko eh.
"Alam ko na kung pano gawin paborito mong ulam," bulong ko sa sarili ko habang pinipigilan ang mga luha ko.
Huminga ako nang malalim bago maglakad papunta sa kusina at linisin ang kalat na ginawa ko.
Nang mahawakan ko ang pot na pinaglutuan ko, napatalon ako dahil mainit pa ito.
Dati, I could've shouted. I could even cry. Pero iba na ngayon. Hindi na pwede. Magagalit lang si Kai at sasabihin na kung ano-ano na naman ang ginagawa ko. Naiintindihan ko naman. Alam ko namang pagod siya galing practice.
Nang malinis ko na ang kitchen, umupo lang ako sa lamesa at pinagmasdan ang pot na hindi nagalaw. Hindi man lang sinilip.
Ilang linggo ko 'yan pinaghirapan eh. Ilang hiwa sa daliri ang tiniis ko diyan. Hindi man lang ako nakakuha ng ngiti. Maski ngiti lang. Kahit isa lang, wala.
Naramdaman kong may tumulong luha sa mata ko at agad ko naman itong pinunasan.
Tumayo ako para umakyat sa kwarto at maligo.
Tinignan lang ako ni Kai nang pumasok ako. As if she's wondering why I'm there. Like I'm not welcome here.
"Maliligo lang ako sandali," mahina kong sabi sa kanya at dumiretso na sa banyo.
Pagkalabas ko ay nagsuot lang ako ng damit ko at agad din naman akong lumabas ng kwarto at bumaba sa living room.
Binuksan ko ang TV para manood ng series.
Ilang minuto ang nakalipas ay bumaba si Kai sa kwarto at dumiretso sa kusina.
Hindi ko na siya nilingon dahil kita ko naman siya sa reflection ng malaking bintana sa unit.
![](https://img.wattpad.com/cover/150469783-288-k611518.jpg)