34

1 0 0
                                    

Kai's POV

Back to school na, welcome program is done, mas nawalan kami ng time ni Kenzie.

Dahil sa kanya napasa ang kumpanya nila, she had to study for business ad.

While graduating as a PolSci student, she's a freshie with business ad. Tho pagod siya, I think it's good that she gets to have something to do.

Kahit na for now, she doesn't enjoy what she's doing, at least may pinagkakaabalahan na siya rather than just sitting around and sulk in pain.

Hindi na ako nakakapagluto for the both of us. Minsan sobrang agang umaalis ni Kenzie para magpunta sa library to study, and then mauun siyang makauwi sa akin but by the time I get home, nakatulog na siya sa sala studying.

Kapag weekends, I managed to stack up my errands. Palaging piled up ang dance lessons ko and practice with DT na even on Sundays, fully booked ang schedule ko.

The same with Kenzie. She spends her whole weekend sa library, studying.

I came by once, kasama niya si Oli and it looked like they were in good terms na ulit. I tried to to join and the moment she saw me, bigla na lang naging gloomy ulit ang mukha niya.

That's why hindi na ako ulit bumisita. It felt like she didn't want me around, so I obliged. Sabi ko naman sa kanya, ibibigay ko lahat ng gusto at kailangan niya. Kahit hindi na siya magsabi, kaya ko naman pakiramdaman. Ibibigay ko.

Just like today.

I freed up my schedule. It's our anniversary. I tried to wake up as early as possible. By 5 AM, gumising na ako para man lang maabutan ko siya to greet her
and cook her breakfast, pero pagmulat ko, wala na ako kaagad katabi sa kama. Sobrang luwag na naman ng kama.

I sighed bago bumangon. Paglabas ko ng kwarto, I smell something burning.

Agad akong bumaba only to find Kenzie with bleeding fingers and the pot with smoke.

Agad kong pinatay ang kalan at nilapitan si Kenzie upang hilahalin siya papunta sa sink para hugasan ang kamay niya.

"What the hell are you doing?!" Singhal ko sa kanya.

"I was trying to cook for you," umiiyak niyang sabi and I clicked my tongue.

"You shouldn't have done that. Hindi ka naman marunong magluto eh. Perwisyo pa ngayon," naiinis kong sabi while looking at her fingers na may mga hiwa at paso.

Ano ba naman 'yan. Ilang taon kong inalagaan tong kamay na to na wag magkaron ng kahit anong galos, maski kalyo, wala. Tapos ngayon biglang ganito.

Alam naman niyang ayaw kong nakikitang may sugat siya, tapos ngayon ganito pa almusal ko.

Hindi naman ako nandidiri sa mga sugat or other inury, sa araw-araw na nasa studio ako may mga nasusugatan naman talaga. Pero kapag kay Kenzie na sugat, hindi ko kaya. Parang pinipilipit sikmura ko.

Nang matapos kong hugasan ang kamay niya, agad ko siyang pinaupo sa barstool at kumuha ako ng bandaid na naka store sa isang cabinet sa kitchen.

"I'm sorry," mahinang sabi ni Kenzie habang nakatingin sa akin and when I looked at her, may namumuo na namang luha sa mga mata niya.

"Tuwing kasama mo ko lagi ka na lang umiiyak. Lagi kang malungkot," sabi ko sa kanya at bumuntong hininga.

Nilagyan ko ng bandaid ang mga daliri niya at nang matapos ay tinignan ko siya.

"Hindi na kita mapangiti. Hirap na hirap na akong pasayahin ka," sambit ko pa at para naman siyang binagsakan ng mundo.

I don't know how she took that, but I guess not good.

Your Guardian AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon