29

3 0 0
                                    

Mackenzie's POV

Today is our last day in Korea.

We decided to just roam around the streets.

Nag-chill lang kami ng umaga and prepared our stuff tapos by hapon, we decided to roam the streets muna.

"So ngayon gusto niyo pumorma?" Galit na sabi ni Oli nang makita niya kami ni Kai na nakaayos.

"Better make the last day count," sabi ko at umirap sila bago pumasok sa kwarto nila para magpalit.

"Ang init ng ulo," pang-aasar ko sa kanila.

Umupo kami ni Kai sa couch para mag-intay sa kanila.

"Omma told me you look beautiful as ever," bulong ni Kai while showing me Omma's text to her.

"Aw, that's so sweet," I said while pouting.

After kasi ng beach trip namin, nag-stay kami kila Omma for 3 days.

Safe to say na parang ampon na rin nila sila Eli and they treat us all na para kaming kapatid ni Kai.

It's cute. Kai was also very happy. It was the first time daw that their home was that crowded, and I'm very happy for her too.

"Mahal, did you enjoy?" Tanong ni Kai sa akin and I nodded.

"This is the best trip I've had so far. Kahit natanggalan ako ng kuko," sabi ko and she smiled proudly.

Of course, this trip would have been a disaster without her.

"This was also my first outing with friends. I don't know if I should call out out if country if citizen naman ako dito," natatawa niyang sabi and I smiled.

"Really?"

"I get to travel with my parents pero not with friends. You know how they are," sabi niya at tumango ako.

"Kapag nag-break tayo, you remain friends sa kanila, ha? Kahit hindi na sa akin, ipapahiram ko sila sayo," sabi ko at kumunot naman ang noo niya.

"Why would you even say that?" Galit niyang tanong at sumimangot ako.

"Siyempre, baka mamaya may iba ka nang chix na nagustuhan," sabi ko at humalukipkip.

Natawa naman siya sa akin at sinuyo ako.

"You're so cute," sabi niya as she pinches my nose.

"Let's go!" Sabi ni Ady habang lumalabas at nagtatalon pa.

"Parang may iiyak kapag uuwi na tayo," sabi ni Jay habang nakatingin kay Ady na masayang nakatingin sa labas.

"Tangina. Hindi ko na 'yan tatabihan. Nung huli galing Japan puro uhog damit ko," reklamo ni Eli at tumawa naman ako.

"How many country have you guys traveled to?" Tanong ni Kai sa akin.

"I honestly can't remember na, Mahal." Sabi ko sa kanya and she nodded.

"Hindi pa naman kayo nag-aaway away?" Tanong niya and I laughed.

"First outing namin, muntik na kami maghiwa-hiwalay ng flight sa sobrang bwisit namin sa isa't isa pero nalampasan naman namin," tumatawa kong sabi upon remembering the memory of us almost "disbanding".

Lumabas na kami sa hotel and we decided to roam the streets na.

Paikot ikot lang kami, really.

Pasok nang pasok sa kung saang stores to buy pasalubongs. Ang dami ko ngang binili for Kentaro kasi medyo salty siyang hindi siya kasama dahil miss na niya sila Omma.

Your Guardian AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon