Hindi ikaw,
Hindi ikaw ang una,
Hindi ikaw ang tiyak,
Hindi ikaw ang ipakikilala sa pamilya,
Hindi ikaw ang magbibigay saya at ngiti sa mga labi niya,
Hindi ikaw ang mahalaga,
Hindi ikaw ang itatrato ng tama,
Hindi ikaw ang laman ng isip,
Hindi ikaw ang tinitibok ng puso,
Hindi ikaw ang mahal.
Iyan ang gusto kong ipaalala,
Nang makita mo kung paano niya siya ipagpauna,
Kung gaano siya katiyak sa kung anong meron sila,
Kung paano niya siya ipakilala sa kaniyang ama at ina,
Nang makita mo kung gaano siya kasaya,
Kung gaano niya siya bigyang pagpapahalaga,
Kung paano niya siya itrato ng tama,
Kung paano niya ikwento ang bawat memorya nila,
Kung paano niya sinabing gusto niya siya,
At kung paano niya sabihin kung gaano niya siya kamahal,
Ang mga bagay na pinilit mong gustong maranasan,
Ngunit ni minsan hindi mo man lang napagmasdan,
Noong nililimos mo pa ang pagmamahal,
Sa taong hindi ka gusto at kailanma'y di sayo naging sigurado,
Kay tagal mong hinihintay na baka ikaw ang siyang gusto,
Pero hindi dumating kahit anino nito,
Napapaisip kung bakit hindi ikaw,
Naghihintay sa sagot kung bakit,
Hindi pala ikaw,
Iyon ang sagot,
Isang sagot na makirot,
Pero hindi rin siya,
Ang magpaparamdam sayo na ikaw ang una,
Hindi siya ang ang magpaparamdam sayo na tiyak ka at nag-iisa,
Hindi pamilya niya ang dapat mong makilala,
Hindi siya ang magbibigay sayo ng buong pusong saya,
Hindi siya ang makakapagsabi ng 'yong halaga,
Hindi siya ang tatrato sayo ng tama,
Hindi isip niya ang naglalaman ng iyong magandang memorya,
Hindi puso niya ang titibok sa tunay mong ganda,
Hindi siya ang may lakas ng loob para sabihing mahal ka,
Hindi siya,
Hindi sila,
Hindi kahit na sino man,
Ang makakapagsabi kung anong tao ka,
Kung hindi ikaw,
Ikaw,
Ang magsasabi na una ka,
Ang magsasabing kasigura-sigurado ka,
Ang makapagbibigay ng saya,
Ang magpaparamdam na importante ka,
Ang may alam kung paano ka itatrato ng tama,
Ang may alam na kamahal-mahal ka,
Kaya't huwag mong hanapin ang sagot sa lugar na hindi ka angkop,
Dahil doon ay wala sa iyong kukupkop,
Kung hindi ikaw,
Sino ang may sabi na sila ang sagot?
BINABASA MO ANG
If I Die Will You Cry?
PoetryAng libro na ito ay para sa mga nasaktan at patuloy na nasasaktan. Nawa'y sa pamamagitan nito ay maramdaman mo na hindi ka nag-iisa, na may karamay ka. Sa pamamagitan ng mga tula at kwento ko'y mahaplos nito ang nakaraan mo, ang sakit, ang lungkot...