Palaging nangangako sa sarili,
"Ako na'y magbabago...",
Na kung anong nakagawian ay hindi na ako,
Gusto nang iwanan at kalimutan ang mga ayaw sa sarili,
Gusto nang wakasan ang mga bagay na pilit ikinukubli,
Gusto ng iwan ang sarili?
Gusto mo nang pagbabago?
Gusto mo nang magbago pero paano?
Nanaginip ako na ako'y nakalilipad,
Isang paru-paro na lumilipad sa alapaap,
Gusto kong lumipad,
Ngunit para sa ano?
Siguro'y dahil may gusto akong takasan,
O di kaya'y gusto kong maramdaman ang haplos ng hangin at kalayaan,
Ngunit sa aking bawat paglipad,
Animo'y may kung anong pilit nagbabalik sa akin sa kapatagan,
Lipad, lipad, pilitin kahit pagod na't di makaalpas,
Sa bawat paglipad na may katumbas na saya ay ang takot na maabutan niya,
Bakit kapag masaya hahabulin ng takot at kaba?
Nais kong lumipad,
Lumipad tulad ng saranggola,
Ngunit bakit isang saranggola na kapit at hawak ng iba,
Isang tanikalang pinipilit kang 'di makawala.
Gusto kong lumipad,
Lumipad papunta kung saan,
Gusto kong magbago,
Lilipad at hahanapin kung saan at paano,
Kahit tulad ng saranggola na paa'y nakakandado
Pilit aabutin ang pangakong pagbabago.
![](https://img.wattpad.com/cover/222939022-288-k824678.jpg)
BINABASA MO ANG
If I Die Will You Cry?
PoetryAng libro na ito ay para sa mga nasaktan at patuloy na nasasaktan. Nawa'y sa pamamagitan nito ay maramdaman mo na hindi ka nag-iisa, na may karamay ka. Sa pamamagitan ng mga tula at kwento ko'y mahaplos nito ang nakaraan mo, ang sakit, ang lungkot...