Ala-una ng gabi,
Nakikinig sa musikang naging saksi,
Musikang di akalaing tatangkiliking muli.
Maingay na sigawan,
Mapanakit na mga liriko,
Isang baril na may balang ibabalik ang nakaraan mo.
Tumakbo ka! Tulinan ang takbo,
Kundi ay tatamaan ka nito,
Mahapdi, madugo.
Huwag kang lilingon,
Hindi lumingon ngunit nadaplisan.
Masakit, mahapdi at maaring magdugo kung di iibsan,
Ano ang gamot? Kung pilit mong ikinukumot ang basang kahon,
Paanong gagaling kung pilit mong iniinom ang sarili mong lason?
BINABASA MO ANG
If I Die Will You Cry?
PoetryAng libro na ito ay para sa mga nasaktan at patuloy na nasasaktan. Nawa'y sa pamamagitan nito ay maramdaman mo na hindi ka nag-iisa, na may karamay ka. Sa pamamagitan ng mga tula at kwento ko'y mahaplos nito ang nakaraan mo, ang sakit, ang lungkot...