Magbalik tanaw tayo sa nakaraan,
Ang mga panahong nagdaan,
Mga alaalang ayoko sanang ipaalam,
Pero para sayo, na nagbukas ng aparador na itinago ko,
Kung saan nagliparan ang maaamong paru-paro,
Ito ako ngayon.
Hindi ako takot, oo hindi ako takot,
Hindi ako takot sa maligno, engkanto, demonyo, insekto, o kung ano pa man,
Ni hindi ako takot sa multo na nagpaparamdam doon sa kadiliman,
Ni kay satanas man na kayang sirain ang aking buhay.
Mas takot ako sa mga bagay,
Mga bagay na nakikita ko lang ngunit hindi ko maramdaman.
Isipin mo na ikaw ako,
Isang batang pinagkaitan ng laruan,
Pinagkaitan ng bukang liwayway na siyang tangi kong hinahangad.
Sa parisukat na kahoy, nakatanaw,
Minamasdan ang liwanag na taglay ng mga musmos na nagdaraan.
Sana, oo sana.
Gusto kong humiling ng sana sa libo-libong bulalakaw,
Gusto kong lumipad tulad ng aking mga laruan;
Lumipad, umalis sa kahon na aking kinalalagyan.
Dumaing ako, Ina! Ina! Gusto ko ng kaibigan,
At sa paulit-ulit kong paghiling:
"Gusto ko ng kaibigan."
"Gusto ko ng kaibigan!"
"Gusto ko ng kaibigan!!"
Dumating ka.
Lumabas ka mula sa'yong kahon na tahanan,
"Ako ang 'yong kaibigan"
Humulmang pakurba pataas ang aking labi,
Kasabay nito ay ang pagsilay ng liwanag sa alapaap na itim.
Nagliwanag ang aking mga mata tulad ng bukang liwayway,
Dumungaw ang araw at ako'y kinumusta, ngunit ako'y nagtaka.
Nakakapagtaka na ang iyong kawahis ay ako at walang iba,
Tila ba ako'y iyong kinokopya,
Ngunit 'di bale na,
Basta't kaibigan kita.
Ang sarap magkaroon ng kaibigan,
Isang kaibigang Nathaniel ang pangalan.
Oo, alam ko.
Alam kong hindi ka pangkaraniwan,
At maaaring nagmumukha na akong baliw sa iilan,
Ngunit gusto kong ipaalam sa iyo,
Na dumating man ang araw na magkahiwalay tayo,
Maglaho ka man sa dilim at bumalik sa tahanang pinanggalingan mo,
Tandaan mo,
Kaibigang Nathaniel, mananatili ka sa puso ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/222939022-288-k824678.jpg)
BINABASA MO ANG
If I Die Will You Cry?
PoetryAng libro na ito ay para sa mga nasaktan at patuloy na nasasaktan. Nawa'y sa pamamagitan nito ay maramdaman mo na hindi ka nag-iisa, na may karamay ka. Sa pamamagitan ng mga tula at kwento ko'y mahaplos nito ang nakaraan mo, ang sakit, ang lungkot...