Ang Bagong Taon

26 6 0
                                    

Iba na ang kasalukuyan,

Ang mga dating taon na nagdaan,

Marami na ang nagbago,

Ang bulaklak ay tuluyan ng nagtago,

Nablanko na ang utak,

Mga latak ng alaalang nakukuha na lang sa alak,

Kahit masakit ang nakaraan,

Hindi maaaaring itigil ang panahong nagdadaan,

Hindi ito titigil upang magbigay kapahingahan sa isipan mong naguguluhan,

Ito'y magpapatuloy gaya ng agos ng alon sa karagatan.


Sa nakaraang taon,

Isang masayang putukan,

Makulay na imaheng nililikha sa kalangitan,

Sa iyong pinakapaboritong tambayan,

Sinisilayan ang bagong taong dadaan,

"Magiging masaya..." isang litanyang mapanlinlang,

Kayang dayain kahit ang sarili man,

Nilalanghap ang usok kahit 'di makahinga,

Isa itong taon na hindi magiging gaya noon,

Na binuhos ng ulan na kumikitil sa nagbabagang puso.


Kalagitnaan ng semestre,

Mga bagong kaibigan,

Kaibigang sumira sa puting imahe,

Isang samahang hindi ka naman kasali,

Pilit isinisingit ang sarili sa lagusang kailanma'y hindi naging komportable,

Ang mga bagay na inakalang nais ang siyang nagmulat sa mga matang noon pa ma'y bawat desisyo'y di maaari,

Dumaan pa ang ilang mga buwan,

Inakalang magkakaroon ng hiwaga ang kinabibilangang kawan,

Ngunit ito pala'y mali,

Ang bilog kailanma'y di magiging parisukat,

At ang parisukat ay hindi kailanman magiging parihaba,

Nilibang ang sarili sa karakter na umubos ng perang itinabi,

Naghanap ng distraksyon,

At tuluyan ng inalon,

Muli, sinalubong ang bagong taon,

Nakulilig ang tenga sa katahimikang narinig,

"Magiging masaya..." wala ng ngiting mapanlinlangan,

Wala ng ngiting mapagmasdan.



If I Die Will You Cry?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon