Ang Panibagong Bagong Taon

9 1 0
                                    

Sinalubong ang bagong taon na puno ng pag-asa,

Sinabing ito na ang taon na mapupuno ng saya,

Ang taon na puno ng sigla,

Ang taon na 'di tulad noon na binabagabag ka,

Minsan ma'y dumanas ng lungkot at pagkabalisa ay pilit pa ring kinakain ang natitirang tinapay nang pag-asa,

Lumipas ang tatlong buwan nang ang sumisibol na pag-asa'y inagaw ng kadiliman,

Mula sa itaas, mga pangarap lumagapak,

Mula sa masaya'y tila tumatamlay,

Ang isang magandang pangitai'y napalitan ng isang bangungot,

Bangungot na sa sangkatauhan ay nagpakilabot,

Bangungot na nais nang takasan, nais nang malisan, nais nang iwanan,

Ngunit paano? Kung ang paggising ay 'di magawa ng bayan,

Ginugol ang mga buwan, na ngayo'y naging taon,

Ginugol ang panahon sa loob kung saan ika'y 'di maabot,

'Di maabot ng sakit, kasakiman at mga gawang nakakapanlumo.


Ako'y narito nakaupo sa kasulok-sulukan ng aming bahay,

Nagungulila, naghihintay sa pagdating ni inay,

Ang nangyaring trahedya'y ginawang positibong bagay,

Ito na marahil ang sagot sa hiling na taglay,

Na unti-unti'y mabuo ang nasirang puso ng tahanan,

Na unti-unti'y lumiwanag, bumalik ang ilaw ng tahanan,

Na unti-unti'y mabuo ang sariling naligaw.


Hinanap ang sarili sa pagbuo ng isang storya,

Ang storya kung saan ako ang bida,

Ang sakit na dinanas ang nagbigay buhay sa akda,

Iyon ang nagpadaloy sa dugong may pagkamakata,

Minulat ang sarili sa lagay ng mundo,

Nag-isip kung may patutunguhan pa ba ito,

Ang mga susunod na segundo, minuto, oras, panahon kailanma'y 'di mapanghahawakan nino,

Binatbat ng pagsubok, suliranin at tiisin,

Nagulumihanan, natara't 'di mapakali,

Sinong panghahawakan mo sa panahong ganito?

Ang sarili mong wala rin namang kaya na kahit na ano?

Napagtanto na hindi nag-iisa,

Lumuhod, umiyak at dumalangin sa Kaniya,

Idinulog ang mga hinain na pinaproblema,

Anong gagawin sa panahong natatakot ka?

Anong gagawin kung ang panaginip mo'y naging bangungot na?

Anong gagawin kung ubos na ang natitirang tinapay nang pag-asa?

Sa aking paglapit ay minulat ang mata,

Kinasangkapan ang isang tao upang makita ang pag-asa,

Mula sa kaniyang mga mata'y nakita ang saya,

Ang magulo't maingay na mundo'y namayapa na,

Ang utak na binalot ng dilim ay unti-unting nagliliwanag na,

Muli'y lumuhod at ipinagpasalamat ang pagdating niya.


Sa nakaraang taon,

Isang masayang putukan,

Makulay na imaheng nililikha sa kalangitan,

Narito ako ngayon sa aking paboritong tambayan,

Sinisilayan ang pag-asa sa taong dumadaan,

"Masaya..." isang lintayang nakamtan,

Nilalanghap ang malamig na simoy ng hangin,

Isa itong taon na hindi gaya noon,

Ito'y taon na puno ng pag-asa't hanagrin,

At ang lahat ay muling babangon din.

If I Die Will You Cry?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon