Basang Unan

23 6 0
                                    

Maaaring huli nga ako sa mga option na pinagpipilian mo,

Maaaring una mong naisip ang basong may lamang inuming magpapamanhid sa mga sakit na nararamdaman mo,

Maaaring naisip mo ring pumunta sa maliwanag na ilaw upang sumayaw, sumigaw at ihiyaw ang mga bagay na nagpapabigat sa puso mong naiipit, mapanakit, namamalipit sa sakit,

Naninikip sa pagpipigil ng mga luhang pilit kumakawala,

Ang mga mata mong dati'y puno ng saya,

Puno ng mga memoryang nagpapasaya sa puso mong nalunod na sa madidilim na istorya,

Maaring hindi ako ang una,

Maaaring hindi ako ang unang naisip ng magkaproblema,

Maaaring nag-alinlangan ka pa noong gabing tayo na lang dalawa,

Oo, maaaring hindi ako ang una,

Ngunit sa paglubog ng araw at pagdating ng maliwanag na buwan,

Sa akin at ako pa rin ang sasalo ng patak ng mga luhang pilit kumakawala sa mapupungay mong mga mata.

If I Die Will You Cry?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon