Pinapalaya Na Kita

10 0 0
                                    

Ang paglaya,

Hindi ko inakala,

Na darating sa puntong sa pag-ibig mo'y lalaya,

Ngunit ang sakit ay hindi mapagparaya,

Pilit pumupulupot at hahatakin ka pababa,

Sa bawat gabing 'di madalaw ng antok,

Ay mga alaala ang siyang kumakatok,

Kung paanong naging masaya,

Kung paanong nangarap na tatandang magkasama,

Kung paanong sinabi na mahal na mahal ang isa't isa,

Ngunit kung tunay na mahal ay bakit 'di na magkasama?


Ang paglaya.

Isang bagay na gusto kong makuha ngunit di ko din maibigay,

Isa biyaya sa taong palagi na lang nasasaktan,

Ngunit hindi ko din alam,

Minsan naguguluhan,

Paglaya nga ba ang siyang laman,

Ng pusong tanging tunay na pagmamahal lang ang siyang inaasam?

Ang paglaya nga ba ang magpapasaya sa pusong nilamon ng lungkot at poot?

Di alam kung saan papunta,

Di na din alam kung ang landas na tinatahak ay tama pa ba,

O kung ang desisyong palayain ka ang magbibigay saya,

Siguro nga'y tama na,

Pinapalaya na kita,

Kasama ang lahat ng ating memorya,

Pati ang sakit na hindi mabura,

Ngunit bago tayo tuluyang paghiwalayin ng panahon at tadhana,

Na siya ring naglapit sa atin noong una,

Nais kong itanong sayo sinta,

Nang maging malaya ka naging masaya ka ba?

Sana ang sagot ay, hindi at ako pa ang gustong makasama.

If I Die Will You Cry?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon