Chapter 37 - time

249 0 0
                                    

chapter 37 - time

na diagnose na may amnesia si louie, after 2 daysmula nang gumising siya, her grandparents decided na sa mansion niya nalang ipagpatuloy ang kanyang pagpapagaling.

hindi parin ako umalis mula sa tabi ni louie, kahit di niya ako naaalala.

lumabas ako ng kwarto at narinig ko si tita mildred na kausap si mr. sy sa cellphone.

"mr. sy, maya't maya ay babalik na kami inaasikaso nalang ni edward ang discharge papers at ang gusto kong gawin mo ay tanggalin ang lahat ng bagay na makakapag alala sa lalaking si Anthony Delgado sa bawat sulok ng bahay at kwarto ni elouise."

.....

"thank you. see you soon."

at ibinaba niya na ang kanyang cellphone at inilagay sa bag. "oh hijo..?"

"its not that i'm eavesdropping, alam niyo rin po yung nangyari sa kanila ni andy?"

"oo,hijo naikwento samin ni elena. kaya hinayaan muna namin siya makapag isip isip dito sa tagaytay. pero ito pala yung mangyayari sa kanya."

"tita, i'm so sorry po."

"don't be, wala namang may gusto na mangyari 'to, baka may dahilan ang diyos kung bakit nangyari 'to sakanya, napakalaking pagsubok yung naranasan ni louie, the past few days, months. sige hijo, papasok muna ako."

"sige po tita,.... aaah, tita, i'm getting a coffee, do you like anything?"

"black coffee hijo, thank you."

~mansion.

finally, nakabalik na rin kami. pagpasok namin sa mansion ng mga pelaez ay winelcome siya ng lahat ng mga tauhan nila sa bahay.

matapos nun ay nag volunteer kami ni elena na samahan siya sa kwarto niya. pero bago kami tuluyang maka akyat ng hagdan ay binati siya ng papa at tita niya at niyakap rin siya ng mga nito.

pag akyat namin ng hagdan ay nakasalubong namin ang lolo nito at si mr sy.

"hija, welcome home." bati ng lolo niya at niyakap ito.

ngumiti lang si louie.

"oh, hijo" tumingin sakin ang lolo niya "elena" at tumingin rin kay elena, "kayo na ang bahala sa apo ko, ingatan niyo siya."

"opo sir." sagot ko

"opo, lolo." sagot naman ni elena.

pagpasok namin ng kwarto, tila bang may nag bago, parang may kulang sa kwarto niya. naninibago kaming dalawa ni elena. yung ibang picture frames ay pinalitan ng mga scented candles or jars.

"ok ka na ba? di na ba masyado sumasakit ulo mo?" tanong ni elena.

kasi kanina habang nasa biyahe, nag rereklamo siya dahil sumasakit raw yung ulo niya.

"hindi na." sagot niya, habang nililibot ang kwarto niya. kinuha niya yung isang picture frame na ang nilalaman na litrato ay silang tatlo ni jessi at ysa. "jessi and ysa, right?"

"yes." sabay naming sinagot ni elena.

"ano 'to?" tanong niya habang hawak hawak ang bagay.

"it's a candle" sagot ni elena. "smell it. mabango yan."

"mabango?" and then inamoy niya. "aaaah. mabango." ^______^ ang cute niyang tingnan. para siyang isang 4 years old na bata.

tapos inisa isa niyang buksan ang mga drawers nito. sa pangatlong drawer na nabuksan nito ay may isang pink box siyang nakita at kinuha ito, umupo siya sa may kama at binuksan ang pink box.

It Started With A FightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon