_________________________________________-
Chapter 1 – home
Pauwi na ako ng pilipinas at kasalukuyang nasa eroplano ako ngayon.
Galing ako ng New York at ngayon kailangan kong ipag patuloy ang pag aaral ko sa Pilipinas.
Dahil sa mga rasong di ko pa pwede sabihin.
O kaya sabihin nalang nating may nangyaring masaklap.
Basta yun na yun.
Kasalukuyang nagsasalita na ang pilot dahil malapit na kaminng mag landing.
Maya-maya ay nag b-blink na ang light dahil kailangan na naming mag seatbelt dahil
Papalapag na ang eroplano.
“are you ready?” sabi ni tito Edward
Si tito Edward ang bunsong kapatid nina papa, actually dalawa lang silang magkapatid, parang kuya ko nga lang ‘to dahil bata pa naman rin si tito Edward, 27 years old lang siya at halos 10 years lang gap namin oh.
“I’m nervous.” Phew.
Kinakabahan talaga akong humarap kay lolo.
“don’t be afraid to papa, he won’t bite you!” nagpapatawa si tito Edward.
“haha! Funny. Pero seriously, I don’t know what to say to him, I got into this trouble and------“
Di niya na ako pinatapos.
“relax, everything will be fine, I’m sure.” Relax relax ka dyan, eh si lolo na yung kaharap ko, papano pa ako makaka relax niyan?
At yun nag landing na nga ang eroplano, at eto namangg tito ko nakikipag flirt pa sa mga stewardess.
At eto namang mga stewardess nato nakikisakay din, dahil ba gwapo tito ko, nakikipag flirt din kayo.
Hmmmmmppf! >.<
“tito, tara na!” at lumapit na siya sakin at papalabas na kami ng cube
“at nakuha mo pang makipag landian sa mga stewardess nu? Naku tito kung di ka lang single, kawawa yung girlfriend mo.”
“pasalamat pa nga sila single ako. Hahahahahaa!” kung makatawa.
At hanggat sa narating na namin ang exit at ayun nag aantay ang susundo sa amin
Sumakay na kami ng kotse at papunta na sa bahay.
50 minutes later….
Nakarating na rin kami sa bahay.
Pagbaba namin ng sasakyan may sumalubong sa aming mga katulong at si Mr. Sy
Ang kanang kamay ni lolo.
“si papa po?” sabi ni tito Edward at tumingin sakin, with a smile.
Nanakot ba ‘to?
“umalis po siya, next week pa ho ang balik niya, may importanteng meeting sa Taiwan.” Mr. Sy
Phew. Nakahinga ako ng malalim dun ah.
“ano bay an safe ka ngayon wala si lolo mo, hahahaha!” at sabay akbay sakin.
“sige na tito pagod ako, I’m having jetlag right, pupunta na ako sa kwarto.”
Pagkapasok ko ng kwarto humiga ako agad sa kama.
Oo nga pala, di pa ako nagpapakilala, let me introduce myself, ako nga pala si Elouise Millionette Pelaez, but the people around me calls me louie (pronounces as lu-wi) kaisa-isang apo ng magaling na business man na si Eduardo Pelaez at ang socialite na si Mildred Noraldi - Pelaez. Kaya naman buong buhay ko kontrolado niya. Wala na akong magulang dahil namatay sila when I was 8 years old sa isang car accident sabi nila, pero alam ko namang pinatay sila. Di lang nila sinasabi sakin ang totoo dahil ayaw nila akong matakot. Kaya yun, matapos ang malagim na aksidenteng yun pinadala ako ni lolo sa New York at halos dun na lumaki.
Okay enough of myself already.
Habang tinatry kong matulog, bigla namang nakigulo ‘tong si tito at pumasok sa kwarto ko.
“dinner na! di ka pa ba gutom?” sabi niya.
“oo bababa na. susunod na ako.”
“bilisan mo may sasabihin at si Mr. Sy tungkol sa school na papasukan mo.”
It’s in the middle of july ngayon buti nalang tumatanggap pa sila ng enrolees. O kaya nalaman nilang Pelaez ang papasok sa scholl nila kay pumayag.
*TO BE CONTINUED................
![](https://img.wattpad.com/cover/1130109-288-k181670.jpg)
BINABASA MO ANG
It Started With A Fight
Teen FictionIT STARTED WITH A FIGHT AND ENDS WITH THE WORD LOVE!! (FILIPINO)