Chapter 47 - Figure it out

138 3 0
                                        

Chapter 47

Nagising ng maaga si Louie, mas na-una pa siyang gumising kaysa sa kanyang alarm clock. Di muna siya umalis sa kanyang kama at nanatiling nakahiga.

Mga mata niya ay nakatutok sa kisame pero nanatili siyang tulala…

Sa isip niya, ‘papaano ko sasabihin kanila lolo.’ Napabuntong hininga siya…

Dahan-dahan narin siyang bumangon mula sa kinahihigaan niya at nanatiling naka-upo sa gilid ng kama habang inaabot ang cellphone niya sa side table then she checked her emails/messages. Nag lalaman ito ng mga good morning texts mula sa fiancé niyang si Jao at sa tito Edward niya.

Matapos niyang basahin at mag reply, ay nakaramdam siya ng parang nasusuka. Kaya nag madali siya tumakbo patungo sa kanyang banyo.

Kinuha niya ang pregnancy test na nakatago sa drawer niya. This time, ika-pangalawang beses niya na itong tinake sa loob ng isang lingo.

Pagkatapos nun ay napaupo siya sa tabi habang inaantay na lumabas ang resulta… after waiting ay lumabas na ang resulta ng pregnancy test…

+…

Positive ang lumabas…

Inilapag niya ang pregnancy kit sa harapan niya at hinugasan niya ang kanyang mga kamay.

Pagkatapos niyang mag hugas ay lumabas siya ng banyo at naglakad patungo sa kanyang kama saka umupo. Kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan ang bestfriend niyang si Jessi.

Hapon na nang dumating ang kaibigan ni Louie na si Jessi sa bahay niya. “hey, jess.” Bati ni louie sa kanya sabay beso nito.

“louie.” Bumeso rin si jess sa kanya. “what do you wanna talk about ba?”

Matapos nun ay napa-upo ang dalawa sa upuan malapit sa swimming pool at inutusan rin ni louie ang katulong nito upang ipaghanda ng merienda ang bisita.

“jess… di ko alam kung papaano sabihin ‘to.” Sabi ni louie sa kaibigan.

“what is it louie? Pinapakaba mo ako, go on tell me.” Sabi ni jessi habang nakahawak ang right hand niya sa left hand ni louie.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It Started With A FightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon