Chapter 32 - Hospital

346 3 2
                                    

Chapter 32 - hospital

(elena's POV)

i'm on my way to the hospital, kasi naconfined yung bestfriend kong si kristel and since college hindi na kami nag kita at marami pa kaming kailangang ikwento sa isa't isa.

pagkarating ko ng hospital ay nag hanap muna ako ng parking space para sa baby kong si beemo, yeah i named my car beemo. ng makahanap na ako ay dumeretso na akong pumasok sa loob dahil ang init init sa labas at nakaka paso yung sikat ng araw sa katawan.

sabi ng mom ni kristel ay nasa room 411 daw siya. kaya hinanap ko kung saan yung elevator ng hospital langan naman mag st-stairs ako eh, sobrang pawis ko na mula sa labas at umiiyak na yung kili-kili ko. sa first floor at puro laboratories or clinics yung mahahanap mo.

pag ikot ko sa right ay sa wakas nakita ko na rin yung elevator, pero di ako nakahabol kasi sumara na yung pinto, kaya nag antay nanaman ako so i pushed the botton and wait. habang nag aantay ako may nakita akong pamilyar na lalaki.

kaya napasunod ako kung san siya patungo kaya umalis ako sa kinatatayuan ko. 'si andy ba yun?' sabi ko sa sarili ko. 'ano kaya ang ginagawa niya dito.'

maya maya't tumunog na yung elevator kaya nag madali na akong pumunta sa may elevator. nag makapasok na at nasa loob na ako ng elevator nakita ko nanaman si andy, pumasok sa isang clinic, pero di ko na nakita kung anong klaseng doctor yung nakalagay kasi sumara na yung pinto.

ano kaya ginagawa ni andy dito? may sakit ba siya, alam kaya ni louie 'to. tapos tumunog nanaman yung elevator door, kasi i've just reach my destination. kaya lumabas na ako ng elevator.

pag labas ko ng elevator ay makikita ko agad ang room 402 tapos to the right ay 404 then sinubaybayan ko nalang yung daan patungo room 411.

408

409

410

aaaanndd

411.

bago ako pumasok ay kumatok muna ako ng apat na beses at tuluyan ng pumasok. andun yung mommy ni kristel naka upo nag babantay sa anak niyang may sakit, nilagnat kasi si kristel at baka raw dengue kaya siya ikinonfined dito sa hospital.

"good afternoon po tita." bati ko sa mommy niya wala na rin kasi siyang daddy dahil hiwalay parents niya pero may kuya siya at yung kuya niya ay nasa daddy niya.

"oh, elena. tamang tama andito ka na, hihingi lang sana ako ng favor kung pwede maiwan muna kita dito with kristel kasi may pupuntahan lang muna ako sandali." pakiusap ng mommy ni kristel.

"oo, sige po tita. ako na po ang bahala sa anak niyo."

"maraming salamat hija, sige aalis na ako." at ayun nga umalis na yung mommy niya.

 kaya umupo ako dun sa inuupuan ng mommy ni kristel kanina.

"hoy girl, buti napadalaw ka. na miss kita ng sobraaaa." sabi ni kristel.

"syempre naman, lalo na't may sakit ka. girl, sorry ha kung ngayon lang talaga ako nagkaroon ng oras, busy kasi eh. alam mo namang."

"oo nga pala about doon sa family mo, ba't di mo sinabi sakin na kapatid mo pala si elouise, tapos yung sinabi mo pa sa barkada na pinsan mo siya eh kapatid mo pala siya. nalaman nalang namin sa tv at newspaper, bruha ka.  hahaha!" sabi niya.

"mahirap na eh, alam mo girl, nung unang nalaman ni louie, sobrang galit siya sakin at kay papa. kulang nalang ay ipag tabuyan niya kami eh."

"now i understand kung ayaw mong ipaalam samin." sabi ni kristel, buti naman at di siya talaga nagalit sakin dahil isinekreto ko sa kanya.

It Started With A FightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon