45-NO TITLE

1K 43 1
                                    

AN: para magwork ang isang relasyon...unahin mo ang partner mo at uunahin ka rin niya.

aboshosho..

lapit na to. :')

--

Mams 45

MAY’s Pov

SEMBREAK ne next week pero parang angtagal lumipas ng araw. Excited ang barkada na pumunta sa iba’t-ibang bansa pero ako ito, tinatamad ako mag-isip. Kung saan mapadpad de dun na lang. tumatambay lang kami ngayon sa Gym. Pinapanood ko lang maglaro ang barkada.

Binato sa kin ni Lou yung bola.”Sali ka oh…”

Binato ko ito pabalik sa kanila.”tinatamad ako..” Wala lang ako sa mood. I got my bag and headed out.”commute ako guys… tawagan ko na lang kayo kung sasama ako sa outing.”

Naglakad-lakad lang ako sa campus. Im just in deep thought panay lang ang sipa ko sa mga batong nakikita ko.

Hindi kalayuan ay nakita ko si Zean. Makakasalubong ko pa yata siya. Napatigil ako sa paglalakad ganun rin naman siya nang Makita niya ako. Umiwas na lang ako at nagpunta sa canteen.

Bumili lang ako ng makakain at muling lumabas. Nakayuko ako at binubuksan ang piatos na binili ko nang mabangga ako sa isang bulto ng lalaki.

Iniangat ko ang tingin ko para magsorry pero nagitla ako nang Makita kong si Zean ito. Matamang nakatingin lang sa akin. “Pwede kitang ihatid?”

Hindi ako umimik.  After nung incident sa mall hindi ko siya kinakausap. Isang linggo na rin pala ang lumipas. i sighed. “magcocommute ako…”

“sasabayan na lang kita. Si Jai na lang mag-uuwi ng kotse ko.”

excuse me.”sinubukan kong lampas an siya pero kung saan ako dumadaan ay humarang siya.

Para kaming nagpapatintero. But I bet he’s serious.”kahit ngayon lang? pumayag ka na please…”pakiusap niya.

Hindi ko siya sinagot. Nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. Sinabayan niya ako kahit hindi ko siya iniimik. Pagsakay sa bus ay umupo ako sa may malapit sa bintana.

isang oras rin to. Hindi mo pa rin ako kakausapin?”sambit niya.

Hindi pa man rin nakakaalis ang bus ay naiinip na ako. Ipinikit ko na lang ang aking mga mata para hindi ko siya Makita.

sa pagpikit ba ng mga mata mo makakalimutan mong katabi mo ako?”narinig ko na namang sinabi niya.

Hindi ko na pinansin ang sinabi niya. Ipinatong ko ang braso ko sa harapan at isinandal ang ulo ko. Maya-maya ay naramdaman ko ang kamay niyang iniangat ang ulo ko.

sumandal ka na lang sa balikat ko.”umayos siya ng upo para makasandal ako sa kanya.”ok lang na hindi mo ako kausapin.”

So I did. Sa buong byahe nakasandal lang ako sa balikat niya. Walang usap-usap. Pagbaba naming ay nilakad naming ulit hanggang sa mansion.

ditto na lang ako…”he uttered pagkarating sa tapat ng mansion.

Tinanguan ko lang siya.

im not giving up May… tayo pa rin hanggang sa huli…”pahabol pa niya bago ako pumasok ng gate.

Naratnan ko si mama at Ronald na nag-uusap sa may sala. “oh andito na pala yung hinihintay mo e…”sabay tayo ni mama.”ikaw na bahala sa batang yan ha?”

mr. and ms. snubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon