Chapter Seven

9.9K 335 9
                                    

Pagkatapos naming gamutin at lagyan ng benda ang pakpak ng puting ibon ay inilapag ito ni Jeff sa lupa. Hindi 'ito makakalipad dahil bali ang pakpak nito.

"Dalhin nalang natin ang ibon, baka kasi kainin lang yan ng wild animals." Sabi ni Ashly, sabay kuha sa ibon.

"Oo nga kawawa naman." Si Patrick.

"Kakaiba ang ibon na 'to, hindi pa ako nakakita ng ganito." Sabi naman ni Maxx, mahilig kasi ito sa mga ibon.

Sa patuloy naming paglalakad ay may nakita kaming malaking ahas na nakaharang sa daraanan namin. Mahaba ang katawan nito, kasing laki ito ng kawayan. Itim na itim ang kulay nito, bigla itong nag-angat ng ulo.

Napahinto kami sa paglalakad. Napalunok ako, naghanda ang mga lalake. Humigpit ang kapit ni Patrick sa itak. Inabot naman ni Dylan ang pana kay Jeff, at kinuha nito ang mahabang baril. Si Maxx naman ay naka umang na din ang hawak na sibat na kahoy.

Umikot ang ulo ng ahas papunta sa direksyon namin, para itong cobra dahil palapad ang ulo nito na parang may pakpak. Lumabas ang dila nito, at unti unting humaba ang leeg habang sinisipat ang paligid. Dahan dahan kaming umatras papunta sa likuran ng mga lalake, tumunog ang mga tuyong sanga na naapakan namin.

Nagkatinginan kami ni Ashly, napangiwi kami ng mapatingin kami sa hawak namin. Maliit na kutsilyo. Anu naman ang laban nito sa malaking ahas.

Paglingon namin sa ahas ay patungo na ito sa direksyon namin. Agad itong binaril ni Dylan, kasabay ng pagpana ni Jeff. Bumagsak ang ahas, habang nangingisay. Sapol ito sa ulo, hindi ko naman narinig ang putok ng baril may silencer siguro ito.

Nilapitan nila agad ito. Habang hindi pa nakakabawi ang ahas ay agad itong sinibat ni Max, tumagos sa katawan nito ang sibat na kahoy. Pinag tataga naman ito ni Patrick hanggang maputol ang bandang leeg.

"Anung klaseng ahas to bakit may walong galamay? Para itong kamay." Sabi ni Max.

Saka kami lumapit, binunot ni Jeff ang pana at pinunasan ng tuyong dahon napansin kong purong bakal ito.

Kumuha naman si Dylan ng kahoy at pinatulis ang dulo, lumapit siya sa ulo ng ahas. Nakadilat ang mata nito. Tinusok niya ang mga mata ng ahas.

"Ganito ang gagawin nyo kapag nakapatay kayo ng ahas. Sirain 'nyo ang mata, kasi naiwan ang repleksyon natin sa mata nila. Kapag nakita ito ng kasamahan niya siguradong hahanapin nila tayo at papatayin." Sabi naman ni Dylan.

Napahanga naman ako kay Dylan, mukhang marami itong alam. Sanay na sanay ito sa gubat, sa masukal na bahagi ng Mindanao pala siya nadestino.

Habang naglalakad kami ay palinga linga ako sa paligid, may mga ibon na nagliliparan. Napansin kong medyo madawag na ang napuntahan namin, may mga maliliit kasing puno dito. May mga bonsai, at kakaibang uri ng halaman.

"Wala manlang bakas na may napuntang tao dito, hindi naman tayo pwedeng mag ingay baka mabulabog ang mga hayop." Sabi ni Dylan.

"Tingnan nyo to, may maliliit na pine trees, four feet lang ata ang taas. Marami pang mga puno na hindi na tumaas." Sabi ni Patrick.

Mga limampung metro lang ang nilakad namin ng may nakita na kaming mga bulaklak. Kakaibang mga bulaklak. Merong pabilog na kasing laki ng bola, kulay dilaw ito. Namangha ako sa napakalaking mga rosas na kasing laki ng payong, my pula, berde, asul at lilak.

May malalaking orchids, napakakalat ng paligid meron pang mga puno ng cherry blossom. Hugis kampana na iba't ibang kulay ng bulaklak, para itong kisame dahil nasa taas ang mga ito.

"Is this r-real?" Si Ashley. Habang abala ang mga mata sa paligid. Napansin kong tulog na ang hawak niyang ibon.

"Kung totoo talaga ito, paraiso ang lugar na 'to." Habang inaamoy nito ang bulaklak.

"Sarap sanang piktyuran no, kaya lang deads ang mga gadgets at camera natin." Sabi ko, sa patuloy naming paglalakad ay nakarinig kami ng lagaslas ng tubig.

Pagdating namon duon ay may maliit na waterfalls. Maliwanag ang lugar na 'yun bahagya kasing may puwang ang mga nagtataasang puno.

"Dito muna tayo, magluto na tayo ng lunch at maligo." Sabi ni Jeff habang nilalapag ang gamit nito.

"Kung sino man ang may ari ng falls na to? Painum at paligo na rin ha? Nag paalam si Ash bago uminum ng tubig.

Bahagya namang gumalaw ang ibon, dinala ko ito sa batis at inilapit ang tuka niya sa tubig. Agad itong uminum mukhang uhaw na uhaw ito. Kawawa ka naman, sana gumaling kana. Kinakausap ko ito habang sinusubuan ko ng dinurog na biskwit.

Gumagawa naman ng apoy ang mga lalake, nanguha pa sila ng mga gulay na pwedeng kainin. Magkakatulong silang nagluluto, Kami ni Ash ay nag hubad ng pants at Jacket. Nilabhan namin ito pag katapos ay nagtampisaw kami sa napakalamig na batis.

"Guy's ligo na tayo ang sarap ng tubig." Tawag ni Ash sa kanila.

Pag sisid ko ay dinilat ko ang mata ko. Malinaw ang ilalim ng tubig, pag ahon ko napatingin ako sa maliit na falls. Mga anim na talampakan ang taas nito. Biglang nahagip ng tingin ko ang tatlong nilalang na naka upo sa malaking bato sa itaas.

Mapuputi ang mga ito, ngunit ang kanilang buhok ay kulay berde. Agad kong inalis ang paningin ko duon, nagpanggap ako na wala akong nakita.

Hanggang sa kumain kami ng tangahalian ay nanduon pa rin sila nakamasid sa amin.

ENCHANTED MOUNTAIN: The Hidden Secret [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon